Chapter 10: Need you

1.3K 26 1
                                    


Aryan

     Hanggang ngayon nandito pa rin sa utak ko ang mga nangyari kanina.

   "Okay ka lang ba talaga?"- napatingin ako kay Dale. Mga sampung beses na siguro siya nagtatanong kung okay lang ako.

   Ngumiti ako sa kanya. "Okay nga lang ako!"- nakangiting sagot ko sa kanya at di sadyang mapatingin ako kay Killian na nakatingin din pala sakin.

    Agad kong iniwas ako paningin ko at ngumiti at binaling nalang ang atensyon sa labas. At nun nabalutan ng katahimikan ang loob ng van.

    "Ar.. Ar.. gising."- dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko.

  "Sleepyhead."- nakangising ani ni Dale. Napangiwi naman ako at binatukan siya.

  "Aray!"- inda niya. "Hoy! Ang hina nun! Ang arte-arte!"- tawang ani ko dito. Sasagot pa sana si Dale pero may biglang sumingit.

"Hindi pa ba kayo bababa?"- natahimik kaming dalawa ni Dale at nagkatinginan.

  "Sorry po Sir."- mahinang saad ni Dale at isang malutong na 'tsk' lang ang nakuha dito.

   Bumaba na kaming Dale sa Van at sumunod na kay Killian. "Mukhang may dalaw ngayon si Sir ha."- pabirong bulong nito. Sinuko ko naman siya.

"Hindi lang ngayon. Parang araw araw meron siya."- pabirong saad ko dahilan para mabalutan kami ng halakhak.

   Nagkulitan lang kami ni Dale at di pinansin ang mga masasakit na tingin ni Killian sa amin.. sakin.

   Ano kaya problema nito?! Tsk. Tiningnan ko lang din siya ng masama pero napakurap ako nung bigla siyang ngumisi sakin. Shet!

    "Ar"- napalingon ako kay Dale. "Bakit?"- saad ko sa kanya. "Hmm naka-emergency kasi sa bahay. Kailangan ko munang umuwi. "- ramdam ko ang pag-alala sa boses niya.

    Tumango lang ako sa kanya. "Oh sige, mag-iingat ka ha."- ani ko at tumango lang siya at nagulat ako nung bigla niya akong halikan sa noo. "Mag-ingat ka din."- ngumiti siya sakin at tumakbo sa direksyon ni Killian na nakatingin parin sakin. Problema ng lalaking to! Sarap dukutin ng mga mata niya. Tsk

     Dahil ako na lang mag-isa sa pwesto ko napagdesisyunan kong pumunta muna sa tent na nakatayo sa di kalayuan. Nung pumasok ako, si Kate agad bumungad sakin. Gosh

    Naglakad lang ako na parang wala akong nakita. Dumiresto lang ako sa lamesa kung saan nandun ang mga bottled water. Kumuha ako ng isa tsaka binuksan at ininom ito.

   "Kate."- napatigil ako nung marinig ko ang boses ni Killian. Shet! Kailangan kong lumabas dito!

  "Can you assist Mr. Yap for me?"- napalunok ako at dahan-dahang binaba ang tubig na iniinom ko.

  Lumingon ako sa kanila. "Excuse me Sir, ako na lang po mag-aassist kay Mr. Yap."- may pag-galang kong saad.

    "No need."- malamig niyang sagot sakin. Okaaayyy. Tsk

    Tumango lang si Kate at magpaalam na kay Sir. Susunod na sana ako sa kanya upang umalis na din sa tent at para di makasama ng matagal si Killian sa iisang lugar.

   Pero may humawak sa braso ko upang pigilan akong lumabas. Nilingon ko siya at pilit na kinuha ang braso ko sa pagkakahawak niya.

  "May kailangan pa po ba kayo, Sir?"- galang kong tanong dito.

   "Yeah."- ikli niyang sagot. Bat ba ang tipid niyang sumagot? ( A/N: may pinag-iipunan kasi siyaXD</3). Sus author!

   "Ano po yun? Baka makatulong ako."- ani ko kahit gusto-gusto ko ng umalis.

  "You. I need you."

BACHELOR SERIES 2: Killian Ryker WalterWhere stories live. Discover now