Chapter 1: No Way!

89 6 3
                                    

Sky's POV

Pinagmamasdan ko 'yung dalawa sa pangbu-bugbog habang nakasandal ako sa puno, mali siya ng binangga! tss nakakatamad naman kung panonoorin ko lang sila.

"Pasuntok ako." Tumigil sila sa pagbugbog doon sa lalaki at tumingin sa akin.

"Nah.. Wag na Sky.. doon ka nalang sa babae." Tinutukoy niya ang babaeng Girlfriend yata ng binubugbog nila.

"Hoy Blue! Hindi ako pumapatol sa Babae!" Napangiwi sila sa sinabi ko.

"Para namang lalaki ka." Nagpanting ang tenga ko sa sinabi ni Red.

"RED!" I glared at him.

"Ugh! okay okay, Blue ibigay mo na nga iyan kay PRINCESS." Sh1t! Ayoko sa lahat tinatawag ako sa una kong pangalan na Princess!

"Tang1na mo RED! Don't call me Princess, nakakasuka!" Tinawanan lang nila ako, kaya ibinunton ko nalang ang pag-kaasar ko dun sa lalaki...

"M-maawa n-na po kayo, i-itigil n-nyo na po iyan!" Pag-ngawa ng babae samin.

"Tama na iyan Sky, bugbog sarado na!" Pagsaway ni Blue.

"Wait lang, ididispatsa ko na." Tila nagulantang lahat nkarinig sa sinabi ko. I hear them gasped. Kinuha ko na ang gagamitin ko sa bulsa para sa pagdispatsa sa lalaking iyon.

Mas lalo silang nagulat ng ilabas ko na ang bagay na iyon. Ako naman naka-ngisi lang.

"W-wag po p-please S-sky" Pagmamaka-awa ng Girlfriend niya habang yakap-yakap ang lalaki.

"Blue, alisin mo yung babae." Sabi ko sa malamig na boses. Sinunod naman ni Blue. Itinutok ko  na sa lalaki ang bagay na iyon.

"WAG MONG I-ITULOY YAN PLEASE S-SKY! NA-NAGMAMAKA-AWA AKO!" Sigaw ng babae sa akin habang nagpupumiglas sa pagkakahawak ni Blue. Tumawa lang ako, wala desidido na talaga ako. Unti-unti ko ng kinalabit ang gatilyo ng baril at...

*Splassshhhhh*

"WHAHAHAHA" Shit ang sakit ng tiyan ko kakatawa. Water Gun lang kasi na pinagmukha kong baril talaga ang hawak ko. Tila nabunutan naman ng tinik ang mga estudyante sa paligid namin pati na ang Girlfriend nung lalaki. Pati si Blue tawa ng tawa si Red naman umiiling lang.

"Hahaha! Aka-akala ko t-talaga papatay at m-makukulong kana Sky! HAHAHA" Sabi ni Blue.

"Tss.. do I look like a fvcking killer to you?" Sabi ko at  pinunasan ko ang luha sa mata ko dahil sa kakatawa, kasabay ng paghiyaw ng mga babae na nasa paligid namin. Nagulantang naman ang katawang lupa ko ng biglang...

"PRINCESS!" Mariing bigkas nito.

"Uh-oh" Sabi ni Blue si Red naman ngumisi lang. Ugh! Patay!

Unti-unti akong lumingon sa tumawag sa akin. Matalim ang tingin niya sa akin.

"Ahehe.. K-king!" Unti-unti kong nabitawan ang Water gun kaya napatingin siya dito. Mas lalong tumalim ang titig nito sa akin.

Boyish Girl meets the Bad Boy(ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon