Wattpad o Ako

74 1 2
                                    

"Bilisan mo naman maglakad Ella! Bakit ka pa kasi nag heels eh!" nasaktan man ako sa narinig ko pinilit ko pa ring ngumiti. Nauuna siya sa'kin maglakad hanggang sa tumakbo na siya papunta sa bookstore. Huminga ako ng malalim. Binagalan ko na lamang ang paglalakad ko kasi nakapasok na rin naman siya sa bookstore. Hobby niya ang pagbabasa. No wait, scratch that, it's his life. Yeah, life. Na-published na kasi ang pinaka favorite niyang story sa wattpad. And the moment na nalaman niyang may stocks na ng 'Hell University' sa expression, agad-agad niya akong tinawagan at nagpasama siya.

Pinalis ko agad ang luhang umagos sa pisnge ko. I tried to hide my tears through smiling. Casper always spend his time reading and buying pocket books rather than to be with me. I did my best to understand him, nanatili ako sa tabi niya kapag nagbabasa siya. Kinukuhanan ko siya ng picture madalas. Sometimes, pag nag-uusap kami it's always about wattpad story. Minsan nga nagseselos ako sa fictional character na si Zein Shion kasi madalas siya ang bukang bibig ni Casper. Madalas kaming mag-away dahil wala siyang time sa'kin pero sa wattpad madami.

Iniintindi ko na lang siya. Nauna naman kasing dumating sa buhay niya yung wattpad bago ako eh. Ironic right? Kakompetensya ko ang wattpad kay Casper imbis na mga babae.

Huminga ako ng malalim at nakangiting lumapit kay Casper. He's smiling while holding the book he really like. Lumingon siya sa'kin ng may ngiti pa rin.

"Babe, nakikita mo ba to? Hawak ko na siya!" tumango ako habang nakangiti pa rin. He really looks so happy. And I don't want to took away his happiness. Nagpunta kami sa counter at agad niya iyon na binayaran. Hanggang sa makalabas kami ng bookstore. Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi niya. Para pa itong kumikislap habang tinitignan ang hawak niyang book na nababalutan ng brown paper.

"Babe."

"Hmm?"

"Araw-araw ko ng makakatabi sa pagtulog ko si Zein at mayayakap ko pa. Alam ba kung gaano ako kasaya nganyon darling babe? Mataas pa sa langit babe!" ngumiti laman ako. Naramdaman ko ang bigla niyang paghawak sa kamay ko. Until now, sa loob ng two years walang nagbago sa pagmamahal ko sa kaniya. Mas lalo atang nadadagdagan. Minu-minuto.

"Konti na lang magseselos na talaga ako." pabiro ko pang sambit. Pero ang totoo, nagseselos talaga ako. Pinilit ko lamang ang sarili kong tumawa. Inakbayan niya ako at inipit ang ulo ko sa kili-kili niya.

"Ikaw talaga. Sino ba si Ella Valdez sa buhay ni Casper Cruz?"

"Sino ba?"

"Ikaw ang Zein Shion ng buhay ko, Ella Valdez. Wala si Casper Cruz kung wala si Ella Valdez."

And with that, niyakap ko siya. Niyakap niya rin ako pabalik. Ang galing galing niya mambola kaya mahal na mahal ko 'to eh. Ilang sandali kaming nanatiling ganon. Ang gaan ng pakirandam ko at ang saya-saya ko. Kumalas siya sa pagkakayakap at marahang ginulo ang buhok ko at hinalikan niya ako sa noo.

Sumalampak si Casper sa sofa at agad-agad niyang binuksan ang binili namin sa bookstore. Binuksan ko ang electric fan at tinapat sa kanya dahil pawis na pawis na siya. Iniwan ko muna siya at nagpunta sa kusina at nagmano kay Tita Cassy. Ang Mama niya.

"Kamusta ang araw niyo Ella? Oh hija, maupo ka." iginiya ni Tita ang upuan at naupo naman ako. Ngumiti ako sa kanya.

"Okay naman po." sinimulan ko ang paghihiwa ng onion habang si Tita naman ay nililinis ang isda.

"Laki ng pinayat mo ah? Ginugutom ka ba nyang ni Casper? Sabihin mo lang sa'kin ng magulpi ang batang yan!" tumawa laman ako. Tita is like a mother to me. Yung Mom ko kasi ay nasa canada at may iba ng pamilya. Nagpapadala lang siya ng pera sa'kin.

Pagkatapos namin kumain ng dinner ay tumambay kami ni Casper sa kwarto niya. And as usual nagbabasa na naman siya. Kinuha ko na lamang ang notebook niya at nagsulat don.

One Shots CollectionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon