Chapter 2: Pfft, Gay!

84 4 0
                                    

"Ugh Red! Answer your fvcking phone!" Sh1t! Ayaw talagang sagutin, baka naghihilik na yun, 9:30 palang naman ah. Aayain ko sanang mag-bar eh. Naka-ilang ring na ng sagutin nito.

"Ohh~ Fvck! He-hello?" Tss ano ba to? Ang weird ng boses. Magsasalita na sana ako ng biglang may magsalita sa background niya.

"Ahhh... F-faster Babyyy! I-im cum---" Langhiya!

"Sinagot mo pa! You freaking bastard! Ang baboy mo Blue!" Then I hung up. Siraulo talaga yung si Blue medyo ma-aga-aga pa naman pero nakakuha kaagad ng bayarang babae sa tabi!

"Hayy bahala na, ako na nga lang mag-isa." I said to myself, nabigla naman ako ng biglang tumahol si Murphy, yung aso kong golden Retriever Labrador mix sya, regalo ni Daddy sa akin noon.u

"Shut up Murphy! kung ayaw mong madamay sa pagka-badtrip ko at hindi kita pakainin ng steak bukas!" Parang naintindihan naman niya ako at humiga at tumahimik na lamang.

Binuksan ko na ang sliding door patungo sa balcony, at plinano kung paano ako makakababa, marunong naman akong umakyat ng puno siguro pati na rin ang pagbaba.

Tumingin ako sa baba.. ang taas, tinignan ko din ang sanga ng puno malapit doon. "Tss.. kaya mo yan Sky!" Sabi ko sa sarili ko at inabot na ang sanga para lumambitin. Konting mali lang sa hawak ko'y lalagapak ako sa baba.

Nang makababa na ako dali-dali akong umakyat sa bakod. Buti na lamang at hindi nagga-guard sila Nanay, first time ko lang kasing tumakas ngayon. Nang makarating na ako sa Gate ng Subdivision, tinanong ako ng Guard doon kung saan ako papunta. Nagkibit-balikat nalang ako. Hindi naman siya siguro magsusumbong, baka kung anong lang ang magawa kong masama sakanya. Sumakay na ako ng Taxi at sinabi kong sa pinaka malapit na Bar ako ibaba. Hindi ko kasi dinala ang kotse ko at baka mahuli pa ako nila Nanay.

Nang makababa ako sa Taxi, dinig ko agad ang hiyawan, may nagpapa-wild na kaya? haha. Naka-printed white t-shirt ako at jeans. Pagkapasok ko sumalubong agad ang nakakabinging hiyawan. Napatingin ako sa harap, aww dahi sa Band na tumutugtog pala sa harap.

Tumungo ako sa Bar counter at umorder ng Whiskey.  Two shots lang. Hindi ako magpapakalasing baka mahalata nila Daddy na may Hangover ako't lumala pa ang parusa sa akin.

Hindi ko magawang magalit o magtampo kay Nanay, hindi kasi talaga siya mahigpit at pinababayaan niya lang lahat ng kabulastugang nagagawa ko. Pero siguro.. napuno na siya kaya ayun. Hayyy... sana nga lang at magbago pa ang isip niya, ayoko kasi talaga umalis sa Princeton.

Binigay na ang order ko.

"KYAAAAHHHH!!!" Sigawan na nagmumula doon malapit sa stage. Mga babae nga naman, nakakairita! Oo alam kong babae din ako, pero hindi ako katulad nila na parang kinukurot sa singit kung makatili.

Napatingin ako sa babaeng kumakanta. Malamig ang boses niya na bumagay sa kinakanta niya at  maganda din siya, pero hindi siya ang tinitilian. May mga ilan ding tumitili sa dalawa pa nilang member na lalaki na bassist at drummer, pero ang talagang tinitilian ay 'yung Lead Guitarist na nagpapasikat. Bad Boy look 'to at nakabagay pa ang medyo may kahabaang buhok nito at ang pag-ngisi nito. Siguro kung nagpakababae ako, hahanga ako sakanya.

Maganda kasi ang pangangatawan nito at idagdag mo pa ang makalaglag pangang mukha nito. Pero hindi ako nagpaka-babae eh, ayoko sa mga lalaki at ayoko din sa mga babae. Ayoko kasing matulad sa mga umiiyak ng dahil lang sa 'LOVE' na 'yan, hindi naman siguro nakakamatay kung hindi mo mararanasan 'yun diba? Sakit lang sa ulo 'yan.

Boyish Girl meets the Bad Boy(ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon