Chapter 5: Nice Stranger

1.7K 36 0
                                    


Aryan

Nasa isang tabi lang ako at tahimik lang. Nakakahina naman kasi mag-salita noh!

Parang gusto kong tanungin si Killian kung anong problema niya sakin sa sobrang sakit ng tingin niya sakin kanina.

Pero natigil ako nung biglang tumigil ang van na sinasakyan namin. Kumunot ang noo ko nung may pumasok na lalaki.

"Hey."- ani niya habang nakatingin kay Killian.

"You're late."- diing ani ni Killian sa lalaki pero ngumisi lang ng nakakaloko ang lalaki tsaka tumingin samin ni Kate.

Pero kumunot ulit ang noo ko nung makita ko ang mukha niya. Teka? Pamilyar tong lalaking toh hah!

"Ikaw/Ikaw!"- sabay naming ani ng lalaki at tumawa lang siya ng napakalakas.

"Yes, it's me. Ako yung lalaking nabunggo mo kanina Miss Clumsy Girl."- I rolled my eyes dahil dun. Clumsy? Ako pa talaga hah!

"Whatever."- sambit ko na lang sabay saksak ng earphone.

"Sungit naman nito."- rinig ko pang ani niya habang pinipikit ko ang mga mata ko.

"Don't mess her."- rinig kong saad ni Killian. Hays! Bala sila dyan! Basta ako matutulog dito.

~~~~~~~~

"Baby..."- nararamdaman ko ang hanging lumalabas sa bibig niya sa bandang leeg ko. Napakagat ako ng bibig with matching pikit pa.

"K-killian..."- sambit ko at hinarap siya. Gosshh! Pamatay na abs ang sumalubong sakin.

Hahalikan na niya sana ako sa mga labi ko nung biglang gumalaw ang kama.. Wait? Gumalaw???

"Hoy!!!!"- agad kong minulat ang mga mata ko nung maramdaman kong parang mababali na ang balikat ko sa sobrang pagkayogyog.

"Ano ba!"- ani ko at natigilan naman siya at napalayo sakin halatang nagulat siya.

"Grabe naman to! Aatakihin ako sayo eh!"- bulalas niya. Pero di ko siya pinakinggan at inayos ko na ang sarili at mga gamit ko.

Sa wakas nakarating na din ako sa resort kung saan kami mag-che-check in.

"Alam mo maganda ka sana pero..."- napatigil ako dahil dun pero di ko parin siya nililingon.

Patuloy parin ako sa pag-aayos ng gamit ko habang siya nakatingin lang sakin.

Pagkatapos kong ayusin ang mga gamit ko tska ako lumabas ng van at naramdaman kong sumunod din ang lalaking makulit.

Pero natigilan ako ng may maramdaman akong bagay sa bewang ko kaya napatingin ako dito.

Jacket?

"May tagos ka."- mahina niyang ani at parang sasabog ako sa sobrang hiya. Alam kong meron ako pero akala ko tapos na ito kahapon! Bwisit!!!

Ngumiti lang siya atska iniwan akong nakatulala at nahihiya. Sh!t!

Pero natauhan naman ako nung makita ko si Killian sa di kalayuan nakatingin sakin at di maipinta ang mukha. Pero kumunot ang noo ko nung makita ko siyang umalis at naglakad papunta sa direksyon ng lalaking makulit.

Anong meron????

~~~~~~~~~~~~~~

BACHELOR SERIES 2: Killian Ryker WalterWhere stories live. Discover now