CHAPTER 1

4 0 0
                                    


12 na ng tanghali. Sophomore building, rooftop. Dito kami magkikita, kaming tatlo, kapag lunch break na. Ayaw ni Kimbob doon sa cafeteria kasi raw mawawalan siya ng gana, palagi lang siyang tinatabihan ng mga babae, minsan hindi namin mga kakilala, mga galing sa ibang sections, ang iba naman ay mula na sa mga seniors namin. Si Binnie naman, ayaw niya rin sa cafeteria kasi raw maingay, e natural naman kasi hindi yun library no. Nakuuu, pati ba naman sa pagkain, nagbabasa pa rin siya ng libro?

"Pang-ilang basa mo na yan, Hanbinah?", naabutan ko ang dalawang ito na nag-uusap na hindi naman nagtitinginan. Tango, lingo, pagkibit-balikat lang ang mga sagot ni Hanbin sa kapatid niya. Nag-uusap ba talaga ang dalawang ito? Mukhang si Jiwon lang ang nagsasalita e. Si Jiwon, busy naman sa paghanda ng mga pagkaing dala nilang dalawa.

"Annyeong!", bati ko sa kanila. Sanay na akong hindi nila tinitignan kapag kararating lang, mga busy sila e. Heol. Ganun daw kapag gwapo, sabi ni Kim Jiwon.

Lumapit ako kay Jiwon at tinulungan na siya, inihanda ko na rin ang mga dala ko tsaka lang ako tinignan nang masama ni Jiwon. Galit ata ang kuneho.

"Bumili ako sa cafeteria. May bagong stock na kasi sila ng pringles e.", pagpapaliwanag ko kay Jiwon kung bakit ako nag-aksaya pa ng oras sa cafeteria kanina. Alam kong paborito nila ito e.

"Kaya pala na-late ka?", nagsalita na si Hanbin, pagkatapos ay tiniklop na niya ang libro niya. Lumapit na rin siya sa amin ni Jiwon. Nagsimula na siyang kumuha ng egg roll na gawa ng mama nila. Alam kasi ng mama nila na ayaw ng dalawa niyang anak na magtambay sa cafeteria. Hayyy, ang sarap talaga ng may ina no?

"Marami namang binibigay na pringles ang taga senior high students sa akin kanina e.", ani Jiwon.

Kinuha ni Jiwon ang mga dala kong pringles, habang nakasimangot akong nakatingin sa kaniya. Nabigla nalang ako nang may binigay sa akin si Hanbin na isang panel ng toblerone.

"WOW!", sabay kami ni Jiwon. Nag-wow ako sa natanggap kong toblerone because toblerone is lifeu. Nagsabay pa kami ni Hanbin na lumingon sa kapatid niya na panay ang pagyakap sa isang pringles na bago kong bili. Ngumiti ako. Tapos inabot ko yung isa na pringles na nasa plastic bag pa, binigay ko kay Hanbin.

"Special edition kasi yan na mga Pringles e. Kaya nag-aksaya ako ng oras doon sa cafeteria kanina.", in-emphasize ko talaga yung salitang 'aksaya'. Tumango ako habang nakangiti tapos ay tinabi yung toblerone na binigay ni Hanbin sa akin kanina, galing yun sa mga gifts ng mga admirers ni Jiwon. Nagsimula na akong kumain ng egg rolls at kimbap.

"HAHAHAHAHA! Hyung ang cute ni Pooh dito sa Pringles ko o. Si Mickey dyan? Gwapo ba? Tulad ko?", tumabi pa ang maingay na si Jiwon kay Hanbin na panay ngiti rin sa Pringles niya. Pinagmamasdan ko lang ang magkapatid na ito. Nagtatawanan na sila na parang mga bata.

"HYUNG! Bigyan mo ko nyan! Wag madamot. Oy!", tumayo na si Hanbin at nagsimulang tumakbo palayo kay Jiwon.

"AYOKO! SOUR CREAM GUSTO KO!", sigaw ni Hanbin. Ayan nagsisigawan na ang dalawa ngayon.

"PERO HYUNG!", hinabol na ni Jiwon si Hanbin na patakbo-takbo naman dito sa rooftop.

Bahala nga sila dyan. Basta ako, kakain lang ako dito. Ang sarap talaga ng mga luto ng mama nila. Yum-yum.

"SOONA O! AYAW PATIKIM SI HANBIN SA PRINGLES NIYA!!!", sigaw ni Jiwon. Tapos ginagamit pa talaga ako ngayon para takutin ang kuya niya.

"Anong magagawa ko, Kimbob? Pringles yan ni Binnie e.", ani ko sa kuneho na pabalik na sa lokasyon namin, umupo siya sa tabi ko pagkatapos ay nagsimula na ring kumain.

"Kumain nalang kaya kayo. Magsisimula na ang klase maya-maya.", dagdag ko pa. tumabi na rin si Hanbin sa akin sa kabila pagkatapos ay binelatan pa niya ang kapatid niya. Tinapunan ng plastic bag ni Jiwon si Hanbin pagkatapos ay nagkatawanan ulit. Mga baliw talaga.

Hey Mr. Airplane! (SLOW UPDATE!!!)Where stories live. Discover now