Justine's Picture 👆
Note: Sobrang sorry for super late update. As in super late, as in late na late na late. I will just continue this story nalang kasi sayang din naman yung plot na nagawa ko dito. Nawalan lang talaga ako ng time to update this story. So, update ko nalang to from time to time and kung may magbabasa pa, thank you and kung wala naman ayos lang din naman. Just to have documentation na din ng first story ko dito sa Wattpad. So ayon, sorry talaga ulit and I will finish this story din talaga as much as possible.
Justine
(And yes, may pag-pov si Justine. Hahaha!)
Pagulong gulong lang ako dito sa kama ko. Wala talaga akong magawa, gusto kong itext si Kyle para makamusta ko siya kaso alam ko nasa shop siya at nagtatrabaho. Kasama niya din yung Jerico na yun. Tss.
Yes. Totoong may gusto nga ako kay Kyle. Bakit? Wala naman sigurong masama dun di ba?
Actually, Pre-school to Elementary naging kaklase ko si Kyle. But nung nag-grade 5 siya lumipat na siya ng school dahil daw lumipat na din sila ng bahay ng mama niya. Siguro di na din ako naaalala ni Kyle dahil di naman kami close noong mga panahong yun. Nagkausap lang kami nung pinag partner kami ng teacher namin nung grade 4 kami para sa isang project.
Medyo malaki na din pinagbago ko simula nung nag college ako. Natutunan kong mag ayos ng sarili ko. Natuto akong pumorma at maging kaaya aya sa mga mata ng iba. Kaya di na rin siguro niya ako naaalala. Kilala din si Kyle na hindi matandain sa pangalan lalo nung bata pa kami.
Nung time na gumagawa kami ng project "Ano" ang madalas na tawag niya sakin dahil di niya matandaan pangalan ko siguro kasi di naman din kami nagkakausap sa school. Tsaka tahimik din siya. Nakakatawa kasi noon sinasabi niya sa akin "Ano, paabot nga ng ruler", "Tapos na ba yan Ano?". Hahaha.
Simula nung nagkasama kami sa paggawa ng project, may special na talaga akong naramdaman sa kanya. Pero dahil bata pa ako nun unti unti ding nawala yun nung hindi ko na siya naging kaklase nung grade 5 kami. May time na naiisip ko kung nasaan na kaya siya o kung kamusta na kaya siya.
Bumalik lang ulit lahat ng special feelings ko kay Kyle simula netong naging kaklase ko siya ngayong 2nd year college.
Nung makita ko siya ulit talagang alam kong siya yun, na siya yung first love kong lalaki, na siya si Kyle. Kaya destiny na din talagang maging magkaibigan kami ngayon. Sobrang saya ko kaso ngayon may umeepal. Yung Jerico. Di ko nga alam kung gusto niya lang ba talaga maging kaibigan si Kyle o higit pa. Pero di ko naman hahayaang mangyari yun.
Nasa malalim akong pag-iisip nang tumunog yung phone ko kaya kinuha ko iyon para tignan kung sinong nagtext sa akin.
From Sandy 10:32 pm
'Justine, monday next week na daw ang screening for Campus King and Queen. May 2 days pa kayong mag prepare ni Cheska.Ou nga pala. Ako nga pala ang napiling representative para sa Campus King. First time ko to kasi di naman ako talaga ganto kaayos sa sarili dati. Nakaka-pressure kasi buong college ang aasa sakin. Pero di ko pa naman alam kung makakapasok ba ako sa screening.
Me, 10:35 pm
'Ah. Salamat Sandy. Pero ano bang gagawin sa screening?'From Sandy, 10:39 pm
'Casual wear lang yun, rarampa lang kayo ng kunti tapos dun malalaman kung pasok ba kayo sa mga finalist'Di ko alam kung anong susuotin ko. Yung usual ko lang ba na suot o kelangan ko ba bumili? Hays. Ang hirap. Pero gagawin ko to kasi sabi ni Kyle kaya ko daw to at susuportahan niya daw ako. Hihi !
YOU ARE READING
Still My Man
Teen FictionLove really comes in our lives ng hindi natin namamalayan. We are often scared to be inlove dahil narin sa ayaw nating masaktan. May mga times naman na indenial tayong inlove tayo dahil hindi pa tayo handa sa kung ano mang consequences that love may...