Chapter 35

314 7 0
                                    

Gerald's POV:

Kasalanan ko naman. Kung hindi sana ganun yung reaction ko nung sinabi niya na merong nangyari saamin. Nung tinanong ko kung meron ba, parang ewan ako tapos napasapo ako sa noo ko nung sinabi niyang meron.

Pabalik kami sa Pilipinas ngayon, Subic daw yung outing eh. Bale sa Pilipinas na kami mags-stay. Yung anak namin ni Kathy na si Joaquin, dun muna daw sa NZ. Kasama yung Lola niya, si Tita Michelle.

"Baby, galit ka pa ba saakin?" tanong ko

"Sa tingin mo?" tanong niya sabay lagay ng earphones sa tenga niya. Ang childish pa rin niya magalit! Ang cute lang. Saka ang ganda pa rin ng katawan niya hindi halatang may anak.

"LQ kayo?" tanong ni Diego.

Tumango nalang ako at tiningnan siya. Hindi ko alam kung paano kami magbabati. Hindi ko alam kung paano siya suyuin.

"Baka maghiwalay ulit kayo ah!" sabi ni Khalil

Kung hindi lang ito kapatid ni Kathy, nasapak ko na 'to! Kaya lang kailangan ko maging mabait. Hahaha. Baka hindi ko mapakasalan si Kathy eh.

"Ano bang pinagawayan niyo?" tanong saakin ni Mara

"Tinanong ko siya kung may nagbunga. Kung si Joaquin ba yun. Sinabi niya meron tapos nagwalkout siya" sabi ko

"Nasa tone na yan ng boses mo sa pagtatanong mo. Kung sa tone nga, natural na ganyan ang reaction niya" sabi ni Mara

Oo nga, nasa tone lang ng boses ko kaya ganun. Kailangan ko magsorry kay Kathy. Baka maghiwalay nanaman kami at ayaw ko na mangyari yun.

"Kathy, Sorry na please." sabi ko at hinug ko ang bewang niya.

No comment siya. Siguro baka nabasa niya yung isip ko na sinabi ko sa isip ko na bata pa ako para maging tatay kaya ganun reaction niya? Baka sa tingin niya hindi ko tanggap si Joaquin? Siguro nga.

"Tanggap ko si Joaquin bilang anak ko" sabi ko

"Talaga?" tanong ni Kathy

Pinapakinggan pala niya yung sinasabi ko eh! Hahaha.

"Oo naman! Siya yung patunay na mahal talaga natin ang isa't isa. Walang iwanan ah?" sabi ko

Nginitian lang niya ako. Napakaganda talaga niya kapag nakangiti. Swerte talaga ako sa babaeng ito. Sobrang swerte. Hindi ko na alam ang gagawin kapag nawala itong babaeng 'to sa buhay ko.

May kinuha ako sa bulsa ko.

"Mikaela Katherine Dimalanta, Alam kong hindi romantic 'to. Will you marry me?" tanong ko sakanya

Kathy's POV:

Omg! Tinanong na niya saakin! Anong isasagot ko? Yes or No? Pili kayo para saakin!

Aish! Katherine! Ang tanga mo naman. Diba mahal mo yung tao? Bakit mo pa kailangan pumili?

"Yes, Gerald Joaquin Dela Rosa. I wanna marry you" sabi ko

Hinalikan naman niya ako sa lips at yung kamay ko nasa batok na niya.

"Sorry talaga, hindi romantic itong proposal ko" sabi ni Gerald

Ang cute niya! Nakapout pa siya! Hahaha. Big deal sakanya na hindi romantic ang proposal niya saakin?

"Hindi naman mahalaga kung romantic yung proposal eh, ang mahalaga, mahal natin ang isa't isa" sabi ko

"I love you, Katherine Dimalanta soon to be Dela Rosa" sabi niya saakin

"I love you too, Gerald Dela Rosa" sabi ko

I Promise to love this man. Walang araw na hindi ko siya mamahalin at hindi ako magsasawang mahalin siya habang buhay.

An Ordinary Girl (Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon