Chapter 14- Stay Up All Night

6.5K 142 0
                                    

KHYLIAN'S POV

"Very good! Nice! Keep it up! Great pose!," yun ang sigaw nung photographer kapag ginagawa ko yung mga signature poses ko. Mga isang buwan na rin akong nagtratrabaho sa modeling studio para sa quality underwears na ginawa ng kompanya nila Yasser. They treat me well like I never feel before. Mas masayang magtrabaho sa Pilipinas talaga. Marami na rin akong nakilalang iba't-ibang personalities sa media industry nila Yasser. Naging close ko na rin yung mga makeup artist, hairstylist, yung mga staff dito kahit yung mga nutrionist na nag-pro-provide sa amin ng pagkain.


"Okay, ten minute break, and change outfit tayo," kaagad akong nilapitan ng subsitute manager ko na pinadala ni Lyka rito. May ginagawa rin kasi raw siyang mahalaga sa New York, eh. Kaya nandito si Jona para alagaan ako sa hitik na hitik kong schedule.


"Grabeh, 'Meng, ang ganda mo dun. Nakakatomboy ka," ngumiti akong naiiling sabay upo sa chair ko, habang nilalapitan na ng makeup artist. Maganda talaga ko, ngunit ang kagandahan ko ay sadyang hindi uubra sa kanya kung kapatid ko na ang pag-uusapan. Ano yun, Janah???


Anyways, ngayon ko lang din nalaman na Santos owns the biggest TV Network company in the Philippines, the Philippine made automobiles and the number one in ratings underwears and cosmetic products. Ginagawa ko na rin yung first advertisment ko sa isang facial wash at lotion nila.


Last week naging headline din ako sa maraming tabloids about sa pagiging indorser ko sa products na mga 'to. Laman din ako ng maraming-maraming guestings sa TV at kahit saan pa. Vacation ang punterya ko sa Pilipinas, pero nagtratrabaho ako. Do I really need to work hard? Hays, hindi ko gustong magka-anak ng maaga, pero kung makapagtrabaho ako, parang may pinapalamon akong sampung bata.


Hello, may balak akong magpatayo ng foundation para sa mga pulubi at mga bata sa lansangan. Hindi ko pa nasasabi ito kay Yasser, pero pagdating niya galing London ay sasabihin ko rin naman kaagad sa kanya. At sana, suportahan niya ako. Bestfriends na kaya kami. Hehehe...friends lang pala.


Ako kaya ang nagpilit sa kanya na pumunta ng maaga doon sa London para maabutan pa niya si Kay. Maabutan means hindi pa nakakapag-move on. Kahit na...parang sinaksak ni Wolverine ang puso ko, ay okay lang, para sa kinabukasan ng bayan 'to. Anong konek sa bayan?


"Meng, wala ka ng appointment pagkatapos nito. Anong balak?" bungad sa akin ni Jona sabay abot sa akin ng tubig.


"Magpapahinga, buong linggo akong nakatayo, eh." Grabeh yung maraming kang inaatupag talaga.


"Meng, sama ka sa amin. Birthday ni Mareese ngayon, mag-ba-bar kami. Alam mo na, sa haba-haba ng listahan ng appointments mo ay ngayon lang kami magpapahinga. Kaya, sulit-sulitin na rin naman ang pagkakataon. Sama ka, Meng, para masaya," si Mareese ay ang new hairstylist ko, na ako talaga ang pumili sa lahat ng nag-sample sa akin. At oo, mga bakla talaga ang kasama ko.


Isang linggo lang kasi si Yasser sa London, at ngayong gabi ang uwi niya. Makikipag-kwentuhan ako kung tuloy ba ang paghihiwalay naming dalawa? Kahit wala namang dapat ika-excite sa time na mangyayari 'yun.


At nung time na hiniram namin si Keira, yung may katanungan ako sa kanya...kinalimutan na namin na may nangyaring ganun, because he answered my first question...ang--mahal mo pa rin ba ang kapatid ko???

Marrying The Engaged Man {Complete}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon