CHAPTER 2

44 0 0
                                    

MELISSA'S POV

Mabilis na natapos ang klase namin at ngayon ay pauwi na kami ng bessy ko.

"Bes. San tayo? Maaga pa naman oh." Tanong ko sakanya.

Siya pala si Anna Reyes. Mabait, tahimik, palaging nanenermon sakin.

"Starbucks muna tayo. Tagal ko ng di nakaka-inom ng kape eh." Sagot naman niya.

"Oopppss. Libre mo teh. Wala akong pera ngayon bala ka jan. Kemahal dun eh." Reklamo ko naman sakanya.

Bigla naman siyang umirap sakin haha. Ganyan naman talaga yan eh. Di ako matitiis.

"Psh oo na. First day na first day walang pera imposible. Muka mo. Alam kong may pera ka jan. Ayaw mo lang ilabas kasi kuripot ka."

"Haha I lab you bessy. " sabi sabay hug sakanya.

Habang naglalakad kami ay nagk-kwentuhan kami tungkol sa summer days namin pero ng malapit na kami sa gate ay biglang nahagip ng mata ko si Kurt.

"Wahh si crush, ang gwapo talaga niya noh? Kailan kaya niya ako mapapansin?" Sabi ko pero nakatingin parin kay Kurt

"Bala ka nga jan." Sabi niya at nauna na siyang maglakad.

Hinabol ko naman siya at sakto namang nakapara siya ng taxi.

Nakaw to talaga isang to ang yaman at sosyal. Di nalang magjeep.

"Yaman ah." Sabi ko ng makarating ako sa pwesto niya.

"Sumakay ka nalang kung ayaw mo malibre."

"Ito na nga oh. Sasakay na. Libre mo naman pamasahi eh."

Umirap lang siya sakin. Haha ganyan talaga yan. Di ako matiis. Mayaman naman yan. Di ko siya kagaya eh ako eh nag-iipon pa para makabili ng gusto ko.

Ng makarating naman kami sa Starbucks ay umorder naman siya at ako naman ay humanap ng mauupuan.

Pinili ko talaga yung bandang window kasi maganda yung view dun. Yung view kasi puro sasakyang pabalik balik. Such an interesting view.

Alam naman  na ni Anna yung flavor ng coffee ko kaya ako nalang humanap ng mauupuan.

Bumalik naman na siya na may dalang dalawang coffee.

Umupo naman siya sa tapat na upuan.

"Musta na pala yung kapatid mo?" Tanong ko sakanya.

"Okay naman siya. Buhay pa naman. Haha" sabi niya.

Well yung kapatid niya kasi ay isang cute na nilalang kaya pag pumupunta ako sa bahay nila yung kapatid niyang si Aries yung palagi kong kinukulit. Si Aries ay isang lalaki ok? Haha.

Wala kasi akong kapatid eh,

"Haha gusto ko ulit makita yun."

"Punta ka nalang sa bahay pag gusto mo. Siguradong namiss ka nun hahaha"

"Pero bes. Kailan kaya ako mapapansin ni Kurt noh?" Pag-iiba ko ng topic.

"Haha asa ka namang mapapansin ka nun." Natatawang sabi niya.

"Bakit? Di ba ko maganda? Kamuka ko na ba si Vice kaya di niya ko mapansin?"

"Oo. Kamukang kamuka mo." Sabi niya sabay sip sa kape niya.

"Luhh. Grabe to. Itapon ko sayo tong kapeng to eh." Pabiro kong sabi sakanya,

"Sige itapon mo sakin tingnan natin kung makakalibre ka pa sakin."

"Haha to naman joke  lang eh.  I love you bestfriend. Pero seryoso? Kailan niya ko mapapansin?"

"Hay naku. Asa ka namang mapapansin ka nun."

"Anu ba yan. Same answer parin. Yung iba naman. Yung totoo nga? Mapapansin kaya ako nun?"

"Asa ka  nangalang. May girlfriend na yun. "

Parang bigla ako binagsakan ng langit at lupa at parang binato ng hollow blocks.

Ang sakit naman. Parang tinusok yung puso ko.

---------------------------

A Crush From A FarWhere stories live. Discover now