Chapter 4

74 1 1
                                    

Nasa clinic na sila at ginamot na ito ng nurse doon pero hindi parin makalakad si Carly, kaya binuhat nalang siya ulit ng lalaki papunta sa bahay nila.

"Saan ba bahay mo?" tanong niya.

"Doon."

Pumunta ang lalaki doon at nag doorbell. Bumungad sakanya ang kuya ni Carly.

"Anong nangyari sayo, Carly?" tanong ng kuya niya.

"Natapilok lang ako habang nagjojogging kuya at tinulungan niya ako." pagsisinungaling ni Carly dahil ayaw niya mag worried pa ang kuya niya.

"Salamat,huh. Ako na magdadala sa kanya sa loob. Salamat ulit huh" sabi ng kuya ni Carly sa lalaking iyon.

Kinuha na ng kuya niya si Carly dun sa lalaki at pinasok na sa bahay.

Naiwan sa labas mag-isa ang lalaki.

Hindi niya ba ako namumukaan......Nakalimutan niya na ako.... sinabi niya sa isipan niya at umalis na.

Sa loob ng bahay~

Parang nakita ko na siya dati..... sabi sa isipan ni Carly. Pero pinabayaan niya lang yoon.

"Bakit ka ba nadapa?? Hindi ka kasi nag-iingat eh" pag-alala ng kuya niyang si Kris.

"Sorry naman po kuya , alam mo namang may pagka-clumsy ako eh ehhe" sabi ni Carly.

"Buti nalang andun si Ethan at tinulungan ka." sabi niya habang minamasahi ng kaunti ang paa ng kapatid.

"Kilala mo siya  kuya?"

"Bakit? Hindi mo ba siya natatandaan?"

Nag shake lng siya ng ulo niya na hindi.

"Childhood bestfriend mo siya, crush mo pa nga yun eh dati"

"Hindi ko matandaan eh."

"Well, mamaya naman pupunta yung family niya dito para mag dinner since kakauwi lang nila galing America" sabi ng kuya niya.

"Sige, magpahinga ka muna diyan padadalahan nalng kita ng pagkain sa mga maids." lumabas ang kuya niya sa kwarto niya isinara ang pinto nito.

Hindi parin maalala ni Carly si Ethan kaya natulog nalang ito.

Sa bahay naman ni Lisa~

Si Lisa ay nasa kanyang kwarto nag reresearch ng mga Senior boys sa fb na pwede niyang gawan ng dare nilang magkakaibigan.

Syempre hindi lang basta basta ang pagpili niya, inaayon niya rin ito sa kanyang ideal type.

May na-caught ng attention niya. Isang transferee sa school nila ang name niya ay Mark Santibañez,ang boy na nakilala ni Beth.

Nagwapuhan si Lisa sakanya at ni-click ang profile nito, napag-alaman niya na galing pala siya sa China at may half din ito gaya niya.

Kaya kinuha niya lahat ng information tungkol sakanya at gumawa ng first plan niya.

A Dare that Changed our Simple livesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon