Chapter 9- He Married the Popstar

8.4K 153 0
                                    

YASSER'S POV

Alam kong sikat na artista ang kapatid ni Kyle. Pero hindi ko inakalang ganito pala talaga ang pagkasikat niya. Wala naman akong pakialam sa mga artista noon, then, ngayon, siya pala talaga ang laman ng mga international magazines, modelo at magaling na Hollywood actress. Hindi naman kasi ako nagbubuklat ng mga magazines about Hollywood people.


Pero kapag titingnan ko siya, hindi ko makita ang isang pinakasikat na artista sa Hollywood. I just see a very simple Filipina from Philippines. Sa hindi ko malaman na dahilan, mas simple pa siyang kumilos kaysa kay Kyle. But that will never change my love for Kyle. I love the way Kyle is. Isa pa, alam ng mga tao na kakambal talaga ni Kyle si Janah Adrianna. So, kung ma-sta-starstruck man ang makikita sa kanya ay hindi mangyayari 'yun, dahil alam ng mga tao sa opisina, mga kaibigan ko, at iba't-iba pang taong may pakialam sa akin ay kakambal ni Janah ang mahal at pinakasalan ko.


Pinagsisisihan ko na talaga ang pagsakit ko kay Kyle, sana hindi ko na lang hinalikan si Jenelle sa mga oras na 'yun. Ang resulta, I married her popstar twin.


At ngayon tambak tambak yung mga magazine na pinakuha ko sa P.A ko about kay Janah. Kasi naman, kailangan kong malaman kung anong klase siyang babae. Hello, matagal-tagal ko pa siyang makakasama dahil ayaw niyang ipakiusap sa akin si Kyle dahil dun sa ginawang panloloko ko raw sa kapatid niya. Well, gusto ko rin namang mahimasmasan ang sakit ni Kyle...pero ang ikinatatakot ko ay baka makapag-move on siya if hindi kami mag-uusap ng matino.


What if, ipagpalit niya ako sa iba?? ARRGGGHHH....nakaka-frustrate isipin ang mga bagay na 'to.


"Kuya!," napatindig ako ng upo nang makita ko si Rafe sa harapan ko na may dalawang folder. Vice President lang ako sa kompanyang ito, at siya talaga ang pinagkatiwala ni Daddy sa malaking negosyo na 'to. He took the position last year, twenty-eight na rin naman siya, pero kahit wala pa siyang asawa ay sumang-ayon naman ang mga board of directors na siya ang ipalit sa chairman which was my father.


At wala naman akong sama ng loob dahil marami rin naman akong trabaho. He loves our business but I'm not, my architectural firm akong pinapatakbo.


"What can I do for you, Rafe? Don't shout at me, baka nakalimutan mong Kuya mo pa rin ako. Nakapag-CEO ka lang..."


"Wala ka last week sa board meeting natin. The board agrees a new indorser of our cosmetic and female underwears. Bumagsak kasi ng one percent ang sales na mga 'yun last three months. And that one percent is very rare to happen. Dahil 'yun sa bagong tayong clothing line ni Finn Marcesa. Do I really need to explain this to you? Nasaan ka ba sa mga araw na 'yun. Anyways, we really need this individual to regain our popularity to our target customers."


"Just say it brother, alam ko na 'yun...sino ba siya?"


"Janah Adrianna," natuod ako sa pangalan na binanggit niya, at nawalan ng hangin na malalanghap. "Your wife's twin sister. Nasa Pilipinas siya for a five-month vacation, but her manager has agreed a one year contract for her being an indorser of our products. Matagal na nilang balak kunin si Janah, dahil literally, she's a Filipina, so madali lang para sa kanya na makuha ang loob ng mga madla. Hindi na tayo mahihirapan na maghanap ng indorser. Limang buwan kaming nag-propose sa kanya sa contract, ang kaso lang, sobrang busy niya sa mga bagay-bagay. And she agreed last night, sabi nung manager niya. May contract signing siya bukas ng umaga."

Marrying The Engaged Man {Complete}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon