Sorry Bro!

23 0 0
                                    

Liam's Pov* for the first time XD !

Nandito kami ngayon sa Bahay nila Rinah at nasa Dining table kumakain...

Kinabahan talaga ako kanina nung umamin ako kay Rinah,akala ko wala akong pag asa sa kanya eh...

Pero kailangan kong mag sorry kay Joshua,naging Jerk ako sa kanya...akala ko kasi inaagawan niya ako eh.

"Insan!" sabi ko at napatingin siya sa akin...

Katabi ko lang siya kaya bumulong ako... "Sorry sa lahat ha.. akala ko kasi inaagawan mo ako kay Rinah eh kaya nagalit ako..." sabi ko...

He smiled "Ok lang. ..tyaka iba nga gusto ko eh...anyways,ano bati na tayo?" sabi niya sa akin...

"Sure bro! " sabi ko at ngumiti sa kanya.... napatingin naman ako kay Rinah,hahaha ang cute niya tignan lamon lang ng lamon haha...

"Rinah baka gusto mong hinay hinay lang,hindi ka mauubusan" sabi ni Riana sa kanya,kaya yumuko siya,she's blushing again haha...

"Ate naman eh..." She said,nahihiya talaga siya,that's why i like this girl,marunong siyang mahiya,hindi katulad nung iba,kapal na nga ng mukha,mayayabang pa...!!!

"Ano ba pwede nating gawin? hmmmm..." sabi ni Riana kasi patapos na kaming kumain...

"Ahh alam ko na!!! Lets watch a movie!!! hihihi" Ang cute talaga ni Rinah at sweet,isa rin sa nagustuhan ko sa kanya,ang sweet niya...

"Ok sige,tara na sa Movie Theater,"Sabi ni Riana...

Mayaman nga sila kaya may sarili silang Movie Theater,well kami rin naman meron,kaso mas malaki sa kanila eh!

"Ano bang panonoorin natin?" tanong ni Josh habang tumitingin ng Dvd's...

"Gusto niyo ng Horror?" tanong ni Josh...

"Ayoko wag iyon! eehh!" Sabi ni Rinah,haha ang cute..!!

"Oh ayaw daw niya!" sabi ni Riana,sinusunod talaga ni Riana lahat ng gusto ng kapatid niya,kahit gangster siya . ...

"Eh comedy?"

iling

"Eh romance?"

iling

"Eh scifi?"

iling

"Eh por*?"

ili-

O.O'

"Bwiset ka!! anung po** ha!! bastos!" sabi ni Riana... at binatukan si Joshua...

"So-sorry,eh yun lang alam kong mga theme ng movie eh" sabi ni Joshua...

"Meaning nanunuod ka ng..." Gulat na sabi ni Riana...

"Hey what's po**?" Sh*T! hindi alam ni Rinah yun? She's So Innocent talaga.. kaya isa pa sa Gusto ko sa kanya...

[Ms.Lafs:Ano ba yan? Lahat nalang gusto mo sa kanya? paisa-isa pa!]

Sorry Author! Pero author bakit Ms.Lafs nakalagay dyan?

[Ms.Lafs:None of your business bro!]

Grabe Author! Sorry ha,nagtanong lang po ...

Anyways,Nagulat kami sa tanong ni Rinah kaya nabatukan ulit ni Riana si Josh,wawa naman insan ko haha!

"Wala iyon Rinah,basta bad yon!" Sabi ni Riana kaya tumango nalang si Rinah...

Halata niyo na talaga na alagang alaga si Rinah dahil pati ang mga iyon hindi niya alam.

Thats why i l-

[Ms.Lafs:Punyeta Liam isa pang "gusto ko" itatakwil na kita sa storyang ito!!!]

Ahehe,joke lang po author...hihihihi

The Himenez TwinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon