chapter2- Death Schedulers

73 3 0
                                    

TRISTAN POV

Sorang sakit ng ulo ko. wala rin akong maramdamang kahit ano sa aking katawan. unti unti akong bumangon sa pag kakahiga nang mamataan ko ang pag ka taranta ng aking nasa paligid.. paro't parito ang mga tao na para bang hindi ako nakikita ng mga ito at pinag kakaguluhan ang isang pamilyar na bulto ng katawan na nakalupasay at isang dalaga na iyak ng iyak yakap ang pamilyar na bulto..

pabalik na sana ako saaking booth nang makasalubong ko ang aking amo. sobra

akong binaluhong ng kaba lalo na na badha sa mukha ni Ma'am Cathy ang takot at pangangamba. malayo ang tanaw nito at para bang tagusan lang ang tingin saakin. Napayuko ako ng malapit na siya saaking kinaroroonan ngunit nanlaki ang aking mata ng imbis na bumangga sa akin si Ma'am ay tumagos ito saakin..

Kinilabutan ako sa nangyari... mula sa kinatatayuaan ko ay dali dali kong tinawid ang distansya patungo sa katawan na kanina pa nila pinag kakaguluhan. umiiyak parin ang dalaga yapos ito.. at wala ring kahirap hirap na nakisingit ako sa nag kakagulong tao.

'oh diyos ko. hindi ito totoo!' usal ko sa aking sarili.

Hindi ako makapaniwala... Hindi ito Totoo! Hindi maaari!.

Ako ... Nakikita ko ang aking sarili... Puro dugo ang buong mukha, Malalaki at malalalim maraming galos sa buong katawan habang yakap ng isang dalaga. Dalagang hindi ko kilala.

" HELP PLEASE!!!!  HELP US PLEASE!!!!  CALL AN AMBULANCE! WE HAVE TO SAVE HIM"

sigaw ng dalaga sa mga nakapaligid na umuusyoso sa pangyayari.

" Excuse us" hawi ng mga lalaking hawak ang isang stretcher. inalalayan nila ang aking katawan at ipwinesto sa stretcher.

" I'm coming with you" ani ng dalaga.

Dali dali nilang  dinala sa pinakamalapit na ospital ang aking katawan. Hindi parin ako makapaniwala. sumabay ako sakanila pasakay pero hindi nila ako alintana. iyak ng iyak ang dalaga pati narin si ma'am cathy na ngayon ay humahagulgol narin sa kaba..

Nang makarating sa ospital ay agad ding isinugod sa loob ng emergency room.. maya maya ay nag kakagulo narin sa loob nito at idiniretso ang aking katawan sa operating room. Sa labas ng O.P ay naroon parin ang dalawang babae na hindi parin napapatid ang iyak.

"Nandito ako! Ma'am cathy! pakinggan nyo ako! hindi ako yun nandito ako sa harap nyo? bakit ba hindi ninyo ako pinapansin? bakit nyo ba iniiyakan ang katawang yon?" sigaw ko sa harap ng dalawang babae.

" This is all my fault. if it's not my stubborness this won't happen." saad ng dalaga.

" I should have listen to them. This won't happen if I don't insist to them not to remove that ride.. I should be the one to be blame on this"ma'am Cathy .

Nalilito ako... Anong gagawin ko? Paano ako makababalik sa aking katawan? bakit?

hinawakan ko ang balikat ni Ma'am cathy sa pag asang makikita at mapapansin niya ako ngunit kagaya ng nangyari kanina tumagos lamang ang aking kamay sa kanya.

' Bakit? Ma'am ! Miss ! nandito ako wag niyo akong iyakan buhay pa ako!!!!!!' Sigaw at papalit palit kong baling sa dalawa pero wala silang reaksyon o tugon.

" Don't waste you time Tristan De Vera. they can't hear you nor see you." bigalang sulpot ng isang Babae na may hawak na isang mamahaling cellphone na may naka engrave sa case na D.S Uno. Maganda ito para siyang isang Vocalist ng isang Rockband ala Avril lavigne ang itsura at porma.

' Sino ka? Nakikita mo ako? bakit hindi nila ako pinapansin? bakit tila di nila ako naririnig?' sagot ko sa babae.

" hmm im uno. A Death Scheduler .. What do you expect? eh ligaw na kaluluwa kana ngayon?  Nagpakabayani ka ba naman iligtas ang Tatlong tao na nakatakda ko na dapat sunduin? Hay nako naman.. bakit ba napaka paki alamero ng mga tao? Alam mo ba na ng dahil sa pakikialam mo ay nasira na naman ang listahan ko? ano? mag hihintay na naman ako ng ilang kapalpakan ng mga tao bago ko masusundo ang mga black souls? Pahirap talaga kayong mga tao" reklamo ng babae.

Between Life or DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon