Kapwa Ko Mahal Ko Part 2

723 10 0
                                    

"Nathan tara na at rarampa pa tayo!

"Sige Nelo susunod na ako!!

Tara na nathan nandun na si ano!

"Sinoo?

Sino paba, ang crush mong si Ivan

"Nako Nelo Issue ka huh! Mamaya malaman ni Ivan yan kung ano pa isipin nun! Baliw ka talaga!

"Baliw agad bessy? Hindi ba pwedeng nagsasabi lang ng totoo?!

Hay nako bessy tigilan mo na yan huh! Ayoko nang maulit, baka kasi may makarinig sayo at sabihin pa kay nanay!

"Okay bessy! Tatandaan ko na yan!

Praning talaga tong Bestfriend ko na si Nelo, gumawa ba daw ng kwento na crush ko si Ivan! Si Ivan ay kababata din namin, aaminin ko gwapo siya, matangkad super bait kaya maraming nag'kakagusto diyan, mayaman, talented, matalino, at higit sa lahat nirerespeto niya kaming mga bakla, actually kapag may nang bubully sa amin ni Nelo, siya ang nag tatanggol sa amin.

"Hello Nathan at Nelo!!

May slow mo effect na nangyari! Ayyy Hello Ivan!!

"Saan ang punta niyo? At todo ayos niyo?

"Ayy nako Ivan! May rampa kami ni Nathan join ka?

Hoy Nelo! Umayos ka nga! Grr Ivan actually pupunta lang kami ng SM para manood ng sine, nakakaboring na kasi sa bahay e.

"Ahh ganun ba nathan, gusto niyo sumama nalang ako? Naboboring din ako sa bahay e, puro computer nakakasawa!

"Yun naman pala nathan eh! Gustong sumama ng crusshhhiie mo!

NELOO! Pwede ba wag kang umusap ng ganyan gumagawa ka ng kwento kahit hindi totoo! Nakakaasar ka! Huwag na nga tayong umalis makatulog nalang! Nakakaasar ka!

"Bessy charot lang naman! Tara na witchikels pwedeng maudlot ito, si Ivan na ang nag aaya!

Ayoko na bessy sumakit na ang ulo ko sa mga pinagsasabi mo! "Walk Out"

Nakakahiya kay Ivan! Nakakahiya talaga! Nakakaasar kasi tong si Nelo eh! Hindi mapigilan ang bibig sarap lamutakin ng bibig eh! Grrrr

"Knock Knock"

"Bessy sorry na, hindi ko sinasadya, bakit kaba affected? Bakit totoo ba??

Ewan ko sayo Nelo! Matutulog ako, umuwi kanalang muna mamaya na tayo magkita!

"Bahala ka nga bessy ang arte mo, wit mo kinaganda yan! Bye!

Nagalit ako kay Nelo nun pero, namimiss ko parin siyang kasama! Ano ba naman yan! Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Nelo,,

Kriiing Kriiing!

Hello Bessy!

"Oh! Bakit nanaman? Bet mo nanaman akech malditahan!

Praning pumunta ka dito sa bahay! Kukulutin kita! HAHAHAH! Keme lang gusto ko kasi kumain sa labas samahan mo naman ako!

"Kulutin mo muna ako! Para new look naman ako!

Baliw kana Nelo! Paano kita kukulutin eh, naka 2x3 kang buhok! Huwag ka ngang ambisyosa!

"Panira ka ng moment nathan! Nakakaasar ka! Hindi kita sasamahan!

Wow huh! Just wow! Umarte kapa diyan tara na!

"Sige bessy pagora na akech!

Push bra mo na yan bessy! Fly

Dumating na si Nelo at pumunta kami sa plaza para doon nalang kumain.

"Nathan umamin ka nga sakin? May gusto ka kay Ivan no?

Ilang beses ko bang uulitin sayo ito Nelo? Wala akong gusto kay Ivan!

"Eh bakit ganun nalang yung reaksyon mo kanina? At may pa walk out effect ka pang nalalaman!

NELO! Nakakahiya kasi, Oo alam kong gwapo si Ivan pero hindi ko siya type Okay! Maliwanag na?!

"Sige sabi mo yan e! Pero hindi ako naniniwala!

Bahala kana, kung yan ang pinaniniwalaan mo! Tara na nga nagugutom na talaga ako e.

Hindi ko lubos maisip kung bakit pinipilit ni Nelo na may gusto ako sa kababata namin na si Ivan?

"Bessy parang gusto ko ng fish ball ayun oh!

Ohemmm! Kagabi pa ako nag crave diyan tara! Hahaha

"Manong pabili po nang fishball! Ikura? -ikura means magkano!

"Anong ikura?! Fishball yan hindi Ikura!

"Manong sabi ko magkano hindi ko sinabing ikura yang tinitinda niyo!

Nelo relax, sa tingin mo naintindihan ni manong ang sinabi mo? Hindi yan bakla para makaintindi ng ganyan! Prana ka naba? -prana means baliw

Ang sarap ng kain namin ni Nelo sa Plaza ng fishball, kikiam, kwek kwek! Nabusog kami kaya, tumambay kami sa plaza ng ilang minuto, nakita nanaman namin ni Nelo si Ivan kasama ang mga kabarkada niya.

"Bessy si Ivan oh! Yiiiiehhh

Kala ko ba nagka intindihan na tayo Nelo!?

"Ayy Oo nga pala bessy! Serry nemen!

"Hello Nathan?!

Ayy hello Ivan!

Tara na Nelo, ayoko na dito babalisawsawin ako sa sobrang init ng inuupuan natin dito e.

Marco: Ivan?! Bakit hindi na kayo madalas nagkakasama sama nun nila nathan?

Ahh, baka busy sila, malapit na kasi pasukan e. Pati hindi na tayo mga bata para araw araw na magkasama.

Marco: sa bagay dalaga na sila HAHAHAHAHAHAHAHHAHA

Lakas ng trip mo pre! Tara na mag start na tayong mag skate board!

Ivan's POV

Bakit nga ba hindi na madalas sumasama sa amin sila nathan? May problema ba sila sa akin? May nagawa ba ako?! Subukan ko kaya siyang kausapin? Mahirap kasi yung ganito e, dati halos araw araw kaming magkakasama tapos ngayon hindi na! Nakakamiss din kaya yung kakulitan nila ni Nelo!! Okay mamaya kakausapin ko sila....

Kapwa Ko Mahal Ko.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon