PROLOGUE

13 0 0
                                    

"Once upon a time, doon sa malayong parte ng kalawakan, sa isang malaki at mapayapang mundo, may isang dalaga na tahimik na naglalakad sa kagubatan. Tinitingala niya ang mga matataas at malalaking puno, pinapakinggan ang mga huni ng mga ibon at ang paglagalas ng mga dahon. Habang siya ay naglalakad, siya rin ay napa-isip kung ano ang maaari niyang gawin sa araw na iyon---"

"Hay naku Kimbob. Ang pangit e. Bakit may 'once upon a time' pa yun? E tagalog naman ang story mo.", saway ni Hanbin sa isa.

"Ang ingay mo talaga, Hanbin! Hindi pa nga ako nakakakalahati sa story ko o, ang rami mo ng reklamo—", ani ng isa pa, si Jiwon.

"Hala hala hala! Ipagpatuloy mo na, Bob.", sinenyasan ko nalang si Jiwon.

"Pakakainin ko lang itong bata.", nginitian ko naman si Hanbin habang nakasimangot sa amin ni Jiwon, sinubuan ko na siya ng maliliit na slice ng watermelon at strawberries, isa-isa. Di naman para tumahimik na siya, gusto ko lang talagang pakinggan ang storya ng isa, na alam kong kabaliwan na naman.

Tumikhim si Jiwon pagkatapos niyang ngumiti nang malapad.

"Biglang may narinig siyang lagaslas, ngunit hindi iyon galing sa itaas. Napalinga-linga siya sa buong paligid upang hanapin ang pinagmulan ng ingay na iyon. Sa hindi niya malamang dahilan, bigla siyang napatakbo sa malapit na malaking punuan upang magtago habang hinahanap pa rin ang pinagmulan noon. Napahinto siya nang naririnig niya itong palakas nang palakas. Tao ba ito? O hayop? Naitanong niya sa kanyang isipan. Hindi niya alam ngunit biglang nanghina ang mga tuhod niya. Natatakot ako. Sambit niya sa kanyang isip. Ngunit---", huminto ang chinitong ito. Tiningnan kami ni Hanbin. Kami naman ni Hanbin, nagtinginan. Ako, nakakunot ang noo habang si Hanbin, nagkibit-balikat lang sa akin.

"Ngunit biglang nawala ang ingay na iyon. Wala na siyang naririnig na kakaiba sa panahon na iyon. Ang tanging naririnig niya lang ay ang puso niya. Ang malalakas na pagkabog nito sa dibdib niya. Alam niyang nahihirapan na siyang huminga ngayon ngunit hindi pa rin iyon ang tamang panahon para tumakbo siya. Hindi pa niya alam kung ano iyon. Paano kung ibang klaseng tao iyon at papatayin siya? Paano kung ibang uri ng malaking nilalang iyon at kakainin siya? Sinong magliligtas sa kanya? Saan siya---ah?", muling huminto si Jiwon sa pagbasa ng storya niya ng biglang nag-ring ang cellphone niya.

"Gabing-gabi na. Tumatawag pa rin.", inis na sambit niya habang tinitignan ang cellphone niya. Halata na kung sino ang tumatawag.

"Pang-ilang stalker na iyan, Kim Jiwon?", tanong ni Hanbin sa isa pagkatapos na lunukin ang mga prutas na sinubo ko sa kanya. Akma ko siyang susubuan pa ng watermelon, pero yung kamay niya ang natanggap ng noo ko ngayon, baka busog na siya.

"Baka.... 6th? 10th?", hula ko naman. Tiningnan naming pareho ni Hanbin ang kapatid niya. Makikita mo talagang iritang-irita na itong chinito na ito oh. Kumakamot na sa ulo niya bago pa tumayo at lumabas ng kwarto para sagutin ang tawag na iyon.

"Pwede namang di niya sagutin e.", hinahaplos na ni Hanbin ang tiyan niya.

"Oo nga.", nagliligpit na ako ng mga kalat namin ngayon. Maya-maya, uuwi na ako, baka hinahanap na ako nina mama.

"Gusto mong makarinig ng isang storya?", biglaang tanong ng perfectionist kong bestfriend, Kim Hanbin.

"Anong klaseng storya ba yan ha? Tulad kay Jiwon na kapag sa una, payapa pa tapos maya-maya nyan may mga monsters na? Pagkatapos, may mga aliens na? Tapos mag-woworld war bigla tapos---"

"Sad story.", napahinto ako sa pagliligpit at pagsasalita. Nilingon ko si Hanbin na nakahiga lang sa sahig habang nakatingala lang sa kisame.

Bumalik ako sa pwesto ko kanina, sa couch. Nag-indian style ako ng upo habang yung paningin ko ay nasa kanya pa.

"Sa isang munting bahay, mayroong nakatira na babae at lalaki. Iyong babae ay may edad na at iyong lalaki ay bata pa. Mag-ina sila. Masaya sila, kahit papano. Lumaki ang batang lalaki ng walang ama, hindi rin maiwasan ng bata na malungkot kung makikita niya ang ibang mga bata na may mga ama, na nagtatrabaho para sa kanila at nagdadala ng masasarap na pagkain at magagandang laruan kapag papauwi sa kanila.

Ngunit, isang araw, may nakita siyang lalaki na may edad na. Nakita niya itong papalapit sa bahay nila habang ang bata ay naglilinis ng kanilang bakuran. Nginitian siya ng lalaking iyon at ganon rin ang bata sa kaniya. Magaan ang pakiramdam niya, masaya siya. Pa? Sambit niya. Nang papalapit na siya sa lalaking iyon ay tinawag siya ng kanyang mama. Nakita rin ng mama niya ang papa niya ngayon. Sa isip niya, sa panahong iyon ay magiging buo na uli ang pamilya niya pero...", pumikit at guminhawa muna nang malalim si Hanbin bago siya nagsalita muli.

"Pero mula sa likuran ng papa niya ay may isang bata. Sa nakikita ng bata ay magkaedad lang sila. Narinig niyang pinapasok sila ng mama niya, pati ang papa at ang batang iyon, sa bahay nila. Iniwan silang dalawa ng batang iyon sa sala para daw maglaro, at sadyang mapaglaro naman ang bagong bata, palaging nakangiti sa kanya. Ngunit ang paningin niya ay nasa mga magulang niya na nag-uusap sa may pintuan ng bahay. Pinagmasdan niya ang mga magulang niya, pilit niyang binabasa ang bawat ekspresyon ng mga mukha nito, ang bawat pagbuka ng mga bibig nito at ang bawat paggalaw ng mga kamay at ulo nito hanggang sa nakita nalang niyang lumabas ng bahay ang lalaki at iniwan ang mama niyang umiiyak sa may pintuan ng bahay nila...

Hyung? Narinig niyang tawag ng batang kalaro niya ngayon. Hyung... Hyung---", bumalikwas ng bangon si Hanbin nang pumasok na si Jiwon sa kwarto.

"Hyung!", si Jiwon, panira talaga ng moment oh! Kainis!

"Oh?", tumayo na si Hanbin at tinapos niya ang mga niligpit ko kanina.

"P-Pagkatapos non?", tinabunan ko na ang kalahati ng mukha ko gamit ang kwelyo ng tshirt ko. Alam naman ng batang ito na ayoko nang masyadong drama e, pero heto ako, tangang tanga sa mga ganoong storya. Kdrama kasi e. Kdrama is lifeu pa rin.

"Oh? Bakit mo pinapaiyak ang pinakapangit nating prinsesa, Hanbin? Tignan mo, pumapangit na siya lalo oh!", may paseryoso seryoso pa siya ngayon.

"Ikaw kaya ang pangit sa atin, Kimbob.", agad ko namang pinunasan ang mga luha ko gamit ang mga kamay ko tapos singhot singhot rin pag may time.

"Nakuuu. Gwapo ko kaya no? Ang rami ko ngang stalker. E, ikaw Soona? Meron ba? Wala.", binelatan pa ako sa kunehong ito. Tinapunan ko nalang siya ng unan. Tapos tinapon niya uli sa akin.

"Yah! Pangit mo kaya!", tinapon ko uli sa kanya habang nagtatawanan na kaming dalawa.

"Bahala nga kayo diyan—aish!"

"Oopsie, dumulas sa kamay ko, Hyung e. Sorry. Hehe—", nagpeace sign pa si Jiwon sa hyung niya. Si Hanbin naman lumingon sa kanya parang may kung anong malakas na espiritu ang sumanib sa kanya ngayon. Yan kasi sinali pa niya ang kapatid niya sa pillow-solo-fight.

"Lagot ka, Kimbob. Magiging kimbap ka na talaga ngayon. Annyeong!", dahan dahan naman akong tumayo at pumunta sa may pintuan kung sakaling mag WWE na naman ang dalawang ito. Nakikita kong dumidilim na ang mukha ni Hanbin ngayon ngunit ang Jiwon na iyon, nakuuu, sadyang masayahing bata lang siguro ito.

"KIM JIWON!!! IROROLYO NA TALAGA KITA SA CUPBOARD NI MAMAAAAAAAAA!!!"

"WAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA—WAG HYUNG NAKAKAKILITI NA, HYUNG!!!"

Alam niyo? Ang wrestling kasi nila ay yung pagkikilitian hanggang sa makatulog sila. Kaya nga ako pumunta agad sa pintuan ng kwarto para tatakbo ako palabas ng bahay nila, medyo malayo-layo pa nga ang pintuan na yun e. Naku. Daig ko pa ang pagiging babysitter nito. HAHAHAHAHAHAYYY

P.S.MGA KALOG AS EVER TALAGA ITONG MGA BESTFRIENDS KO.

Hey Mr. Airplane! (SLOW UPDATE!!!)Where stories live. Discover now