FanBoi1: Mar 6, 2016
like... like ... like
JAnimal: Mar 7, 2016
Uy in fairness, improving. Wala akong masabi sa grammar at spelling. :D
Paulette1206: Mar 7, 2016
Nakakahiya naman kasi sayo Mr. ANIMAL kaya todo effort ako na paulit ulit ko binasa bago ko ipost.
At bakit mo pala naitanong kung taga saan probinsya ako? May balak ka bang puntahan ako? Type mo ako ano? Kaya ganyan ka na lang kung magpapansin sa akin.
JAnimal: Mar 7, 2016
Type ka dyan, wag kang assuming.
Kaya ko lang naitanong para alam ko kung meron ba tayong regional barrier. Kasi baka may mga words ka na nagagamit from your dialect at naisasama mo sa story mo.
Ang isang example na lang yung word na "silang". Ang alam kong meaning nito ay pinanganak. Nabasa ko sa ibang kwento, ginamit ng isang writer sa sentence na "silang na boses", akala ko pinanganak or nagstart na magkaroon ng magandang boses. Eh yun pala sa probinsya nila ang "silang" ay sintunado.
Gets mo ba?
Paulette1206: Mar 7, 2016
Ang yabang naman nito may pa-gets mo ba pang nalalaman.
Pero oo, naiintindihan ko naman ko naman paliwanag mo about sa probinsya thingy. And FYI at para na rin sa kaalaman ng ibang readers, tiga Maynila ako. Tubong Maynila at laking Maynila.
JAnimal: Mar 7, 2016
Ay sorry naman kung mayabang ang dating. Hindi iyon ang intensyon ko. Ang hirap kasi kapag ganitong binabasa lang, hindi mo marinig kung ano ba nais iparating/intonation. Sorry ulit, di ako nagyayabang.
BTW, maganda yung latest update ng kwento mo.
Paulette1206: Mar 7, 2016
Crush mo talaga ako, nagpaparinig k b na gusto mo makuha digits ko? At ska parang bigla kang bumait. Aminin...
Fanboi1: Mar 7, 2016
Aba ginawang chatroom ang comment section. Uy I smell something peshe.
![](https://img.wattpad.com/cover/114853873-288-k116837.jpg)
BINABASA MO ANG
Not Another Poor, Ugly, Missing Heiress
Ficción GeneralA writer's desire to create a beautiful story. A reader's frustration with the current writing norm.