CHAPTER TEN

86 7 1
                                    

Short update :))

[Krisha’s POV]

Natapos na kami magrehearse noong napansin namin na umuwi na si Riggy. Takang-taka kaming lahat kung bakit umuwi na si Riggy. Nagdesisyon narin akong umuwi na at sinabi ni Nathaniel na ihahatid niya ako.

Naglakad nalang kami dahil malapit lapit lang ang bahay ko sa bahay nila James. Habang naglalakad ay nag-uusap kami ni Nathaniel.

“Bakit kaya umuwi si Riggy?”

“Baka nabagot?” sagot ni Nathaniel.

“Kung bored yun matutulog lang iyon pero hindi siya uuwi.”

“Bakit ba nag-aalala ka masyado?” tanong ni Nathaniel.

Hindi ako nakasagot. Nakarating na rin kami sa bahay ko at nagpaalam na ako kay Nathaniel. Pumasok na ako sa bahay namin. Diretso ako sa kwarto at dumungaw sa bintana. Sakto naman ay nakita ko sa kabila si Riggy na parang timang na nagsasasayaw at nagkakakanta sa kwarto niya na para siyang rockstar. Hindi ko naririnig ang kinakanta niya dahil nakasarado ang bintana pero natatawa ako dahil sa sayaw niya. Hindi niya napapansin na may nanonood sa kanya.

Mga limang minute bago niya narealize na nakabukas ang kurtina niya at napalingon siya sa akin at sa gulat at hiya ay nagtago siya bigla. I was smiling the whole time.

Maya maya ay binuksan niya ang bintana niya.

“Ano yung kinakanta mo Riggy?” tanong ko sa kanya.

“Kidnap my heart,” sabi niya. “Tapos na rehearsal niyo?”

“Oo, bakit umuwi ka?” tanong ko sa kanya.

“Wala lang trip ko lang. Wala naman din kasi akong gagawin dun.”

“Eh diba sabay tayo dapat uuwi?” tanong ko sa kanya.

“Nandoon naman si Nathaniel para ihatid ka. Hindi na ako kailangan doon.”

Maya maya natahimik kami parehas. Ramdam ko na malungkot siya at may tinatago pero hindi ko na alam kung ano ang gagawin para mabago ko ang mood niya. Hindi ko na rin alam lately kung bakit nag-iiba na ang ugali ni Riggy. Mainipin, mainitin ang ulo at hindi na masiyahin, lagi na siyang tahimik.

“Kumanta ka nga Riggy,” sabi ko.

“May bayad,” sabi niya.

“Ano bayad?”

Napatingala siya sa langit, “since maaga pa ilibre mo ako ng McFlurry.”

“Deal,” sabi niya.

“Hanggang chorus lang ah,” sabi niya.

Hey girl, what's your name?

I think I caught you looking my way

Do you wanna know how to get me all to your own

Nakatitig lang ako sa kanya habang kumakanta. The moon reflected to his eyeglasses kaya hinndi ko masyadong nakikita ang eye expression niya. One thing I know is he really loved singing.

Weekends work the best

I'll pick the place you do the rest

Hey now don't be shy but you got to keep me in line

Ang galling niya talaga, napapangiti nalang ako habang pinapakinggan ko siya kumanta.

Love at first sight never thought it could happen to me

But you made me believe

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 29, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The SwitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon