Kyle
It's 7:45am and I am heading to my school now. So far so good dahil nakakapag-adjust na ako sa pag-aaral at pagtatrabaho. Hindi naman ganon kabigat yung trabaho sa coffee shop and good thing na nagagawa ko yung mga assignments ko don kapag walang costumer so malaking tulong din siya sakin dahil pag-uwi ko ng bahay eh pagpapahinga nalang ang poproblemahin ko.
I entered our classroom and nakita kong nandon na sila Cheska at Sandy so I greet them.
"Good morning Cheska, Sandy", ako while heading towards them.
"Oh hi Kyle, ikaw ha? Di mo pala kami napanuod kahapon. Ang sad naman", pagmamaktol ni Cheska.
" Alam niyo naman na may pasok ako sa coffee shop tuwing hapon di ba?", nasabi ko nalang nang may umakbay sakin.
"Okay lang yon Kyle, mapapanuod mo naman ulit kami dahil pasok kami sa Finals", si Justine pala galing sa likod ko kaya napalingon kami lahat sa kanya.
" Wow! Sabi ko naman sa inyo kayang kaya niyo yun eh", proud kong sabi.
Nagkwentuhan lang kami tungkol sa nangyari kahapon. Wala pa rin yung prof namin. Wala na atang balak pumasok yon. Hahaha. So, pinalipas nalang namin yung buong period sa loob ng room dahil hindi na pumasok yung prof namin.
"Kyle", pagtawag sakin ni Justine. Palabas na kasi ako ng room dahil pupunta sana ako sa library.
" Oh Justine?", tanong ko.
"Uhm? Kasi ano eh", siya na may pagkamot pa sa ulo. Parang nahihiya.
"Ano?", - ako.
"Uhm. Nuod ka sa Finals ah. Sabado naman gaganapin yon. Di ba day-off mo naman sa work yon?", sabi niya.
" Ah. Oo naman. Gusto ko kayong mapanuod no. Di ko na nga kayo napanuod nung una eh", sabi ko.
Napangiti naman siya. "Sige, salamat. 6pm ang start Kyle ah? Sa gymnasium at gagalingan ko din promise", si Justine.
" Osige, mauna na muna ako ah. May hihiramin kasi akong libro sa library", pagpaalam ko. Agad naman na akong umalis.
Naglakad na ako sa corridor ng school. Actually, di pa rin ako makapaniwala na dito ako nag-aaral kasi naman sobrang laki netong school na to.
Sa paglalakad ko eh may bigla nalang tumawag sa pangalan ko.
"Kyle", sigaw na nagpalingon sakin kung san yon nanggaling.
Si Jerico pala. Galing sa benches sa labas ng school building. Papalapit siya sakin ngayon.
" Kyle, kamusta na? Nakita kita mag-isang naglalakad. San ba punta mo? Gusto mo ba ng kasama?", sunod sunod niyang tanong.
"Sa library lang ang punta ko pero ayos lang kaya ko naman yon mag-isa tsaka parang kasama lang kita kahapon sa coffee shop di ba", sabi ko.
" Ah oo nga, ano kasi, may sasabihin ako", si Jerico.
"Oh ano yon?", tanong ko.
" Uhm, eto", siya at may nilabas siyang papel sa bulsa niya.
"Ticket yan para don sa contest na sasalihan ko, remember?", sabay abot sakin ng ticket.
"Ah oo, kaya ka pala laging late sa coffee shop. Nagpapractice kayo", sabi ko.
"Oo, sana makapunta ka ah? Di ba sabi mo susuportahan mo ako sabi mo. Nagpromise ka pa nga eh. Nandyan na lahat ng details. Asahan kita don ah ", si Jerico at tumakbo na pabalik sa barkada niya.
Mukhang ang dami yatang nagaganap dito sa school pero parang sakin wala lang? Ang boring talaga ng buhay ko. Pasok sa school, pasok sa work then uwi, tapos tulog. Then paulit ulit lang din araw araw. Mas okay na din siguro to para di rin ako mamroblema sa oras.
YOU ARE READING
Still My Man
Teen FictionLove really comes in our lives ng hindi natin namamalayan. We are often scared to be inlove dahil narin sa ayaw nating masaktan. May mga times naman na indenial tayong inlove tayo dahil hindi pa tayo handa sa kung ano mang consequences that love may...