Kapwa Ko Mahal Ko Part 4

213 8 0
                                    

Nathan's POV

Habang naglalakad si Ivan papalayo upang umuwi sa kanilang bahay, biglang pumasok sa isip ko na bakit nga ba hindi na kami nakakasama ni Nelo sa bonding nila Ivan? Dahil alam kong lahat ng sinabi ko kay Ivan tungkol sa tanong nya eh palusot ko lamang, kahit na malapit na ang pasukan pwede naman kaming sumama sa bonding nila kahit papaano, hindi kaya meron akong iniiwasan? Ano ba itong nararamdaman ko.....

Hindi na tanaw ng mga mata ko si Ivan, nakalayo na siya kaya't isinara ko na ang pinto. Nag hilamos at sipilyo na ako para matulog.

Time: 11:11pm

Paikot ikot, hindi mapakali yan ang nararamdaman ko habang nakahiga sa aking kama, labis na nag iisip. At sa hindi ko nakayanan parang kailangan ko ng kausap kaya't sinubukan kong tawagan si Nelo upang makipag kwentuhan.

Ringback; Ako'y Isang Sirena kahit anong gawin nila ako ay ubod ng ganda..... 🎼🎧

Nelo: Hello! Thank you for calling I'm Nelo and how can I assist you?

Nathan: Ang dami mong alam bessy ano! May pa thank you for calling kapang nalalaman lol

Nelo: Walang pakealamanan, hindi nga kita pinapakealamanan eh!! Tss

Nathan: Talaga ba? Talaga ba? Eh parang halos lahat nga ng galaw ko may meaning sayo eh. Anyways bessy kaya ako napatawag kasi hindi ako makatulog at buti nalang gising kapa

Nelo: Yes gising pa ako nanonood ako ng make up tutorial sa youtube, eh bakit nga ba hindi ka matulog?!

Nathan: Ganto kasi yun bessy, hmm kanina habang kumakain ako, pumunta si Ivan sa bahay at inaya ako sa blooming kasi may sasabihin daw sya sakin, pumayag naman ako at sinabi niya sakin na bakit hindi na daw tayo sumasama sa kanila everytime na mag bobonding sila.

Nelo: Oh eh ano ang sabi mo?

Nathan: Sinabi ko na naghahanda tayo para sa dadating na pasukan, pero napaisip din ako kaya nga hanggang ngayon eh hindi ako matulog iniisip ko yun ba talaga ang dahilan kung bakit, diba kahit naman may pasok nakakasama tayo sa kanila, feeling ko bessy may iba ee :(

Nelo: Baka naman kasi iniiwasan mo si Ivan. May iniiwasan ka? Ano sige sabihin mo sakin malay mo matulungan kita dyan sa iniisip mo.

Nathan: Yun nga din ang nasa isip ko kanina pero bakit naman ako iiwas? Ikaw kasi may kasalanan neto eh. Kung hindi mo nalang sana ako inasar asar kay Ivan netong mga nakaraang araw eh baka hindi ko to naiisip ngayon 😭😭

Nelo: So ako pa may kasalanan, aminin mo na kasi sa sarili mo na may gusto ka kay Ivan, ayaw mo lang kasi aminin kaya ka nagkakaganyan! Ano pa't kaibigan mo ako, kung sa akin ayaw mo pang aminin. Amin amin din pag may time 😤😤

Nathan: Siguro nga gusto ko si Ivan pero natatakot ako, natatakot ako na lumala tong nararamdaman ko sa kanya, alam mo naman na tayong mga bakla eh hinding hindi magugustuhan ng kapwa nating lalaki. Ayoko lang masaktan at masira yung pinagsamahan namin ni Ivan.

Nelo: Ay day!!! Ang nega mo pa nga bessy! Bakit ka ganyan, inuunahan mo lahat ng bagay. Pero may point ka naman dyan sa sinabi mo bessy! Isipin mo muna ng maigi at shempre obserbahan mo din si Ivan kung may posibilidad ba na maramdaman din niya sayo kung ano ang nararamdaman mo sa kanya.

Nathan: Sige bessy. Hayyysss ang hirap bessy! Nakakaloka lol yan umamin na ako sayo ah, kaya please lang NELO!!!! Huwag na huwag mo akong pangungunahan!

Nelo: Kaya mo yan bessy! Oo naman bakla ka! Support ako sayo, promise behave lang ako. At matulog kana din late na!

Nathan: Salamat bessy! Oo sana makatulog nako, end ko nadin tong call baka nakakaistorbo pa ako sa kakanood mo ng Make Up tutorial! Hahaha Sige na bessy Goodnight! See you tomorrow  bye 😘😘

Nelo: Goodnight din bessy mwa mwa 😘😘

Medyo gumaan yung pakiramdam ko after ko umamin kay Nelo na "baka" nga may gusto ako kay Ivan. At nakaramdam na ako ng antok hanggang sa nakatulog na ako ng mahimbing....

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 03, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kapwa Ko Mahal Ko.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon