Baling sa kanan baling sa kaliwa
Nagpagulong-gulong si Karylle sa kanyang higaan ng biglang tumunog ang alarm clock niya...
kriiiing kriiiiinnng (Alarm Clock)
Kinapa-kapa sa side table ng kama ang orasan at dinismiss ito.. Umupo siya sa kama at chineck ang phone niya kung may nagtext ba sa kaniya nakita niya na meron siyang 3 unread messages
Tinap ang 3 unread messages
[1st Message]
"Good morning girl jogging tayo next weekend deal?" Si Iza ang nagtext pinsan niya lagi kasi silang nag wowork-out ni Iza twing weekend way nila yun para mag bonding
[2nd Message]
"Good morning beautiful lady" Galing ito kay Yael, siya ang matagal ng nagpapahiwatig kay Karylle, nagkakilala sila sa states pa lang dahil magkaibigan ang Daddy niya at Daddy ni Yael na nandito na rin sa Pilipinas kaya ng nalaman nito na nasa Pinas na rin siya ay walang tigil na ito nag titext sa kaniya,Hindi naman niya ito madalas pansinin dahil ayaw niya sa ugali nito na mahangin at masakit magsalita...