Chapter 8

384 9 0
                                    

Julia's POV:

Tumakbo nalang ako papuntang park at doon umiyak ng umiyak.

"Wag mo akong kausapin" sabi ko 

Sinundan ako dito ni Enrique. Ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito. 

"Ano bang problema mo, babe?" tanong ni Enrique 

Babe niya your face. 

"BREAK NA TAYO" sabi ko 

Nagulat naman siya at bigla akong niyakap. 

"Wag mo na akong lokohin. Sa totoo lang, Ako naman si tanga, Naniwala sa mga panloloko mo" sabi ko 

Bahala siya sa buhay niya. Nasaktan ko siya? Well, HAHAHA. Mas nasaktan ako sa mga panlolokong nagawa niya. Manigas siya diyan. 

"Babe, please" makaawa ni Enrique

Kahit anong paawa ni Enrique. Bahala siya diyan. Kahit na mahal ko siya, Ayoko maging tanga. 

"Babe mo your face. Saka wag mo na ako tawaging ganyan! Nakakadiri" sabi ko 

"Nandidiri din ako sa sarili ko dahil pinatulan kita." pahabol ko 

Nakita ko siyang umalis na. Buti naman. 

Umiyak nalang ako ng umiyak. Hindi maubos ubos tong luha ko. Ano ba ito. 

"Okay ka lang?" tanong nung babae

Hindi ko siya nilingon. 

"Napapansin kong malungkot ka, Kaya nilapitan nalang kita. Eto panyo oh" sabi nung babae

Paglingon ko.. "ARIA?!" sigaw ko 

"JULIA?!" sigaw din niya 

Niyakap ko naman siya agad. 

"Omg. Julia, Namiss kita! Kayo ni Kathy! It's been 5 years!" sabi ni Aria 

Umalis kasi siya nung Grade 5 kami. Actually, Malapit na magend ang school year. 

"Namiss kita, Aria! Wala ka pa ring pinagbago! Cute pa rin ng boses mo" sabi ko 

Niyakap pa niya ako ng mahigpit. 

"Pero Julia, Nakita kitang umiiyak. Anong nangyari? May nanakit ba sayo?" tanong ni Aria 

I faked a smile. "Wala to, Aria" sabi ko nalang

"C'mon, Julia! Dati, Ikaw ang andiyan, Kayo ni Kathy nung may problema ako. Sainyo ako umiyak ng umiyak. Napagaan mo ang pakiramdam ko. Ngayon, Ako naman ang magpapagaan sa loob mo" sabi ni Aria 

Nginitian ko lang siya. "Aria, Ang sakit kasi eh" sabi ko 

Nirest ko yung ulo ko sa balikat niya. Naalala ko naman si Diego, Yung bestfriend ko. Ganyan ako sakanya eh. Siya yung taong lagi kong nasasandalan kapag umiiyak ako. 

"Ano bang nangyari?" tanong ni Aria 

"Niloko ako. Pinaglaruan ako! Ang sakit, Aria. Nakakainis. Hindi ko alam kung bakit sa kabila ng mga sakit na ibinigay niya saakin, Mahal ko pa rin siya" sabi ko 

"I guess, I had a relationSHIT" pahabol ko

Doon naman ako umiyak ng umiyak. Namiss ko si Diego. 

An Ordinary Girl (Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon