Chapter 12

33 1 0
                                    

Jerico

4:50pm. Nandito na kami sa venue ng dance competition na lalahukan namin. Grabe, kinakabahan talaga ako. Kanina pa ako lakad ng lakad dito sa backstage. Si Thea, inaayusan na at ako na ang susunod sa kanya. Buti nalang at di ako kinukulit neto ngayon, siguro kinakabahan din.

Matapos akong ayusan eh nakatanggap ako ng text message kay Rex.

From Rex:
Bro, papunta na kami ni Fred. Goodluck ha. Galingan mo!

Mabuti naman at papunta na sila. Para naman kahit papano eh mawala yung kaba ko.

Si Kyle kaya? I'm sure pupunta yon. Nangako naman siya sakin eh kaya kampante naman ako. Bakit kasi di ko kinuha number niya para naman masabihan niya ako kung nandito na siya. Tagal na naming magkakilala eh.

"5 minutes. Magstart na ang competition", sigaw nung Floor Director sa backstage.

Mas lalo akong kinabahan. Sumilip muna ako sa labas. Sobrang dami ng tao. Nakita ko sila Rex at Fred at kumaway sa kanila. Wala pa si Kyle sa tabi nila dahil bakante pa yung upuan sa gilid nila. Magkakatabing seat kasi yung kinuha kong ticket para makita ko sila in an instant kasi sa gantong pagkakataon, alam kong madaming tao. Siguro late lang yon si Kyle, makupad pa naman kumilos yon.

Justine

" Cheska? Ano nanjan na ba sila Kyle?", muli kong tanong kay Cheska.

"Wala pa yung dalawa pero for sure parating na yon. Baka nagsabay na yon papunta rito. Ano ka ba maupo ka nga, kanina ka pa lakad ng lakad eh", si Cheska.

Hindi talaga ako mapakali hangga't di ko nakikita si Kyle. I need to see him to calm myself down. Makita at marinig ko lang siya, okay na ako.

After netong pageant na to, manalo man o matalo. Magcoconfess na talaga ako kay Kyle at sana tanggapin niya ako. Shet. Mas kinakabahan ako don.

" Oh Justine, nanjan na daw si Sandy", si Cheska na nagpabilis ng tibok na puso ko.

"Eh si Kyle? Kasama niya?", tanong ko.

" Siguro, sabi niya kasi sa text 'Andito na kami', so baka kasama na niya", si Cheska.

Nako. Salamat naman. Sana ma-impress siya sakin. Gagalingan ko talaga ngayon. Kyle, this one is for you. Nasabi ko nalang sa isip ko.

Jerico

"Okay, thank you duo from Malvar Science Institute", sabi nung host. So ibig sabihin next na kaming sasalang.

Huminga ako ng malalim. Eto na, kaya ko to. Wooooh!

At tinawag na nga kami ng host. Agad kaming pumanik ng stage ni Thea. Sinulyapan ko agad yung pwesto nila Rex at nakita ko sila, excited na excited.

Pero bakit parang hindi si Kyle yung katabi nila? Si?

Si Jeffrey ba yon? Yung katrabaho namin sa coffee shop. Eh bakit siya ang nandito? Eh yung seat na yon eh para kay Kyle. Bakit wala si Kyle?

Nawala ako sa wisyo, hindi ko alam na nagsimula na pala yung tugtog ng sayaw namin. I was caught standing in the middle of the stage habang yung partner ko nagsimula nang sumayaw. Nanlulumo yung katawan ko, walang gana akong kumilos. Bakit? Bakit ako nagkakaganito?

Dahil lang di ko nakita si Kyle? Dahil alam kong wala siya don at di niya ako mapapanuod? Pero bakit ganto? Eh si Kyle lang naman yon. Pero hindi, si Kyle yon.

Natapos ang sayaw ng di ko namamalayan. Di ko alam kung anong pinaggagawa ko don sa stage. Thea was irritated pagbaba namin.

" Ano bang pinaggagawa mo Jerico ha?", bulyaw niya sakin.

"Are you out of your mind? Ni hindi ka makasabay sa akin don! Na parang di tayo nagrehearse! Ano ba!", siya pa rin.

Hindi ako nagsasalita. Alam kong hindi maganda yung naipakita ko sa stage. Napaupo nalang ako. Hindi ko na inintindi yung pagbubunganga sakin ni Thea. Hindi ko na rin tinapos yung competition at lumabas na agad ako ng venue. Tumakbo lang ako kung saan. Ayoko ng gantong feeling, ang bigat. Bakit ba ako nagkakaganito?

Ilang oras din akong naglakad lakad nang makatanggap ako ng text galing kay Rex.

From Rex:
Bro? Nasaan ka? Di ka na namin makita dito sa venue. Okay ka lang ba?

Agad naman akong nagreply.

To Rex:
Umuwi na kayo.

Yun lang ang nasabi ko at sinilid ko na yung phone ko sa bulsa ko. In-off ko rin kasi alam kong tatawag yung mga yon. Sa mga pagkakataong to, gusto ko muna mapag-isa. Naupo nalang ako sa isang park. Sigurado akong kahihiyan yung dala ko pagbalik ko sa school sa Monday at siguradong pagagalitan ako ng Coach namin. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ni hindi ko nga alam kung bakit ako nagkakaganito. Isa lang ang nasa isip ko. Si Kyle lang.

Justine

"Finalists be ready", bilin ng staff sa amin.

Kasalukuyan nang nagsisimula ang pageant. After netong introduction number eh isa isa na kaming lalabas.

" Please give a big round of applause to your Top 10 finalists", yung host at isa isa na kaming umakyta ng stage.

Hiwalay ang entrance ng girls at boys. Doon sa kanan ang mga babae at dito kami sa kaliwa.

Pagtuntong ko sa entablado, halos wala akong makitang tao dahil sa sobrang daming ilaw na ngayo'y nakatapat sa amin. Tanging hiyawan lang nila ang naririnig ko. Hindi ko tuloy maaninag kung saan banda nakapwesto ang mga kaklase ko. Isa pa, hindi ko pa din nakikita si Kyle simula kanina pero sabi naman ni Cheska na nandito na daw sila. Ni hindi ko man lang narinig yung boses niya ngayong araw kahit 'Goodluck' man lang kaya mas kinakabahan tuloy ako.

"Now, it's time for the Question and Answer portion. Are you guys excited?", ani ng host at agad namang naghiyawan ang mga tao.

Medyo nabawasan yung ilaw na naging dahilan para maaninag ko yung mga taong nasa harap namin. Nakita ko agad yung malaking banner mula sa college namin at sure akong doon sila lahat nakapwesto. Nakita ko yung mga kaklase namin pati si Sandy. Ang tanging hindi ko lang mahagilap ay si Kyle. Palinga-linga ako, hinahanap ko kung nandoon ba si Kyle. Bakit parang wala siya? Eh, sabi niya sakin manunuod siya at susuportahan niya ako this time.

Hindi ko nalang napansin na ako na pala ang sunod na sasagot. Kung hindi pa ako kinalabit ng katabi ko eh baka hindi ko talaga alam ang nangyayari.

Wala sa wisyo'y agad akong tumabi sa host ng pageant. Nakatulala lang ako sa kawalan. Nanlulumo ako kasi yung taong inaasahan kong nandito eh wala. Kahit anino man lang ay di ko makita. Kaya ko naman ginawa to ay para sa kanya.

" Camdidate no. 4. Are you still with us?", sabi nung host na nagpabalik sa pag-iisip ko.

Tumango nalang ako.

"It's okay. I know all of you are nervous right now. So, please pick a question", abot niya sakin ng card. Pinili ko yung kulay red.

" Okay. Here is your question. What symbolism could you give as a sign of success and why?", tanong nung host.

"Uhm?", pag-uumpisa ko. Pinipilit kong mag-isip ng isasagot pero walang pumapasok sa utak ko.

" Uhm?", muli kong nasabi.

"Uh? I'm so sorry", nasabi ko nalang at bigla akong tumakbo palabas ng stage. Hindi ko na kaya don. Wala talaga ako sa sitwasyon mentally.

Tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang makalabas ng venue. Napagod ako at umupo sa tabi ng isang malaking puno. Napayuko nalang ako at napaiyak.

Bakit ganon? Nangako sa akin si Kyle na darating siya pero bakit wala siya. Nagmukmok lang ako sa tabi ng punong iyon.

-------------------------------------------
Follow and Vote :) Thank You :)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 22, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Still My ManWhere stories live. Discover now