DADDY: 28

20.4K 470 32
                                    

"Ma, napapadalas na yata lakad niyo ha."

Pinuna ko si mama kase bihis na bihis ito.

"Bagong raket nak." Sabi niya habang nag-aayos ng damit sa salamin.

"Eh ang tagal tagal niyo nang ginagawa yan di mo man lang sa akin sinasabi kung ano yang raket na yan."

"Hindi ko pa ba nasabi?"

"Ano ba kaseng raket niyo?"

"Sige na anak. Mauna na ako. Kayo na bahala ni Sean sa bahay. Ang tatay mo ha, mamaya iinom ng gamot yan."

Limang sunod sunod na araw nang ganyan si mama. Limang beses ko na ding hinayaang lumabas si mama nang hindi man lang niya nasasabi sa akin ang raket na yan. Palaging nagmamadali. Sa tuwing nagtatanong ako kung ano raket niya, lagi siyang umiiwas. Hindi ko tuloy mapigilan mag-isip ng kung ano.

"Hoy, pag-ibig ko, ano ka jan? Kanina ka pa walang imik. Kainin mo na yang chicken joy mo. Lalamig na yan."

"Wala akong gana."

"Bakit? May sakit ka ba?"

Umiling ako. Hinipo ni Sean yung ulo ko.

"Okay ka naman ah."

Natigilan si Sean at nag-isip.

"Alam ko na, labas nalang tayo. Baka bored ka na dito sa bahay."

Nabuhayan ako kahit papano sa sinabi ni Sean.

"O sige, libre mo ko ng lunch." Sabi ko.

"Sige, tapos libre mo ko ng sine." Nagtaas baba ng kilay si drama king.

"Sige KKB na nga lang. Lugi ako sayo." Napakamot ako sa ulo.

Langya!

Matapos painumin ng gamot si papa, umalis kami ni Sean at nagpunta sa mall.

"Ano ba yung iniisip mo kanina at tahimik ka?"

"Si mama kase. Napapadalas ang alis."

Napatingin ako sa kamay naming dalawa ni Sean. Kanina pa niya kase hindi binibitawan yung kamay ko. Hawak niya to habang nagmamaneho siya.

"May trabaho daw siya Ron. Naikwento niya sa akin minsan."

"Sinabi ba niya kung ano raw trabaho niya?"

Umiling si Sean habang nagmamaneho.

"Di ba sinabi sayo ni Tita Berna?"

"Wala nga eh. Edi sana kung sinabi, di na ako mabaliw kakaisip kung anong pinagkaka-abalahan ng nanay ko."

Inakbayan ako ni Sean.

"Okay lang yan, Ron. I'm sure, kung ano man ang trabaho ni Tita Berna, para sa inyong pamilya yun. Kaya smile ka na ulit. Miss ko na smile mo."

Nagsalita pa ako pero hindi yun pinakingan ni drama king. Nagsasayaw yung ulo niya habang nakatingin sa daan. Kumakanta siya ng "Fresh Eyes" tapos tumingin siya sa akin tapos nakangiting aso siyang kumindat sa akin.

Napatingin ako kay Sean.

Mayamaya..

Yak! Yung kamay niya sa pinanhawak sa kamay ko ginamit niyang pangkulangot. Tapos akmang hahawakan ulit ni Sean yung kamay ko pero nagawa kong ilayo yung kamay ko.

Kiniliti ako ni Sean sa tagiliran na tulad ng ginagawa niya kapag inaasar niya ako. Napangiti na rin ako.

Sa wakas at natanggal ko na din yung kamay ko sa kanya! Nilayo ko kamay ko dahil kinukuha niya yun.

"Kadiri ka, Sean! Yak!!"

Pero ang bilis dahil nakuha agad ni Sean yung kamay ko. Tinitigan ko siya ng masama. Nakangiting aso si drama king.

"Aking lang 'tong mga kamay na 'to! Akala mo ha." Tapos kiniss ni Sean yung kamay ko.

Naalala ko pala kaya nagyaya si Sean ngayon sa mall kase third monthsary na namin. Hehe.. Tatlong buwan na kaming naggaga-guhan!

Halos apat na oras nang walang bitawan ang magkahawak naming kamay. Nasa kotse palang kami hawak na niya kamay ko. Hindi ko alam ang trip niya, pero hinayaan ko nalang din. Ang sarap sa feeling eh.

Ang daming tao dito sa mall. Payday ba? Tapos kanina pa kami nakatayo dito sa tapat ng CR. Siguro mga three minutes na. Hindi kumikibo si Sean tapos nakita ko yung expresyon ng kanyang mukha. Para siyang nagpipigil na ewan.

"Pag-ibig ko, ayoko sanang bitiwan yang kamay mo na nagmumukha nang falls sa sobrang basa. Pero, kailangan ko na talagang puntahan si Mang Ino. May meeting kase kami. Sige, jan ka lang ha!"

Nagmamadaling pumasok si Sean sa cubicle ng CR. Habang ako naman napapailing nalang sa kalokohan niya.

Puta, nag iwan pa ng time bomb! Ang baho!

Inantay ko si Sean sa labas ng CR. Habang nakatayo ako, nahagip ng mata ko si Edward. Napangiti ako at tatawagin ko sana siya nang mapahinto ako dahil sa nakitang ko yung kasama niya.

Nakita ko na masaya silang kumakain ni mama sa isang mamahaling restaurant. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko napagtaksilan ako ni Edward. Akala ko hindi na sila nagkikita ni mama, pero yun pala si Edward ang dahilan kung bakit madalas nagmamadaling umalis si mama sa bahay at nalilimutan niyang asikasuhin si papa.

Biglang sumama ang loob ko kay Edward.

Makalipas ang ilang minutong pag-aantay sa wakas lumabas na din si drama king.

"Sorry pag-ibig ko sa paghihintay.."

Natigilan si Sean. Nilingon ko siya.

"Okay la lang ba?" Tanong niya.

"Tara, alis na tayo dito. Nagugutom na ako eh."

"Ha? Ocge. San mo ba gusto kumain?"

Hinila ako ni Sean sa direksyon ng restaurant kung saan kasalakukuyang kumakain sila mama at si Edward.

"Teka, mahal yata jan eh." Pigil ko. Pero ayokong mapanood kung anong ginagawa nila Edward at ni mama kaya ko pinigilan si Sean.

"Ano ka ba, my treat. Remember kanina? Ako bahala sa lunch tapos ikaw, ililibre mo ako sa sine." Nakangiting sabi niya habang hinahatak ako papunta sa restaurant.

"Ah Sean, eh kung manood nalang kaya muna tayo ng sine? Lika."

"Akala ko ba, nagugutom ka na?"

"Hindi. False alarm lang pala. Tara na."

Agad na hinatak ko si Sean papunta sa movie area ng mall.

"Lawrence?"

Napatingin kami sa tumawag.

Hindi ko inaasahan na makikita niya kami dito sa mall.

Daddy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon