XFB-4

306 13 0
                                    

Wrong Facebook Account

 

 

 

Chapter 4

“Mukhang ginabi ka ah?” Papa said. Dinatnan ko na silang nasa hapagkainan pagdating ko sa bahay

“Nagmeeting pa po kami. Preparation for the University Days.” Sagot ko.

“Umupo kana dito at sabayan mo kami’ng kumaen.” Yaya ni Mama.

I sat right next to my mom, opposite of Carly. Nasa may gitna si Papa.

“Buti pa ang ate mo, tuwing umuuwi ng gabi eh dahil sa school activities.” Komento ni Papa

“Maaga naman ako’ng umuwi ah.” Pabalang na sagot ni Carly

“Oo, ngayong araw na ito lang. Aaraw arawin mo na ba ang pag uwi ng maaga?” our father growled

“Dear, nasa hapagkainan tayo.” Pagpigil ni mama kay papa

I didn’t dare to join their conversation. Baka lalo lang uminit ang usapan.

Naunang natapos kumaen si Carly at dumiretso agad ito sa kwarto nya.

I helped my mom to clear up the table.

“Ako na dito, maghilamos ka na at magpahinga. Siguradong pagod ka.” Sabi ni mama

“Ma, konti lang naman yan. Ako ng bahala, kausapin mo nalang si Papa na wag masyadong mainit ang ulo. Ma-highblood na naman sya ng wala sa oras.” Biro ko pa

“Osige, unlike your Papa, mas madali ako’ng kausap.” Ngiti nito bago ako iniwan para hugasan ang aming mga pinagkainan

Dumiretso na ako sa kwarto ko pagkatapos nun para maghilamos. Then I heard my phone ringing, si Belle.

“Ow?” I answered

“Kanina pa ako tumatawag!!! Bakit ngayon ka lang sumasagot?!” - Belle

“Kumaen pa ako, naghugas ng plato, kakatapos ko lang maghilamos. May nangyari ba?”

“I-search mo si Kevin Aragon sa FB now na!”

“Tumawag ka lang ba para dun???”

“Pasalamat ka wala ako dyan ngayon kundi kanina pa kita sinabutan! I search mo na dali!!!”

“Oo na, teka!”

I put Belle on loudspeaker and placed my phone next to my laptop on the study table.

I first made sure na FB account ko nga ang nakasign in. Can’t bear to make the same mistake. Nung sigurado ako’ng akin nga ang naka sign in na FB account, I typed Kevin Aragon’s name on the search tab sa FB.

A few results came out. More than 9 Kevin Aragon. Of course I knew it was the one with the Skyline U.’s logo ang account nya pero I was more curious to open up the one that shows Kevin Aragon Fan Page.

“Ano sinisearch mo na ba?!” Belle’s voice echoed from my phone

“Oo, eto na..” sagot ko

Instead, I clicked on the Fan Page. Mas madali makakita ng mga pictures dun since it was a Public Page.

I was shock at how popular he is. There’s at least 11,000 fans. Ano sya, celebrity?! Pero walang sinabi ang pagkashock ko sa dami ng mga supporters nya compared sa picture nya.

“Uy, nakita mo na?!” Belle’s voice echoed again from my phone

He’s the living proof of a Greek God sent to earth. And from the looks of it, hindi malayong madiscover sya para sumali sa PBB Teens at pumasok sa bahay ni kuya!

I almost forgot about Belle’s shouts over the speaker of my phone. If it was possible to drool, I would. But I think that’s a bit unsanitary.

“Naririnig mo ba ako? Hello? Elaine? May kausap pa ba ako? Hello?” – Belle

“Yeah, naririnig kita.” Sabay buga ko ng mabigat na hininga

“Oh ano, tama ako no?! Ang gwapo nya! Friend kung ayaw mo sya, akin nalang! Pero hindi, dahil bestfriend mo ko ipapaubaya ko na sya sayo.” – Belle

“Uhm, Belle. Tawagan kita mamaya.”

“Huh? Bakit—“ I ended the call ignoring my bestfriend for a second.

One word. Starstruck.

He’s way hotter than Riley! Moreno, Buff, with strong facial features. Kahit sa pictures lang, maiinlove ka. Lalo lang tuloy nanghina ang loob ko. This type of guy is the type who would like someone gorgeous, sexy, hot and popular as well. Someone like Carly, not like me. He’s clearly out of my league.

Wrong FACEBOOK AccountTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon