CHAPTER SIX

48 6 0
                                    

Ewan ko ba at ano ang pumasok sa utak ko ngayon at natatakot akong makipag-usap kay Riggy. Binabato niya ng pebbles ang bintana ko, gawain nniya iyonn simula pa noong una kaming magkakilala.

Sabay kaming naglakad ni Riggy, papalabas nng school. Riggy Dominic Tuazon pala ang buo niyang pangalan. Nagiisa siyang anak at inamin niya sa akin na medyo spoiled siya.He’s stubborn and sees to it that he gets what he wants, ayun ang sabi niya sa akin.

Napansin ko na habang naglalakad kami papalabas ng school ay ang daming tao na nakatingin sa akin. Namumukhaan ko yung iba sa kanila lalo na iyong mga sikat sa school namin. Marami sa mga babae ay nakairap sa amin. Iniwas ko nalang ang tingin ko sa kanila.

“Pasensya na ah, napahamak ka pa tuloy sa mga babae na obsessed ata sa akin,” sabi niya.

“Okay lang,” sagot ko sa kanya.

Nakayuko lang ako habang naglalakad dahil sa kasama ko ngayon si Riggy. Sikat siya sa school dahil sa banda nila ng mga tropa niya na mga gwapo rin. Hindi naman ako fan or something pero lagi kasi silanng usap-usapan ng mga kaklase ko na hinndi ko maiiwasang hindi marinig dahil sa lakas ng mga bunganga nila.

“Hayaan mo simula ngayo ay lagi na kitang babantayan para walang mang-aaway sa iyo,” sabi niya.

“Naku wag na, hindi naman kailangan,” sabi ko sa kanya. Baka mas lumala pa ang sitwasyon pagnaglalapit siya sa akin. Baka hindi lang sabunot ang abutin ko sa mga taga-hanga niya.

“But I want to, at gagawin ko ang gusto ko,” sabi niya habang nakangiti na abot tenga at tinaas taas pa ang kilay. Ang cute niya, no wonder maraming nagkakagusto sa kanya.

Papalabas na kami ng school gate ng madaanan namin ni Riggy ang bulletin board at napatingin siya sa poster na nakapaskil doon. “Junior and Senior Prom on February 14,” binasa niya ang nakasulat sa poster.

“Ayos may prom na, sigurado at makakakanta kami diyan,” sabi niya, “sasama ka ba sa prom?” tanonng niya sa akin.

“Hindi,” mabilis konng sagot. Hindi naman nababagay sa prom ang itsura ko. Nerd naka-gown? Ang sagwa lang isipin.

“Bakit hindi?” tanong niya sa akin na parang takang-taka siya. It was unlikely for a girl kasi na humindi sa prom, since lahat ng babae excited doon.

“Ayaw ko lang,” sabi ko sa kanya.

Nagpatuloy na kami sa paglalakad at nakalabas na kami ng school.

“Woo, siguro wala ka lang ka-date kaya ayaw mo,” sabi niya sa akin na parang nag-aasar, pero nakangiti pa rin.

“Wala akong plano maghanap ng ka date, saka ayaw ko ng mga ganyang events,” sabi ko sa kanya.

“Eh paano kung yayain kita sa prom, ikaw ang ka date ko, ayos lanng ba sa iyo?” napakunot ang nook o sa idea niya. Nang-iinsulto ba siya? Riggy Tuazon na kakikilala ko palang gusto akong ka-date. Sabin a nga ba at pinagti-tripan lang ako nito.

Medyo sumama tuloy loob ko sa kanya.

“Kakikilala palang natin gumaganyan ka na,” napasimangot ako, “kung may balak kang paglaruan ako eh itigil mo na please.”

He looked puzzled sa sinabi ko, “pinaglalaruan?”

“Oo,” sabi ko, “pinagpustahan niyo siguro ako ng mga kaibigan mo no?”

“Wait, what are you talking about?” sabi niya. This time I saw sa reaction niya na he wasn’t thinking of anything bad.

“Sorry, nagulat lang ako na inaaya mo ako sa prom,” sabi ko sa kanya.

The SwitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon