Ako si Nathaniel at ang pangalan ko sa gabi ay Nathalia, labing pitong gulang at ako ay laking Rizaleño dalawa kaming magkapatid at ako ang bunso, parehas kami ng kasarian pero, tinuring akong isang babae ng aking magulang.
Nagagalit ang nanay ko kapag naguuwi ang tatay ko ng panlalaking laruan para sa akin, dahil hindi daw ako lalaki para maglaro ng ganyan, at ang dapat daw ay BARBIE! Lol
Dahil wala silang naging babaeng anak, ako ang tinuring nilang babae sa aming dalawa ng aking nakakatandang kapatid.
Hindi nila ako hinahayaang magkasugat or masaktan tuwing ako ay maglalaro, dahil baka masira ang kutis ko, dahil ako daw ang beauty queen ng pamilya, Nakakatuwa hane?! Lol
Tatlong taong gulang pa lamang ako, sinosootan na ako ng nanay ko ng damit pambabae, tuwang tuwa ang mga magulang ko sa akin dahil ako daw ay napaka ganda at tila diyosa sa kanilang mga mata.
Sinabi ng aking tatay sa aking nanay kung, buo naba ang disisyon niya na kalakihan ko na ang pagiging isang bakla dahil baka pagsisihan nila ito sa huli, ngunit buo na ang disisyon ng aking ina na, lumaki akong pusong babae
Wala nalang nagawa ang tatay ko dahil doon masaya ang nanay ko, at tinanggap ako ng tatay ko bilang isang babae, kahit na parang nagdadalawang isip siya sa desisyon ni nanay, tinanggap nalang niya.
Tuwing uuwi ang aking tatay galing sa trabaho lagi niya akong inuuwian ng BARBIE at tuwang tuwa naman akong laruin yon, at naka collect ako ng mga tatlong kahon ng mga manikang iyon,
November 23 Fiesta ng Angono, Rizal pinagdidiwang ang kaarawan ni St. Clement, abalang abala ang mga taga Angono taon taon, dahil merong mahabang parada kung saan nagdidiwang ang mga tao at pinaparada ang rebulto ni St. Clement at nagbabasaan, merong mga banda, parihadora, majorette at malalaking mga higante, noong araw na iyon ko nakita ang mga babaeng nag memajorette at ginagaya ko sila, at nagpabili ako ng baton sa aking ama.
May kaibigan ako ang pangalan ay Nelo, parehas kaming pusong babae, kaya't siya na ang kasa kasama ko nung mga bata pa kami, kahit hindi Fiesta nagiging Fiesta kapag kami na ang nakaharang sa kalsada at nag memajorette, marami kaming magkakabarkada pero si Nelo ang pinaka close ko, tuwang tuwang ang tao sa amin dahil magagaling daw kami pag dating sa majorette.
BINABASA MO ANG
Kapwa Ko Mahal Ko.
RomanceWritten by: Ajohn Garcia August 15, 2014 This story is full of lessons that, true love is not only for Men & Women but also to Homosexual, Bisexual, Lesbian. Hope you like this story guys! I'm not perfect but I'll do my best to write this Story wit...