Naging dahan-dahan na rin ang takbo namin ni Hanbin ngayon. Palingon-lingon ako sa paligid kung mayroon pa bang sumusunod sa amin, pero fortunately, wala na. Tinignan ko si Hanbin na palingon-lingon rin sa paligid. Huminto na ako sa pagtakbo at napatingin si Hanbin sa akin. Nginitian ko siya habang pareho kaming humihingal.
“Mukhang nawala natin sila.”, tinitignan ko na naman ang paligid at binitawan ko na ang kamay ni Hanbin, doon na rin umupo si Hanbin sa damuhan. Hingal siya nang hingal. Nasa isang playground kami ngayon. At medyo tahimik rin dito. Malapit na rin magdidilim.
“Kumusta na kaya si Jiwon?”, pag-aalala ko.
Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng palda ko para itext o tawagan na ngayon ang kuneho. Nang i-d-dial ko na sana ang number ni Jiwon ay biglang may parang tumutusok sa puso ko ngayon. Hinugot-hugot ko ang paghinga ko at pinipilit na hindi gagawa ng kung anong tunog sa paghinga. Napasapo ako sa dibdib ko sa sobrang sakit at napapaluha na ako sa nararamdaman ko. Bigla kong binitawan ang cellphone ko at mabuti naman na nasa damuhan kami ngayon. Napaupo ako sa mga paa ko at pinipressure ko talaga ang pagsapo sa dibdib ko. Hindi ito ang una o ikalawang beses na nangyari ito sa akin, pero shet talaga, ang sakit pa rin. Napahagulgol na ako sa pag-iyak at doon ko na naririnig ang boses ni Hanbin na kanina pang parang nakakabinging pakinggan. Naririnig ko pa rin ang malalakas na kabog ng puso ko ngayon.
“Soona! Anong nangyari sa iyo?!”, may pag-alala sa boses niya. Inangat ko ang paningin ko ng konti nang medyo nakalma na ako. Nakatitig ako sa kanya na para bang namatayan ako. Kumuha si Hanbin ng panyo niya mula sa bulsa niya at agad naman na pinunasan niya ang mga luha ko at mga pawis. Iyak pa rin ako nang iyak dahil natatakot ako. Na baka totoo talaga iyong sinasabi nila. Nila mama at papa. Hanggang ngayon kasi ayoko pa ring maniwala.
Medyo masakit pa rin kaya nahihirapan pa akong huminga. Pinipilit ko talagang maging okay na ang pakiramdam ko dahil ayokong mag-alala pa nang masyado si Hanbin sa akin ngayon.
“Soona…”, mahinang tawag sa akin ni Hanbin. Inaayos na niya ngayon ang buhok ko pero nakatitig pa rin ako sa kanya. Malungkot siya at ganoon din ako. Nalulungkot ako kasi hindi ko alam kung makakaya ko bang sabihin ito. Tumutulo pa rin ang mga luha ko pero si Hanbin, punas pa rin ng punas sa iyon. Ang mga kamay ko ay sa dibdib ko pa rin. Mabuti nalang at hindi masyadong matagal ngayon ang ganito hindi tulad noong nasa elementary pa ako. Mas mabuti ngayon at hindi ako nahimatay.
“Sorry…”, iyon lang ang nasabi ko at bigla akong niyakap ni Hanbin. Hinahaplos niya ang buhok ko sa likod habang napaluha na naman ako.
Kailangan ko munang magkalma bago umuwi, baka malaman ni mama ang nangyari sa akin. Masyadong maaga pa naman.Papauwi na kami ni Hanbin ngayon at kargang-karga niya ako sa likuran niya. Mukhang ginagawa na nga niyang kwentas ang sling bag ko e at iyong bag niya ay ako naman ang nagdala. Niyaya nalang niya ako ng piggy-backride kanina sa Playground kasi mahihina pa rin ang mga tuhod ko. Pumayag na lang din ako para raw makauwi na ako at makapagpahinga.
“Ilong… Mabigat ba ako?”, nagtanong ako sa kanya para naman may mapag-usapan kami ngayon.
“Hindi naman. Napakabigat mo po, Pandak.”, sagot niya at tumawa siya nang mahina. Ako rin naman.
“Baka ikaw ang mas mabigat sa atin, Ilong.”
“Hahaha. Ikaw kaya. Hindi pa nga tayo nakaka-kalahati sa nilalakaran ko, napapagod na ako.”
“Ibaba mo nalang kaya ako, Ilong. Ikaw ang nagyaya, ikaw rin naman pala ang magrereklamo.”, napanguso ako noon a?
“Sana di mo nalang iyon itinanong, Pandak.”, may tawang sabi niya.
“Ewan ko sa’yo po.”, sabi ko tapos ay pinatong iyong baba ko sa balikat niya.
“Napagod ka ata sa takbuhan natin kanina.”, seryosong sabi niya. Pero nagbuntong-hininga lang ako. Patingin-tingin na sa paligid.
“Ipagpatuloy niyo pa ba ang ginagawa niyo ni Jiwon?”
“Hmmm?”, napatingin ako sa kanya at medyo malapit-lapit rin ang mukha niya sa akin e no? Napatitig ako nang matagal sa mga mata niya at ganoon rin siya sa akin. Naramdaman kong napahinto siya sa paglakad. Nagtitigan lang kami at hindi ko mapigilang pagmasdan ang mukha niya nang ganito kalapit. Gwapo naman pala si Ilong e, akala ko si Jiwon lang.
Nararamdaman kong umiinit na ang mukha ko at ayokong pawisin ulit, sa hindi ko inaasahang paggalaw ay napasabay ang pag-iwas ko ng tingin sa kanya at ang pagtulak sa kanya na sanhi upang mabitawan niya ang mga paa ko. Mabuti naman ang nakapagbalance pa ako kahit mahihina pa ang mga tuhod ko.
“Okay lang ako!”, agad ko namang sambit sa kanya habang nakatingin lang ako sa ibaba, napapansin ko kasing papalapit siya sa akin. Inangat ko agad ang paningin ko at ngumiti sa kanya.
“Kaya ko na. Hehe.”, tinapik ko ang balikat niya at tinuro ang harap.
“Malapit na tayo sa bahay o.”, nginitian ko ulit ni Hanbin at tinignan niya ang direksyon na tinuro ko. Tumango siya sa akin at nagsimula na kaming maglakad ulit.
YOU ARE READING
Hey Mr. Airplane! (SLOW UPDATE!!!)
FanfictionA fan-fiction story of iKON's Airplane.