Living with my girlfriend was never easy. At the age of 17, I had to accept the fact that I need to mature. Pinili ko yung ganitong sitwasyon kaya dapat panindigan ko.
We've been together for almost two years, and I must say that the relastionship that I have with her was a roller coaster ride. It was never easy from the very start, I had to work my ass off just to earn money for our daily living. Habang sya, relax lang. Nag-aaral kasi sya, while I'm working as a part time crew sa isang coffee shop.
Di ito yung pinangarap kong buhay. Di ito yung kinasanayan ko. Pero kailangan kong panindigan. Being in a same sex relationship is hard. Madami kang dapat patunayan.
Everyday I have to woke-up early just to prepare everything for her. Minsan aawayin pa ko pag di ko nasunod yung gusto nya. Pero mas madalas sinasaktan nya ko. I kept my mouth shut about those things that she did to me.
Not until I met her. She changed every little thing na pinaniniwalaan ko, yung mga pananaw ko.
- - -
" Babe, late pala ako makakauwi. May gagawin lang kami ng mga classmates ko. Mauna na kayong kumain ni ate mamayang dinner. Pagpapaalam na naman nya saken. Halos every week laging ganyan ang paalam nya. Simula ng mag-umpisa ang pasukan. I totally understand her, college kasi sya. Kaya loaded talaga sya sa mga ginagawa sa school.
3years ago na simula ng mag-aral sya dito na kami tumira sa bahay ng ate nya. Her parents got separated when she was a kid kaya lumaki sya na di nakakasama ang daddy nya. The only thing that she knows is that she has an older siblings. May ibang pamilya na din ang mommy nya kaya di na din sila halos magkita.
After she left for school ay ako naman ang naghanda ng kakainin namin ng ate nya. Si Jm.
Pagkatapos kong maghanda ay pinuntahan ko na sa kwarto si Jm. I was about to knock pero narinig kong parang may kausap sya.
" Yes baby. I missed you. Bye.
Instead of knocking ay umalis na lang ako sa tapat ng kwarto nya at hinintay sya sa sala.
Nilibang ko na lang ang sarili ko sa panonood since restday ko naman ngayon. Everyday routine ko na ang gumising ng maaga para ipaghanda sila ng pagkain since busy din si ate jm sa work at laging puyat dahil night shift sya.
Nakatulala lang ako, iniisip ko lahat ng nangyayare sa buhay ko. Siguro kung di ako umalis ng bahay, okay pa din sana kami ni mama ngayon.
Napabalik ako sa reyalidad ng maramdaman ko ang pagkalabit ni jm sa balikat ko.
" kain na tayo." Nakangiting anyaya nya saken.
Araw-araw ganito ang set up namin. Magkasabay kaming kumakain pero lagi lang kaming awkward at tahimik sa hapag kainan.Nang matapos na kaming kumain ay agad akong tumayo para ligpitin ang pinagkainan namin kasi automatic yun na ako ang maghuhugas kasi matutulog si jm.
" Tulungan na kita. Ako na maghuhugas nyan. " Napatingin lang ako sa kanya at dinedma ko yung sinabi nya, pero di nya pa din ako tinantanan. Nakipag-agawan pa din sya sa pagliligpit. Minadali ko na ang pagliligpit at inunahan ko na sya para ako na ang makapaghugas ng mga pinagkainan namin.
Habang naghuhugas ako ng plato ay nakaupo lang sya sa harap ng dining table habang busy sya sa pagtetext.
" Yhan, off mo ngayon di ba?" Tanong nya saken.
Tumango lang ako bilang sagot at pinagpatuloy ang ginagawa ko.
" Great! Ligo ka na tsaka bihis ka. Samahan mo ko. Mag-aayos na ko." Dire-diretsong saad nya at tsaka umalis.