" What are you up to? Trixie asked me. She looks confused with my plan.
Trixie and I we're best of friends since god knows how long. She always got my back whenever I'm in trouble. I know she loves me so much to the point na kahit ano gagawin nya para saken. My best friend is the only person in this world who understands my flaws.
" nothing trix. I just want to make her happy kahit saglit lang. masyado na syang nasasaktan sa ginagawa ni justine. And this is the only thing that I can do to make her happy.
I sighed. I knew all along what's happening with justine and rhian. I know that justine's cheating on her. I know that rhian's suffering pero wala akong magawa para patigilin si justin.
" so what's the plan nga? Aayain mo si justine for a double date? When eventually, ang plano mo naman talaga is kayo ni rhian ang talagang magde-date? Ganun ba jm? Trixie's sounding like my mom.
" Trix please, di ko kailangan ng sermon ngayon. I pleaded.
" Okaay. Sabi mo e. Sana lang di mag-back fire sayo lahat ng ginagawa mo. Trixie told me before leaving me here in our favorite coffee shop. Dito kami lagi nakatambay pag walang work.
- - -
Nakauwi na kami ni yhan ng bahay, pero mukhang na-offend yata sya sa sinabi ko kanina. Kasi pagdating na pagdating pa lang namin ay agad syang dumiretso ng kwarto, di man lang naisip na mag-good night or thank you saken.
" hay nako. Ano pa nga ba? Wrong move na naman ako. Halos sabunutan ko na ang sarili ko dahil sa kagaguhan ko kanina. If I can take those words back. Kaso di na pwede, nasabi ko na lahat.
I stayed in our living room for few minutes, thinking kung ano ba ang dapat kong gawin para gumaan pakiramdam ni rhian.
My phone rang suddenly, si justine yung tumatawag.
" what now justine? I asked.
" What? 2 weeks? Nababaliw kna ba? Nasaang lupalop ka ba? Nag-iisip ka ba?
" okay.. wala na kong magagawa. Ako na bahala.
I hang up. 2 weeks, dalawang linggo na puro iyak na naman ang maririnig ko sa kabilang kwarto.
I went to check on rhian, dahan-dahan kong binuksan ang pinto. I saw her sleeping. Unti-unti ko syang nilapitan at umupo sa tabi ng kama nila ni justine.
I look at her while she's sleeping. Hinawi ko yung mga buhok nya na tumatakip sa mukha nya.
" Sorry for those harsh words earlier yhan. Di lang talaga ko nag-iisip minsan. Bulong ko sa kanya.
She looks so fragile. Halata sa mata nya na nakatulog sya sa kakaiyak. Hindi nya na din nagawang magpalit ng damit dahil na din sa pagod. I felt guilty for not telling her the truth.
Justine told me earlier na aayusin nya ang lahat. And I'm hoping na sana di pa huli ang lahat pagbalik nya.
Kinumutan ko muna si yhan bago ako nagdecide na lumabas ng kwarto.
I can't sleep. Di ko alam pero paulit-ulit kong naiisip yung malungkot na mukha ni rhian pati yung itsura nya habang natutulog sya.
" Gosh! Mababaliw na ko. Paikot-ikot lang ako sa kama ko. It's already 3am pero di pa din ako makatulog.
Kaya naglaro na lang muna ako ng naglaro sa phone ko hanggang makatulog na ko.
I woke up around 6:30am, earlier than my wake-up time. Pumunta agad ako ng banyo para maghilamos. Tsaka ako dumiretso sa kusina.
Mukhang napasarap yung tulog ni yhan kaya di pa gising. Kadalasan kasi 5am pa lang gising na sya. She's the typical morning person na kilala ko. Yung tipo na wala pang liwanag gising na agad.
I decided to cook some breakfast for us since rest day ko naman at di ko kailangan magmadaling kumilos kasi dito lang ako sa bahay.
I cooked eggs, bacon, tuna omelette and my special fried rice ala jm! Sana lang kumain si yhan ng madami.
After ko magluto ay pinuntahan ko agad si rhian sa kwarto nya para ayain kumain. I was about to knock pero biglang bumukas yung pinto.
" Bakit? Walang ganang tanong nya saken.
" Aayain lang sana kita para magbreakfast. And to say sorry about last night. Kinakabahan ako kasi baka sungitan nya ko pagkatapos ng lahat ng nasabi ko.
" okay. Sagot nya saken. Tsaka ka dire-diretsong pumunta ng dining table.
I just followed her. Habang nakain kami ay kapansin-pansin ang pamumutla at katamlayan ni rhian.
" yhan, okay ka lang ba? Bakit ang putla mo?
" Wala to. Masakit lang ulo ko. Sige na. Tapos na ko kumain. Papasok na ko, salamat sa pagkain. Dire-diretso nyang sagot saken.
Agad syang tumayo at nilagay ang pinagkainan nya sa sink. Tsaka dumiretso palabas, sinundan ko naman agad sya.
Palabas na sana sya ng gate ng bigla syang tumumba. I was shocked! Di ko alam gagawin ko. Kaya agad ko ko syang nilapitan.
Naramdaman ko agad yung init ng katawan nya. Sobrang taas ng lagnat nya. Ano ba to?!
Isinakay ko agad sya sa kotse, nagdecide ako na dalahin na sya ng ospital dahil di ko na alam gagawin ko.
While driving, I tried calling justine but her number's out of reach.
" Fuck! Justine sumagot ka! I'm really frustrated right now. I kept calling her. Pero di ko pa din ma-contact.
Nang makarating kami ng ospital ay sinalubong kami agad ng mga nurse mula sa Emergency room.
I was pacing back and forth when the doctor approached me.
" Are you the relative of Ms. Reyes?
" Yes doc, I'm her sister in law. kamusta sya?
" I'm Dr. Marquez, rhian's attending physician. She has a high fever that's why she passed out. Isa pang dahilan ang pagod. But we saw some rashes on her, We're still running some tests para malaman kung anong sanhi ng mga rashes nya. Sa ngayon ay kailangan muna namin syang i-confine para maobserbahan.
" Sige po doc. Anyway, I'll just fix her papers para mai-confine na sya.
Agad naman nagpaalam saken si Dr. Marquez matapos nyang sabihin ang sitwasyon ni rhian.
After I finished fixing her confinement ay agad akong dumiretso sa kwartong pinagdalahan kay rhian. Since wala nang vacant bed sa mga ward ay nagdecide akong ikuha na lang sya ng private room para na din makapagpahinga sya ng maayos.
I sat beside her bed. Binabantayan ko lang sya habang natutulog sya. " Napakaswerte ng kapatid ko sayo.
I held her hands until I fell sleep.
- - -
- Jm.
