SARAH’S POV
Hay, this is it! Kaya ko ‘to. I’ve done this so many times, hindi na dapat bago sa akin ang magshoot ng movie. Kaya lang bakit ganun? Kinakabahan ba ako? Bakit ba ako nagkakaganito? Hay naku, this is my first team up with “The” Gerald Anderson kaya siguro medyo may kaba ako. Bukod sa hindi ko alam kung magugustuhan ba ng mga tao ang team up namin, kinakabahan ako na magkakasama kami ng matagal ni Gerald dahil sa movie na ‘to. Good luck na lang saken! This is it!
Mommy Divine : Sarah! Ano ready ka na ba?
Sarah : Opo mommy, bababa na po ako.
Mommy Divine : Excited na ako sa bago mong movie anak. Ikaw? Excited ka na ba?
Sarah : Excited po ako at kinakabahan , syempre po, si Gerald Anderson yun, alam naman po natin na sobrang mahal sya ng Kimerald. Sana lang po suportahan din nila kami ni Gerald.
Mommy Divine : Anak, madami ka namang fans, for sure hindi ka nila papabayaan, basta gawin mo lang ng maayos ang trabaho mo para maganda ang kalabasan ng movie nyo. For sure magiging hit ang movie nyo. Be positive anak. And don’t worry, we are here to support you, kami ang no. 1 fan mo, ang pamilya mo. (smile at sarah)
Sarah : Thank you po mommy. Tara na po. Baka po malate pa tayo.
Sarah reached the location of their first day of shoot 30 minutes before the call time. Napaka professional talaga ni Sarah, always on time, hindi nya pinaghihintay ang staff. Nandoon na din Gerald, kasama nya ang kaibigan na si Fred na isa din sa mga cast na pelikula.
Gerald : Hi Sarah, andyan ka na pala. (ngumiti ito at bumeso kay Sarah ganun din si Fred)
Sarah : Ui, hello..ito nga at kakarating lang namin. Kanina pa ba kayo?
Gerald : Hindi naman, magkasunod lang tayo. (smiles)
Gerald : Hello po Tita Divine (bumeso din sya dito)
Mommy Divine : Oh Gerald, good luck sa inyo ni Sarah.
Gerald : Thank you po tita. (at ngumiti ito)
Tinawag na ni Direk Mae si Sarah and Gerald, sila ang unang kukunan para sa scene ng panaginip ni Sarah kung saan makikita na nya ang man of her dreams. They are both nervous since it was the first time that they’ll be working together with this kind of project. Sabay silang lumapit kay Direk Mae. Gerald was amazed with the natural beauty of Sarah. She is so simple. “I want to know her even more, I hope we can be friends” sabi ni Gerald sa sarili. Binigyan sila ni Direk Mae ng instructions on what they should do, at dahil nakatalikod si Gerald sa unang eksena, ndi maxado nahirapan si Sarah.
“And cut!” sigaw ni Direk Mae.
“Direk Mae may scenes pa po ba ako?” tanong ni Sarah
“Wala na sa ngayon Sarah, you can go na. I know you have a music video shoot for the theme song of this movie” sagot ni Direk Mae
“O sige po Direk, Thank you po. See you po sa next taping natin” sagot ni Sarah at lumakad na pabalik ng tent nya para magready paalis.
Habang nagliligpit ang PA ni Sarah, pumasok sa tent nila si Gerald.
“Your leaving na?” tanong nit okay Sarah
“Ay oo..may music video shoot pa kasi ako…para sa theme song ng movie” ang nakangiting sagot nito kay Gerald.
“Ah..okay..i’m sure magiging no.1 yang song nay an, lalo na ikaw pa ang kakanta” ang pagbibiro nito kay Sarah
“Hahaha..ganon? naku, sana nga at sana pati movie natin maging hit din” ang natatawang sagot kay Gerald.
“Let’s just do our best, I’m sure it will be a hit. I’m claiming it” sagot ni Gerald kay Sarah na kahit pati sya ay kinakabahan din since una nila itong tamabalan. Pero naisip nya na hindi dapat sya magpahalata kay Sarah na kinakabahan para sa tambalan nilang dalawa. Naisip nito na mas maganda kung papalakasin nito ang loob ni Sarah para na din maging palagay ang loob nila sa isa’t isa.
Nagpaalam na si Sarah sa mga nandoon sa set at sinabing magkita kita na lang ulit sila sa next taping.
BINABASA MO ANG
A Journey To Love (AshRald FanFic)
Fanficthis is my version ang sasa and gege's journey to love. it's my first time to write this. i am just inspired by all the ashrald fanfics that i read. i hope this will also make you kilig. all for ashrald.. for the love <3