Hanggang Saan Ang Pag-ibig Mo

46 3 1
                                    

Narito ako sa probinsya  gawa-gawa para magbakasyon at makakuha na rin ng mga magagandang shot . Bilang isang Photographer kailan ko makakuha ng mga magagandang scene ng tanawin . YUn kasi ang bagong project ko . Pero sa hindi inaasahang bagay mukhang naligaw ata ako ? hindi ko alam kung nasaan ako , kakaiba rin ang mga tao dito . Makabalik pa kaya ako  . Pano na ang pamilya ko , magagawa ko bang iwan sila para sa taong nagpapatibok ng puso ko .?

Hanggang saan ba ang pag-ibig ko para sa Lalaking mahal ko .

Magawa ko kayang manatili sa tabi nya . 

Kung ang pamilya ko'y umaasa na makikita't makakasama pa ako . 

Written By : Abbstory27

Chapter 1 

   Pagbukas ko nang bintana malimig ng simo'y nang hangin ang sumalubong sa aking mukha  Napakagandang simula para sa umaga . Napangiti ako sa ganda nang kalikasan ,sa tanawing bumungad sa akin . Ang sarap talaga ng buhay sa probinsya napakapayapa mula rito sa aking silid tanaw ko ang dagat . Dagat na nag-uumapaw sa kagandahan at likas na yaman . 

 Ipinikit ko ang aking mga mata 't itinaas ang aking mga kamay . Upang damhin ang napakasariwang hangin . Nakakarelax pakiramdam ko isa ko sa kanila .

 Natigil ang ang pagmuni-muni ko nangbiglang may kumatok sa silid na tinutuluyan ko . 

*tok! tok! *

" Sandali lang !" . Sigaw ko , dalidali akong nagtungo sa pintuan para magbuksan ang taong umistorbo sa aking pagnilaynilay , kaasar kung saan ka nag papahinga may eepal ee . binuksan ko na ang pinto bumungad sa akin ang may katandaang babae siguro nasa edad 50 na sya . 

" Nay ! anu po un ? " . Malumanay na sabi kosa tauhan ng hotel na tinutuluyan ko . Pano ko nalaman ? natural naka uniporme sya ng damit ng hotel para sa mga tauhan . 

" Ah , Ma'am nakahain na po yung pagkain sa baba , bumaba na lng po kayo kung gusto nyo ng kumain . un lng po . Sensya na sa istorbo . "  

" Ayy ! salamat po nay , nag-abala pa po kayo susunod na lamang po ako . " sagot ko naman at syaka ymukod ng bahagya sa kanya para sa paggalang na lng .  Umalis rin naman sya kaagad . 

 Nagtataka ba kayo kung bakit kailan ko pang bumaba para sa pagkain , ganito kasi yun sa hotel na kasi na to sabay sabay kakain yung mga nanunuluyan eto kasi yung tipong hotel na hindi pangmayaman simple lang ito yung itsura e nasa bahay ka lang feel at home . Kaya nga ito rin yung kinuha ko kasi maypagkakaisa . Kahapon lang ako nakarating sa lugar na ito kaya nakatulog ako kaagad . Pagkaalis ng matanda ay inayos ko na rin ang sarili ko para sa pagbaba ko . Pagbaab ko ang dami nang nakahain na pagkain uhmm , puro lamang dagat . marami na rin ang mga nag aalmusal hinanap ko ang upuan na para sa akin . Lumapit na ako sa bandang kaliwa sa unahan mahabang mesa kasi ito . Binati ko na lang nang magandang umaga ang mga nakasalubong ko .

" Miss Sophia Blanco , dito ho ang upuan nyo " . tawag sa akin ng isang binatilyo na ipinaghila pa ako ng silya .May katangkaran rin at kaitiman mukhang nahihiya pa nga sabagay ang ganda ko kasi yung mga iba ngang kumakain natigilan pa sa pagkain para lng lingunin ako . Simple lng namn ang isang Sophia Blanco hehe nakapants nga lng ako at naka three-port na blouse na white nafitted sa katawan ko sexy kasi ako , ooops ! walang masama sa pagsasabi ng totoo sabi nga ng nanay kong mahal " Don't deny thy obviuos " haha . Okay tama ang pagbubuhat ng sariling bangko mamaya hindi na ko makaakin sa kakawento . 

" Ah ! salamat ". Umupo na ko 't nag umpisa ng kumain hindi ko na inabala tingnan yung mga kasalo sa hapag tutal gutom na ko aba ! kain na , bayad to noh . Kumain lang ako ng kumain hanggang sa fulltunk na ko . Burrrrrp ! ha sarap talagang kumain fresh from the ocean yung mga kinain ko eh . May mga sumisik pa nga sa ngipin ko kaya kailangan ko pang mag excuse par patagong linisin yung bibig ko . Aba ! may hiya naman ako noh ? hindi purket maganda at seksi ako eh sige sige lang mpanindigan ang pagiging maganda sa labas at loob para masaya . 

Pagkatapos nun ee umakyatt na ko sa kwartong inupahan ko maliit lang yung silid na to sakto lng para sa height kong 5'3 . Ou na maliit ako kainis nga eh sabagay hindi bale ng maliit kung bawing bawi naman sa katawan at mukha . Pabagsak akong humiga sa kama grabe lambot . Nag isip isip ako ano kayang pwedeng gawin ngayon ah mamamasyal na lang ako . Inayos ko na yung mga dapat kong gamitin . DSLR camera ( check ) para sa picture picture kasi yun ang trabaho ko . Make up kit ( check ) damit pamalit ( check ) proper hygiene (check) at kung anu-ano pa para sa aking pamamasyal at the same time para sa trabaho .

 Sumakay ako sa isang jeep na pinarahan ko . Imbes na sa loob ako sumakay mas ginusto ko sa bubong mas maganda ang view na makukuha ko pagdon . * shot* shot*shot* lng hanggang sa makarating ako sa destinasyon ko . Ang gubat gawa gawa . 

ENTrance . Basa ko sa isang karatula doon . LUma na nga eh ung kahoy na pinaglalagyan inaanay pa sabagay kalikasan yan . Nagtuloy tuloy na ako grabe nakakanganga ang tanawin na nakikita ko napakaberde nang lugar yung mga puno wow ! berdeng berde nakakita ako ng mga kumpulan ng mga bulaklak pumitas pa ko ng isa para ilagay sa tenga ko , napahagikgik ako sa sarili ko sigurado ang gando ko kinuha yung camera at syaka ko nagselfie selfie . 

* click ! * click ! 

Wahh perfect ! ganda ko talaga hinayan ko lang kasi nakalugay ang aking long black straight  hair ko . Nung magsawa na ako sa bulaklak naglakad akong muli , mahaba haba na ang nalaalkad ko nakaramdam na rin ako ng pagod ang bigat din naman kasi ng bag back ko nakasabit pa sa leeg ko yung Camera nadala ko . Namahinga muna ako sa isang malaking bato roon . Hays ! sa wakas nakapagpahing rin . * sigh * napahinga ako ng malalim dahil sa pagod nauuhaw na rin ako . nagpalinga linga ako para makahanap ng maiinuman .  Nilibot ko ang mga mata ko at tumambad sa akin ang isang ilog . Napakalinaw nang tubig tumayo na ko nilapitan ko yun yumuko ako pinangsalob ko ang mga kamay ko nang malagyan nayun ng tubig saka ko inunom , ginawa ko ulit ang pagsaklok ng mapawi na ang aking uhaw ay naghilamos naman ako .Ang lamig ng tubig na kakapresko .  Walang ganito sa Maynila kaya yung mga ganito nakakarelax talaga . Nang matapos ako maghilamos inaangat ko na ang ulo ko  pero sa pag angat ko nang laki ang mga mata ko O_0 panu nagkaroon ng mga usa sa pilipinas ee matagl ng ubos ang mga lahi nila . Umiinom ng tubig ang usa . 

" USA !!! " Sigaw ko dahilan para mapatingin sa akin ang usa . Kinabahan ako nagtama ang mga mata namin . Napalunok ako at dahan dahan kinapa ang camerang nakasabit sa leeg ko magandang shot toh . 

" click !" mukhang nagulat ang usa sa tunog  at linawanag na lumabas sa camerang hawak ko kaya nagtatakbo ito . Matagal baka ako natauhan  sa pagkatulala kaya namabalik ako sa sarili ay dali dali ko itong sinundan . grabe ang bilis nya tumakbo bahagyang lumilingon sa akin namamaliktmata lang ba ako o nakikita ko na nagliliwanag sya parang maykakaiba .  nagtuloy lang ako sa pagtakbo kung saan din ang usa . Huminto ito sa dalawang magkatapat na malaking puno pareho kaming naghahabol hinga . 

  " Hoy  ! peste kang usa ka pinagod mo ko . " tinuro turo ko pa sya at kinausap  na kala mo isa syang tao .  Nagulat ako nag ipadag nya ang mga payat nyang binti . tinitigan ko sya pinagmamasdan kung ano ang susunod nyang gagawin  kaya lang nagulat ako nang ngumiti ito . Muntik ng malalag ang panga ko roon . 0_o Tumakbo ulit ito pero bigla syang naglaho may liwanag nabumalot rito na nagmula sa dalawang puno . Ipinikit ko ng dalawang beses ang mga mata ko kung totoo ba talaga ang nakita ko . Sinampal sampal ko rin ang sarili ko ,* slap* slap* 

" Ouch !  so totoo nga yun nakita ko ang sakit ee . LOkong usang iyon ngumiti pa akala mo tao , pero anu yung nakita ko . " dahil sa curios ako lumapt ako sa dalawang punong malalaki at matataas . " Grabe may kapre siguro rito . Kapre OMyGhad ! " Kinilabutan naman ako sa naisp ko ipinilig ko ang ulo ko nang paulit ulit nang mahilo ako . Tinigil ko na umikot na paningin ko ee bumalik yung tingin ko sa dalawang puno parang may nararamdaman akong kakaiba . Parang may tumatawag sa akin . ISang malamig na tinig parang inaanyayahan nya akong humakbang sa gitna ng dalawang puno na ito  dahil na rin sa kyuryosidad hinakbang ko ang mga paa ko . Gaya ng sa usa biglang nabalot ang nang isang liwanag ang buo kong katawan . Hanggang sa maglaho rin ako .

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 28, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hanggang Saan Ang Pag-ibig MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon