Crush, Malaya ka na

719 11 0
                                    

"Crush, Malaya ka na"

Pinapalaya na kita sa mundong binuo ko kasama ka.
Pinapalaya na kita sa seldang kinulungan ko ng mga ala-alang masasaya.
Pinapalaya na kita mula sa aking mga nakakakilig na pantasya.
Pinapalaya na kita sa palasyong tinitirhan ng mga ngiti mong kay ganda.

Pinapalaya ko na ang sarili ko sa lasang tangang pag asa.
Pinapalaya ko na ang sarili ko sa sakit kapag may kasama kang iba.
Pinapalaya ko na ang sarili ko sa paghihintay na mamahalin mo pa.
Pinapalaya ko na ang sarili ko sa pag aakalang mapapasakin ka pa.

Crush, malaya ka na sa pag-aalalang may masasaktan ka pa.
Crush, malaya ka na mula sa listahan ko ng FLAMES at iba pa.
Crush, malaya ka na sa kantyaw ng aking barkada.
Crush, malaya ka na kahit wala namang namagitan sa ating dalawa.
Crush, mula sa crushlist ko, makakalaya ka na.

-Isleh Montealto.

Book of PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon