"Hoy! Liann Marie! Bakit magang-maga e nakabusangot ang muka mo?" -Cristine
"Bwisit na. Tingnan mo naman kasi! Ang aga-aga e ang daming mag-syota na agad ang naglalampungan! Ang lalandi" Kasi naman Febuary ngayon, at since maarte ang school namen e may events pang nalalaman! -____-
"Gaga! Shempre LoveMonth ngayon e! Ang sabihin mo Bitter ka lang!" -Cristine. E kung tinatadyakan ko kaya to papuntang Mars? What'ya think?
"Ganon?! Ay sige wag nalang. Sayang babayaran ko pa mandin utang ko sayo kaso niloloko mo ko kaya---"
"Uy! Ano ka ba naman! Joke lang yun! Haha, eto naman di mabiro!"-Cristine. Pagdating talaga sa pera ang bilis neto..
"Good" ayun naupo na sya sa tabi ko
"Oy loka, bakit sila may mga jowaers na tas tayo wala parin?"
"Baka kasi di ko kailangan nyan? O baka naman dahil panget ka??"
"Hmp. Ang sama mo talaga Marie" nag-pout pa ang loka
"Psh. Tara na nga! Gagawa nalang ako thesis ko kesa manuod sa paglalandian ng mga yan. Kaya dumadami nanganganak sa November e" kinuha ko na yung bag ko at akmang lalakad na ng...
*BLAAAGGGG!*
"Miss sorry. Di ko sinasadya. Okay ka lang ba?" pano ba naman kasi natamaan ako ng bola! Take note! BASKETBALL pa! huhuhu:'(
"Tanga ka ren no? Alam mo namang natamaan ako ng bola e itatanong mo pa kung okay lang ako! Palunok ko sayo yang bola mo e" at nag-walk out ako. Iniwan kong tulala si koya! Litsi, sakit e!
Habang nag-lalakad ako hinatak naman ako nitong si Cristine!
"Hoy bat naman ang hard mo dun?"
"E kung di ba naman sya oolags-olags edi sana di sya nasabihan ng tangga!"
"Aa. Ang manhater mo talaga bes! Iniwan mong dumpounded si kuyang pogi"
"Oh edi damayan mo. Punta ka dun bilis"
"Uyy. Joke lang naman bes alam mo namang i love you so much! Pero grabe ha! Ang singit mo don"
"Kasalanan nya yun"
Yan si Cristine De Madrid bestfriend ko. Sya lang kaibigan ko kasi ayaw kong maging close sa iba, alam ko naman kasing iiwan lang nila pag nagsawa na sila. Ganun naman lahat sila. Ayaw ko magaya sa tatay ko ..
Iniwan si Papa ng magaling kong ina. I saw how my father cried for that. And after that happened I promised myself na ako ang mag-iiwan hindi ako ang maiiwanan. Na bago pa nila ako iwanan uunahan ko na sila
"Oh hulaan ko? si Tito iniisip mo no?" tipid lang akong ngumiti sakanya
"Aishh. kala ko pa mandin ililibre moko. Sige na, puntahan mo na si Tito. Tapos nanaman klase e. Basta may utang ka sakin ha?"
"Thank you Tintin! Gege. libre kita mga minsan! Babay!" at ayun pumunta an ko sa sakayan papunta sa bahay namin. Di ko ba nasabi sainyo? Humiwalay ako ng bahay kay Papa, medyo malayo din kasi bahay namin sa School ko. Ayaw ko din kasing makita si Papa na malungkot. 4th year nanaman ako kaya konting tiis nalang.
Kasalukuyan akong nasa harap ng bahay namin, kahit luma maganda parin. Marami itong naging magaganda at masasakit na ala-ala.
"Oy Papa! Emote ka nanaman dyan ha" sabi ko sabay lapag ng bag ko, kasi namannakatitig nanaman sa wedding picture ni Mader. Sobrang saya nila dun yung di mo aakalaing ganito yung magiging ending nila, na maiiwan sa ere si Papa. Sa twing pupunta ko dito lagi ko syang naabutang nakatingin sa picture na yan
"Eto na nga lang anak. Ipagkakait mo pa." -papa sabay lapag nung picture frame
"Pa.. diba sabi ko naman sainyo..--"
di na nya ko pinatapos
"Oo na anak, na wag kong itali ang sarili ko sa nakaraan, na hayaan na yung mga taong nang-iwan. At mag Move-on nalang" see? saulo na nya.
"Ang galing talaga ng Papa ko! at dahil dyan may pasalubong ako sayo. tantananan! Pinagong! our favorite!"
"Buti nalang mabait at matalino ang anak ko at di parin nalilimutan ang bonding namin" -papa sabay akbay sakin
"Ako pa ba pa? hahaha i love you pa"
"I love you anak"
At ayun nag-meryenda na kami. Kwentuhan, tawanan, kamustahan everything churva! XD
"Nak..."
"Oh? Pa?"
"Date tayo anak.."
"Osige! Basta pa, libre mo ha?"
"Oh sige sa may bay tayo"
*Sa Bay*
"Nak. Tara upo tayo dun. Malapit na ang sunset" at ayun umupo kami sa may boundary ng dagat at inabangan ng tahimik ang sunset. Habang nanunyod ako, di ko maiwasang ngumiti sobrang ganda kasi ng sunset (AN: Ms. Bitch! na-inspire kasi ako sa The Perfect Sunset mo e! ILY! :***)
"Alam mo ba anak? Dito ko unang nakita ang Mama mo. Nag-mamadali pa nga sya nun, natakbo pa nga sya. E eto namang tatay mo e na-starstruck agad sakanya. Napatulala ako anak! *giggles* e kasi naman ang ganda nya anak e. Kaya ayun nabunggo ko sya. Tinarayan pa nga ako e! At dun nag-simula ang love story namin ng Nanay mo" nakangiting sabi nya iimik na sana ko pero pinagpatuloy nya yung kwento nya ..
"Nagkita ulet kami. At that time di na ko nagpa-torpe torpe pa. May nakita akong nag-bebenta ng rose. Alam mo ba kung ano ginawa ko anak? Bibili ko lahat yun! *giggles* pero tinarayan parin nya ko. Pero dahil sa sobrang gwapo ng tatay mo ayun! bumigay din! *giggles*"
"Luh? ganon kabilis Pa? PBB teens?"
"Hindi syempre anak. Niligawan ko pa ang nanay mo nun! Isang taon din yun!" bigla syang nag-sigh at tumingin sakin
"Anak... ang love story namin ng Nanay mo, ang Greatest Love story of all"
"Tss. Pano po nangyare yun e iniwan nya nga tayo?"
"Di lang naman yun ang basehan anak. Ang isang love story ay hindi nakbase sa ending nito. Ang mahalaga ay yung pagmamahalang pinagsaluhan nyo"
and by that di na ko umimik. Niyakap ko nalang sya..
~
AN:
Lame right?! XD Sorryy po! :))))) But please keep on supporting kung mero nga! XD hahaha VOTE COMMENT SHARE! don't forget to be a Fan! :))))) God bless! <3
-Tunying:))))