"Tin, kayo na ba ni Lance?" Nakangiting tanong ni Nic sa kaibigan nya. Napapansin na kasi nito na iba na ang sulyapan ng dalawa.
"Mahal ko, wag mo muna silang ipressure at baka maantala pa ang pagkakagustuhan nila." Niyakap ni Jared si Nic na kakatapos lang patulugin ang inaanak nilang si Joshua.
Tin rolled her eyes. Kahit naman ilan beses nya sabihin sa mga ito na talagang napaka imposibleng maging sila ni Lance, hindi naman din nakikinig ang mga ito.
May spark daw.
Spark ng pagngingitngit mana pa.
May sulyapan daw.
Sulyap ng pang aasar oo meron.
May ngitian daw.
Ngiting sarap isplakin oo nararamdaman nya yun kay Lance.
Reunion nila pero palaging sila ang topic! At ang hinayupak na Lance kasama na nya kanina papunta dito kung bakit nawala na naman sa paningin nya!
"Mga ate, ako naman. Love life ko naman! Pwede naman yun di ba?? Yung ako naman!" Pag iinarte ni Mira.
"Oo sige yung love life mo pag usapan natin, para matigil na tong dalawa na to kakukulit sakin, talagang wala kayo mahihita samin ni Lance, napaka imposible at nakakarimarim sa imahinasyon pa lang!" Totoong kinikilabutan sya sa mga naiisip ng mga ito. Si Lance?? Please lang. Di pa sya naluluka para kumuha ng martilyong ipupukpok sa ulo nya!
"Atina baby!... Ano nanaman yan at nadinig ko na naman pangalan ko? Sinasabi mo na naman na patay na patay ka sakin? Wag ganun Tin, wag ganun! Pwede naman harapan mo sabihin bat sa likod ko pa! Awtsss" Umaarteng nakapahawak pa ito sa dibdib na animo talagang nasasaktan.
"Wag na wag kang lalapit sakin sinasabi ko sayo nanggigigil na naman ako sayo." Mahinahon pero mapagbanta kong sabi. Kayang kaya nya talaga lagutin ang kahibla hiblang pasensya ko sa katawan ewan ko ba naman!
"Hindi naman kaya ako lalapit. Dun kaya ako lalapit kala Nic!" May takot na sabi nito tsaka nanggilid na naglakad para hindi kami magka untugan ng siko man lang.
"Hahaha hay nako mag sitigil na nga kayo at kumain na muna tayo. Wag kayo maingay at baka magising si Josh, kokonyatan ko kayo!" Pagsaway ni Nic habang nakaalalay naman sa kanya si Jared. Ang sweet pa din talaga eh! "Jared ko, kaya ko maglakad, wag masyado touchy." Pambubuska ni Nic.
"Mahal ko, clingy ako. Okay." Sagot naman nito na nakangisi sabat akbay kay Nic at halik sa noo.
Medyo parang naiinggit ata ako don. Parang gusto ko din ng ganon.
Pinanlisikan ko ng mata si Lance na nakapakat pa din sa dingding.
"Oh ano? Hindi naman ako dyan dumaan! Dito naman ako nagdaan oh? Ha? Ha? Oha!"
"Kase ayaw pa mag aminan! After nyo sige na ako na aamin sino na juwawit ko!" Nakairap na sabi ni Mira habang naglalakad papasok.
Ano naman aaminin ko kung wala namang inaamin sakin.
❤️❤️❤️
BINABASA MO ANG
#MayForever (Lance and Atina's story)
HumorMay forever nga ba sa dalawang akala mo aso at pusa kapag nagkasama? :) - As requested by many, Lance and Atina's story.