Gwapo?.. (Sabay hawak sa ilalim ng baba.)Ako yun.
Hot?.. (Sabay kunot ng kilay at tingin sa isang side.)
Ako ulit.
Perfect?.. (Sabay pout at dila sa ilalim ng labi at papungay ng mga mata.)
Gahdd! Ako na naman.
Naniniwala ako na ng nagsabog ng kagwapuhan at kamachohan si Lord ay gising na gising ako dahil sinalo ko lahat! Hindi na nga ako magtataka kung bakit napakadaming babaeng patay na patay sa akin, sa totoo lang.
Plus ko na lang yun sa physical eh, kasi sa totoo lang ha, ang sense of humor ko, iba. Dun talaga nila ko nagugustuhan, alam nyo yung ganon? Minsan iniisip ko mahirap din masyadong perfect----
"ARRAAAYYYY!!"
"Kanina pa kita hinahanap, yun pala nandito ka lang nag- iispeech ng kagaguhan mo! Halika na! Uuwi na tayo, may reunion ang barkada!"
"Tin naman, maging mahinhin ka naman paminsan minsan, nakakahiya sa image ko oh? Napaka- perfect ko tapos ikaw ina- under mo ako, paano pag makita pa to ng ibang fans ko?" Nakasimangot na sabi ko dahil ang sakit ng pagkakapingot nya eh! Sadista talaga tong babaeng to kahit kailan!
"Lance baket?? Artista ka ba?? Artista ka ba at may fans ka!?? Halika na nga!" Nanlalaki ang cute na cute na mga mata nito sa pagkakatitig sakin. Hinila na nya ako papalayo sa mga girls na araw araw nag- aabang ng kaunting sulyap ko. Natawa na lang ako bandang huli.
Kasi sa totoo lang, alam ko may crush din si Atina sakin, kagaya ng iba pang mga babae, hindi lang sya showy.
- As requested by many, story of Lance and Atina.
❤️❤️❤️
BINABASA MO ANG
#MayForever (Lance and Atina's story)
MizahMay forever nga ba sa dalawang akala mo aso at pusa kapag nagkasama? :) - As requested by many, Lance and Atina's story.