CHAPTER TWO

72 7 0
                                    

“Krisha, sino ang may gawa sa’yo nito?! Ano nangyari?!” grabe ang pagpa-panic na si Riggy. “Kaya mo bang kumilos? Pumasan ka sa akin,” dahan dahan akong pumas an sa kanya at inilabas niya ako sa RED. This moment made me wonder kung ano ba ang itsura ko ngayon.

Nang nakalabas kami ng Red ay pumara siya nng taxi at sumakay kami doon. “Iuuwi na kita sa inyo,” sabi sa akin ni Riggy, “papatayin ko ang may gawa sa iyo nito!” “Naku Riggy wag ka magsalita ng ganyan,” sabi niya. Then I suddenly hear him crying, “this is all my fault.” Hindi ko maanninag ang mukha niya pero pilit ko siyang tinititigan. “Kahit di mo sabihin Krisha alam kong dahil sa akin kung bakit nagkaganyan ka,” sabi niya ,”hindi man lang kita naprotektahan. I don’t deserve to be your friend. Bad news lang ako sa iyo.” “Wag mong sabihin yan Riggy,” sabi ko. Niyakap niya ako, “I’m sorry Krisha,” sabi niya.

For the record this was the third time na may ganito sa akin. Pero naaalala ko mas malala yung second dahil pinahiya ako ng mga babae na kaklase naming noong high school sa prom.

“Wag mong sisihin ang sarili mo Riggy,” sabi niya ,”ikaw nalang nnga ang natitira kong kaibigan tapos lalayo ka pa sa akin. Paano na ako wala na akong kasabay umuwi galling school.” Natawa siya sa sinabi ko pero umiiyak pa rin siya. “Baliw ka Krisha,” sabi niya. Ngumiti ako, “okay na ako Riggy salamat.” Hinalikan niya ako sa forehead, “pangako ko sa’yo hindi kita iiwan Krisha. Basta wag mo rin akong iiwanan ah! Lalo na sa physics!” Natawa siya and I am blushing I feel it. “Talaga lang ah! Eh paano kunng nag-asawa ka na?” tanong ko. He chuckles, “basta sinisigurado ko sa’yo na hindi magkakahiwalay ang landas natin Krisha.”

“Okay,” ngumiti ako, “teka lang hindi mo ako pwede iuwi sa bahay na ganito ang itsura ko. Baka mapagalitan ka pati ako.” “Ah ganun eh paano tayo niyan? Saan tayo pupunta?”

Bago kami mag-isip ng pupuntahan ay naalala ko na may dala pala akong contact lenses na nasa bulsa ko, just incase na may mangyari sa salamin ko. Sinuot ko iyon at tinignan ko ang sarili ko sa salamin. “Naku!” ayun nalang ang nasabi ko. Puro kalmot ako sa mukha, saka sa leeg namuula na paranng mahahabang pantal. Tapos yung buhok ko akala mo na-Yolanda. Buti nalang at walang malalang pasa or something na pansinin.

“Sorry,” sabi niya uli. Nakita ko na ng maigi si Riggy. Namumula at ang mata niya pero pogi pa rin. “Okay nga lang pahiram nalang ako ng suklay.” Si Riggy kasi ay laging may tinatagonng suklay sa bulsa iyan eh. Iniabot niya sa akin yung suklay at inayos ko ang gulo gulo at mas pinagulo ko pang buhok. Tahimik lang kami sa kotse.

“Saan tayo pupunta nito?” tanong sa akin ni Riggy. “Sige iuwi mo nalang siguro ako sa amin, hindi naman siguro to mapapansin nila mama iiwas nalang ako.” “Sigurado ka?” tanong niya. “Oo,” sabi ko.

Umuwi nalang kami ni Riggy. Pagbaba naming ng taxi ay humingi uli siya sa akin ng sorry kahit hindi naman talaga kailangan. “Sorry talaga,” sabi niya. Niyakap niya ako “I’m really sorry Krisha, hindi dapat talaga nangyari sa iyo yan.” “Okay lang talaga,” bumitiw na siya sa akin. “Sige papasok na ako sa loob ah,” sabi ko sa kanya, “happy birthday uli.” Pumasok na ako sa gate.

Pagpasok ko sa bahay ay walang katao-tao sa sala. Mga tulog na siguro ang family ko. Buti nalang. Umakyat na ako sa kwarto ko at nagkulong. Paghiga ko sa kama ay nanahimik lang ako at nag-isip isip.

Kung alam lang ni Riggy na mahal na mahal ko siya. Kaso natatakot lang talaga ako sa mga pwedeng mangyari pag nagtapat ako sa kanya. Ano ba ang dapat kong gawin para hindi na maging ganito ang sitwasyon namin. Hindi lang siguro talaga kami para sa isa’t isa.

Ang taas niya at ako naman wala sa bilang.

Ay teka bakit ba iniisip ko to. Never naman akong magugustuhan ni Riggy kahit bali baligtarin pa ang mundo.

The SwitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon