Chapter 1- The President's Twins

26.9K 380 12
                                    

KAYVIENA'S POV

Masayang-masaya akong nag-unlock ng bahay ni Lou may spare key ako, noh, yeah, tama kayo, boyfriend ko or fiance rather si Yasser Louie Santos. At, yun talaga ang masayang ibalita na sa wakas, sa wakas, akin na si Yasser. Akin na siya dahil mahal na mahal ko lang. Di ba pwede yun?


Dahan-dahan akong pumasok dahil may dala akong box ng pizza, favorite kasi niya ang pizza kahit anong flavor, kakainin niya talaga.


"Lou," I said his name in the entire beatiful rich house of his. Pero, walang sumasagot. Okay, masyado ba akong maaga, o baka tulog pa siya? O baka tulog pa yun. Ihahanda ko na lang 'tong pagkain.


I went in to the kitchen, grabbed some plates at saka hinanda ng maayos ang pizza. Tumanaw ako sa ref,


"Cool, ang daming laman. Ang sipag-sipag talaga ni Feh sa pag-gro-grocery," kinuha ko yung mga sausages, eggs and bacon. I opened the top drawer at kumuha ng apron doon. At nagsimulang magluto ng breakfast for my one and only future husband. "Kinilig ba naman daw?" I said to myself, kinikilig.


Two years na kami ni Yasser, and three months engage. Tanggap na ako ng mga magulang niya, dahil ang gusto talaga nila para kay Yasser ay si Jenelle. Yung bestfriend ko. Of course, bestfriend ko, at mahal na mahal ko at mahal na mahal ako. But I knew, Jenelle loved someone else.


Noon, nung nag-aaral pa ako, alam na alam ko na mahal na mahal ni Yasser si Jenelle, but swear NOON YUN. Pero ngayon, ako na. Bestfriend ko si Jenelle through my scholarship, siya ang nagbigay sa akin nang makilala niya ako sa isang pastry shop when I was grade 9, nag-pa-part time job ako as a waitress, for how many weeks lang naman, dahil na-late ang padala ng kapatid. She was studying at the time in the shop, and accidentally, naiinggit lang naman ako dahil focus na focus siya sa kanyang studies samantalang ako, kailangan pang magtrabaho ng three hours every night bago makapag-review ng lessons. Accidentally, nai-kwento ko ang buhay ko, she was just listening, at the end, she offered a scholarship. THERE. 


Ang totoo, kung hindi ako nagpakilalang Khylian Adrianna Samonte, ay hindi niya ako makilala. She's the childhood best friend of my twin sister. 


Isa pang fact, I live a very comfortable life, pinag-aaral ng kapatid na sumisikat sa ibang bansa at pinapadalhan lang ng pera for my needs in life. Tinanggap ko lang yung scholarship para mapalapit kay Yasser na noong bata pa ako, ay crush na crush ko na. I just want to steal the opportunity.  


At isa pa,  nang magtanong siya tungkol sa kakambal ko named Kayviena Shaina Samonte, ay sinabi ko na lang na nandoon sa Palawan, doon gustong mag-aral kapiling ang mga nakilalang pamilya namin. 


I was a nursing student, dahil ito ang pangarap kong propesyon. 


I met Yass pala dahil kay Jenelle na rin, di kami magkasundo dahil...first meet up namin, natamaan ko ng volleyball ang makinis na makinis niyang kotse. Eh, di ko naman sinasadya, kitang-kita naman niya na may naglalaro, pinark pa rin niya malapit sa court ang kotse niya. Tiger at Lion kami sa isa't-isa noon. PERO NOON YUN. Pero, kunwari akong galit sa kanya pero ang totoo, nagtatalon na ako sa kilig, ANG GWAPO KASI. ANG YAMAN PA.


"Finally," natapos na rin ako sa paghahanda ng umagahan with milk or coffee, water or juice. Para may pagpipilian, di ba? "It's time to wake my man." Maka-angkin? Parang may forever?

Marrying The Engaged Man {Complete}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon