"Nasaan ako...bakit ang puti ng paligid? Nasa langit na ba ako?"
"Miss, nasa ospital po kayo."
Vivian's POV:
Yan ang sabi sa akin ng nurse na nagbabantay saken dito sa UST Hospital.
Kinabahan talaga ako doon, mga bes. Akala ko talaga, nasa langit na ako.
Ang totoo nyan. Ayaw ko pa mamatay, kasi may pangarap pa ako sa buhay at gusto ko pang makatulong sa pamilya ko. At syempre, makikilala ko pa ang Mr. Right ko. (Lande~!)
Tinanong ko yung nurse ng may pag-aalinlangan, "Nurse, eh sino po pala ang nagdala sa akin dito?"
Nag-iisip pa sya bago sya makasagot...."Hmmmm...ano kasi mam, lalake po ang nagdala sa inyo dito."
Oo nga pala, muntik ko nang makalimutan. Yung chinitong 'yon, iniwan ako sa eskinita hanggang sa nawalan ako ng malay. Pambihira talaga.
Kasi nga, hinahabol rin sya ng mga kasamahan nung walangyang nanaksak saken sa balikat, kaya napilitan nya akong iwan at lituhin sila.
Sana, sya nga yung naghatid saken dito sa ospital. Pero nung hinahanap ko sya, wala naman sya sa tabi ko. Umalis na yata at nahihiya. Eh bat naman sya mahihiya? Dapat nga magpasalamat pa ako sa kanya dahil niligtas nya buhay ko.
Tanong ko ulet sa nurse, "Anong oras na po sya nakaalis?""Mga 2 and a half hours ago po", sagot nya.
"Ha?!, anong oras na pala?", sabay tingin ko sa relo ko, "Shocks, alas-kwarto y medya na pala. Paano pala yung meet up namin ni Amber sa Trinoma!!"
"Wag kayong mag-alala mam, papunta na po sya rito."
Laking gulat ako sa nurse na yun kung paano nya nalaman yon.
Yun pala tumawag pala si Amber sa cellphone ko, maraming beses na. Pero yung nurse ang sumagot sa tawag nya, at pinapapunta na nya dito para samahan ako. Ang bait naman ng nurse na ito. Salamat po ha. ^_^
Mga 10 minutes ang nakalipas, dumating na si Amber na halos nagmamadaling tumakbo papasok sa kwarto ko..
"Friend!!", sigaw nya, "Kumusta ka? Grabe ka ha, pinag-alala mo ako." Halatang pagod sya nung nakapasok sya sa private room ko bago sya umupo sa tabi ko.
"Okay naman friend. Salamat sa mabait kong nurse at sya pa sumagot. Buti na lang talaga. Magthank you ka naman sa kanya frend."
"Thank you po nurse..."
"Nurse Hali na lang po mam",
"Okay Nurse Hali, thank you talaga sa pag-aalaga sa kaibigan ko."
"Wala po yun mam. Dun nga kayo sana magpasalamat sa lalaking nagdala sa kanya rito. Sayang nga mam, di nyo naabutan."
"Ganun po ba? Ano po ba itsura nung lalake?", tanong pa ni Amber.
"Matangkad..."
So ang nasa isip ko nun ay yung chinito nga yung nagligtas sa akin kanina...
"Nakasalamin sya na color black, fedora hat na black, nakatakip sya eh, parang pangiwas sa mga usok ganyan, kulay black rin, tapos nakatuxedo black sya."
So sabi ko, "WHAT? Hindi ba yung mukhang chinito at medyo kulot yung nagdala sa akin rito? Tapos nakashirt at maong?"
"Hindi po mam. Ang totoo nga nyan, nagbigay pa nga sya ng dugo nya para sa inyo, kasi nung dinala nya kayo rito halos daming dugo ang nawala sa inyo at sabi ng doktor kelangan ng blood transfusion. Blood AB ang dugo nyo, sakto sinabi nya rin na Blood AB sya kaya ayon."
"Grabe friend. Ang bait pala nung nagdala sayo rito. Gusto ko sya makilala at magpasalamat sa kanya.", pero after nung sinabi nya tumingin sya saken...nakatulala..nagiisip..parang istatwa na talagang hindi na makagalaw.
"Huy friend!"
"H-ha? Oo nga, gusto ko nga sya makilala. Pero akala ko, yung chinito na yun ang nagdala sa akin rito."
"Oo nga friend. Sino naman yung sinasabi mong chinito at mejo kulot? Saan mo naman yun nakilala."At doon ko kinuwento kay Amber ang buong pangyayari magmula doon sa hinabol ko ang magnanakaw na nagnakaw sa cellphone ng babae.
Pero eto lang talaga ang tumatakbo sa isip ko...bakit hindi yung chinitong mejo kulot ang nagdala sa akin dito sa ospital?
Sino kaya itong nakatuxedong nagdala sa akin sa ospital at niligtas ako sa bingit ng kamatayan? Magpakilala ka naman para pasalamatan rin kita....
*******************************************************************************************************************************
BINABASA MO ANG
The Pawn's Mask (On-Going)
AdventurePaghihiganti ba ang sagot para manumbalik ang dating samahan?