First Day

18 1 1
                                    

*Eeeeeeng eeeeng eeeengg!*

05:30 AM. Isang napakalakas na alarm. Yung tipong pati kapitbahay namin, magigising sa sobrang lakas!

First day of school na naman. Bakit ba naman kasi kung kailan 3rd year college na ako, tsaka naman kami lumipat ng probinsiya. I mean, you know naman diba? Masaya sa manila. Ugh. Oo, masaya din naman sa probinsiya pero hello? Walang mga bar at mga pasyalan dito. Unlike sa manila. Manila. Manila. Anyway.. I have to get ready na kasi you know... Bagong university! Bagong mga friends! At bagong environment! Yuhoooo! Excited na ako!

05:35 AM. 5 mins pa. Inaantok pa kasi ako e. Anong oras na din ako makatulog kagabi. Napuyat ako kakaisip kung ano mangyayari sakin ngayong araw.

Ilang sandali pa at pumasok sa kwarto si Lola Maring. Lola Maring is our oldest maid.. Siya ang nag-alaga kay Mama at naging yaya ko na din. We don't call her yaya, Lola Maring talaga kasi she's like family na rin para samin.

"Alex, gising na. Baka mahuli ka pa sa school." Sabay yugyog sakin ni Lola. "Ihhh! Ang aga pa po, Lola Maring. Inaantok pa din ako." Tamad na tamad kong sagot sabay taklob ng unan sa mukha. "Tanghali na kaya oh! Tirik na ang araw!" Yugyog ulit sakin na may kasamang kiliti sabay tawa ng malakas.

"Grabe ka talaga, Lola Maring! Heto na nga po oh. Babangon na po." Habang nag-istretching. "Aba, dapat lang.. at matagal din ang byahe papuntang bayan." Sagot ni Lola Maring sabay bukas ng pinto at lumabas ng kwarto.

Kung sabagay malayo nga pala kami sa kabihasnan. Literal. As in malayo! Buti na lang at andiyan si Mang Berting family driver namin na anak ni Lola Maring.

Habang nasa CR ako.. nakaharap lang ako sa salamin. Pinagmamasdan ko lang yung sarili ko.

"Kaya mo yan!" Sabi ko sa sarili ko, sabay ngiti. Syempre mukha akong tanga. Kaya naligo na din ako.

Hindi ako makaramdam ng gutom dahil sa sobrang excitement. Ang weird lang kasi 7pm pa kagabi yung last na kain ko. 'Di naman ako nag-ddiet kasi okay naman yung katawan ko. Hindi na ako kumain pero pinagbaon naman ako ni Lola Maring ng sandwich. Ang bait talaga ni Lola Maring.

Nasa sasakyan na ako at kung anu-ano ang naiisip ko. Bagong set of friends. Bagong lugar para sakin at bagong pakikisama na naman. Hays.

Nang makarating na ako ng university medyo nanibagao ako at medyo mahirap hanapin ang mga classroom. Buti na lang may nakasabay ako sa pag-hahanap. Magkaklase kami sa iilang mga subjects namin.

"Hi. Bago ka dito?" Bati sakin ng isang lalaki. Wait. Lalaki nga ba 'to? Hmm. "Ah. Oo, hehe. Kakalipat ko lang from Manila." Magiliw ko namang tugon sa kaniya na may kasamang ngiti at beautiful eyes.

"Ah. Jose nga pala. Josie na lang. Hahahaha!" Full of energy niyang sabi sakin sabay pose ng pang model. "Wait, what?! Beki ka?!" Medyo gulat kong tanong sa kaniya. "Ang OA ng reaction, beshie? Gaga ka! Hwag kang maingay!" Sabay kurot sa tagiliran ko. "Walang nakakaalam dito na beki ako!" Dugtong pa niya..

"Aray ko! Hay nako. Sabi ko na nga ba eh! Kaya pala pumitik yung beki-meter ko sa'yo! Alam mo, sayang ka! Gwapo ka pa naman! Hahaha!" Pang-aasar ko sa kaniya. "Dami mong hanash! Tara na pumasok. Maghanap tayo ng boys. Hahaha!" Sabay hila sakin.

Nang makarating na kami sa classroom ay agad agad na humanap si Jose ng magandang upuan.

"Girl, dito na lang tayo! Maganda ang view oh!" Pag-aya ni Jose sakin at agad akong tumabi sa kaniya.

Ilang sandali pa ay dumating na yung professor namin sa subject na 'yon.

"Good morning, everyone!" Sabi ng professor. "Good morning, sir!" Sagot naman naming mga estudyante.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 04, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Forbidden Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon