Chapter 20

320 9 1
                                    

Janella's POV:

Nagkalat kami ngayon sa school. Sleepover sila Kathy, Julia at Sofia sa bahay mamaya, Tapos si Gerald, Jerome, Diego at Khalil mamaya. Magkahiwalay ang kwarto namin. One for the girls and one for the boys. Kilala ko yung mga boys pero ang alam nila ay si Gerald lang ang sasama.

"Good Luck, Miles" sabi ko

Nagkalat kami sa room then sa park naman kami nagbonding. Classmates. Bonding kami eh. Last Day of School. Except for Miles. Kanina pa nagstart ang Community Service niya. Sinasabi ko naman na mahirap ako kalabanin diba?

"Kathy, Andito na pala kayo! Kain na!" sigaw ko

Ang lakas pa ng music namin. Yung iba lang sa classmates. Sila Aria, Julia, Ako, Kathy, Francheska at Aaliyah lang ang nandito, Last Year din kami-kami lang ang nandito eh. Tapos sa lalaki naman ay sila Julian, Jon, Gerald, Enrique at lima pang varsity saamin, Hindi ko kilala. XD

"Ang kalat niyo! Grabe!" sigaw ni Miles

Napadaan siguro siya dito sa park.

"So, Campus mo ba ito para pigilan kami na magkalat? Inggit ka lang siguro dahil hindi ka nakasama sa gathering?" sabi ko

Sinampal niya ako. Pangalawa na ito ah? Psh. Walangya.

"Sasampalin mo pa ako?" tanong ko

Hinawakan ko yung kamay niya ng mahigpit. Hindi naman siya makakapagsumbong. Unless dun sa Assistant Principal namin na hindi ako kilala bilang anak mayari. -___-

"Hindi na. Oo, Hindi na. Bitawan mo na kamay ko!" sabi ni Miles

Nasasaktan na siguro. Naiiyak na eh. Good for you.

"Janella? Bakit hindi ka naglilinis? Diba kasama ka sa Community Service? Hindi ka makakapagenroll for next year. Graduating ka pa naman next year. Nagkakalat pa kayo." sabi ng Assistant Prinicipal

Hindi ako bastos. Pero hindi niya ako kilala? Well, Hindi ko rin siya kikilalanin.

"Should I clean those stupid trashes? I don't care. I'm not doing that Community Service" sabi ko

"Hey. Sino pasimuno sa gathering niyo na yan?" tanong niya sa isang lalaki. Hinila niya.

"Si Janella po" sabi niya

Ngumiti ako ng nakakaloko. Bahala sila diyan.

"Ikaw pala? Ikaw maglilinis niyan. Miles, Hindi mo kailangan linisin yan" sabi ng Assistant Principal na yun.

HAHAHA. As if makakapagenroll siya.

"Diba ang usapan whole school? Diba kasama yung park sa WHOLE SCHOOL?" tanong ko

Tumalikod na sila Miles. HAHA. Pikon.

"Janella Maxine, Ang alam ko. HINDI PWEDE MAGPICNIC O KUNG ANO MAN SA PARK NG SCHOOL!" sigaw niya

"The hell I care." sabi ko

Tumalikod na ako. Bahala siya diyan. May rights ako sa school na ito kesa diyan.

"Kathy, I spread mo na kapag pinatigil tayo sa ginagawa natin. Tingnan lang natin siya at pagpatuloy ang ginagawa. Hindi sila masususpend. Ako bahala" sabi ko

Aria's POV:

"Guys! Nabasa niyo ba ang handbook na bawal sa park? I guess not. Kasi nga ginagawa niyo eh. Suspended kayo next year" sabi ng isang babae

Assistant Principal namin ata. Tiningnan lang namin siya tapos patuloy ang ginagawa namin.

"Ugh Janella! Call your parents to see me now!" sabi ng babae

Nagtawanan kaming lahat. Pikon na siya eh.

"Janella, Sorry! Baka mapahamak ka pa dahil saamin!" sabi ni Julian

Tinawanan lang siya ni Janella. Tingnan mo kung gaano kabaliw si Janella. Nagagawa talaga niya lahat ng gusto niya sa campus.

"Hindi yan. Hindi ko rin kayo mapapahamak." sabi ni Janella

Tumigil ang lahat ng tao sa park at lumapit kay Janella.

"Paano? Baka masuspend kami!" sabi ni Jon

"Hindi yan!" sabi ni Janella

May power siguro siya sa school na ito.

"Wag kayong praning! Si Janella ang anak mayari ng school na ito!" sabi ni Julia

Kaya pala ganun nalang siya makasagot sa Assistant Principal? Kaya ba siya hindi nag-Community Service?

"Nice! Woooh!" sigaw ni Julian

HAHAHA. Nagpatuloy na kami sa gathering namin.

"Guys. I need your numbers." sabi ni Janella

Binigay namin yung numbers namin at isinulat sa papel na pinasa-pasa niya at umuwi na rin kami.

Sofia's POV:

"Grabe Janella! Epic yung Assistant Principal! Pikon na pikon siya!" sabi ni Julia

Nagsitawanan kami. Nasa kotse kami ni Janella. Papunta sa bahay niya para magsleepover.

"Masyado kasi siyang kampi kay Miles. Wala ako sa sarili! Ugh. Hindi naman ako ganun eh" sabi ni Janella.

"Oo nga. Highblood ka lang, Janella. Okay lang yan!" sabi ni Kathy

"Si Miles kasi eh! Sinampal ako!" sabi ni Janella

What?! Talaga yang si Miles na yan. Nakakaasar.

"Pabayaan mo siya, Janella. Pero grabe na si Miles. Hindi ka nga sinasampal ng magulang mo eh. Ang lakas ng loob niya!" sabi ni Julia

Oo nga. Yan talagang Miles na yan. Nakakapikon din eh!

Maya-maya andito na kami sa bahay niya.

"Yaya, Merienda please. For 5 people" sabi ni Janella

Pumunta naman kami sa Park ng bahay nila. Ang ganda ng bahay nila. Grabe!

"Guys.. Parang may naisip ako?" tanong ko

Maya-maya dumating na yung mga chips at liters ng softdrinks. Dinala ng yaya ni Janella.

"Vacation?" habol ko

An Ordinary Girl (Kathniel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon