DADDY: 36

10.1K 295 18
                                    

"Mahal mo ba siya?"

"Oo, masaya na rin ako sa kanya."

"Edi, dun ka kung anong nagpapasaya sayo."

"Eh paano ka?"

"Okay lang ako. Iniwan mo lang naman ako eh. Basta kung san ka masaya, masaya na rin ako."

"Sir, eto na po yung beer na order nyo."" Biglang dating ng crew ng resto bar kung nasaan kami ngayon. Nilapag niya sa harap ko yung isang bote ng red horse.

Resto bar talaga ang pinili kong lugar para di ko masyadong marinig yung mga saloobin at sasabihin ni drama king. Para di gaanong masakit.

Hanggang sa umalis na si kuyang crew, hindi pa din kami nagsasalita ni Sean.

"Pasensya na."

"Bakit?"

"Patawarin mo ako. Alam kong galit ka."

"Naisip mo ba yan bago mo ginawa to saken?"

"Patawad. Naduwag lang ako."

Bigla ko naitabig ang bote ng red horse sa galit ko. Naging dahilan iyon para maging instant center of attraction kami dito sa loob ng resto bar.

"PUTANG INA NAMANG KADUWAGAN YAN!"

"Ron, teka, kumalma ka muna."

"KALMA? TANGINA PAANO AKO KAKALMA, SEAN? PAANO? NGAYON PA BA NA MALINAW NA GINAGAGO MO LANG PALA AKO?"

"Ser.." Kinalabit ako ng bouncer nitong resto bar.

"Nakakahiya, pinagtitinginan nila tayo."

"Ser, doon nalang muna tayo sa labas, ser." Magalang naman na tugon sa akin ng bouncer.

Pero, di ko siya pinansin dahil ang alam ko, parang kami lang ni Sean ang nandirito ngayon.

"HIYA! NGAYON PA TALAGA MAHIHIYA! BAKIT HINDI MO NARAMDAMAN YAN BAGO MO AKO PAGMUKAING TANGA!"

Nag-aalab at punong puno ng sama ng loob ang dibdib ko ngayon. Naaasar ako kase parang gago lang kausap si drama king akala niya siguro, lahat ng pinagsamahan namin ay laro lang. Tangina, aarte ba ako ng ganito kung di ko siya sineryoso? Ano ako, may katok para lang gumawa ng eksena na wala lang?

"PUTANG INA NAMAN, SEAN! WAG MO NA AKONG GAGUHIN PLEASE! ANG SABIHIN MO, SUMAMA KA SA JUSTIN NA YAN DAHIL NALASON NA NIYA UTAK MO SA KAKASULSOL SAYO NG KUNG ANO-ANO TUNGKOL SAKEN. KASE ALAM KO NAMAN NA SA SIMULA PALANG INAALIGIRAN KA NA NIYAN EH, AKO NAMAN SI TANGA, BINABAKURAN KA KASE PUTANG INA MO, MAHAL KITANG GAGO KA! AKALA KO GANUN KA DIN. ANG TANGA KO LANG KASE AKO LANG PALA ANG NAGMAMAHAL!"

Madami pa sana ako gustong sabihin kaso nilabas na ako ng tuluyan ng bouncer at pinagbawalan na ako pumasok sa loob nun. Swerte ko naman kase nakita ako ng tropa kong si Mac.

"Ron!" Patakbo ito sa akin. "Ano nangyari sayo? Kanina pa kita hinahanap."

"Tol, ayos lang ako, wag mo akong aalahanin."

Lumabas si drama king kupal kasama ng manager ng resto bar. Marahil sinagot na ni Sean yung boteng nabasag ko kanina. Pero, talagang masama padin ang loob ko sa kanya.

"Ikaw!" Dinuro ni Mac si Sean pagkakita niya dito.

Tinaas ni Sean yung kamay niya senyales na hindi siya papalag kay Mac. Pero, huli na kase, nasapak na niya si drama king. Nakita ko na tumilamsik sa sementadong lapag ng bar ang dugo ni Sean. Napahawak si Sean sa kaliwang bahagi ng panga.

"GAGO KA! TRAYDOR!" Sigaw ni Mac.

"Pre, teka lang, hayaan mo muna ako magpaliwanag. Tol, please." Sabi ni Sean.

"Wag mo kong ma tol tol jan! Gago! Traydor! Wala akong tropang traydor!" Sigaw ni Mac.

"Pakiusap. Patapusin niyo na muna ako. Kahit mamaya mo na ako ulanin ng sapak. Hayaan mo muna kami mag usap ni Ron." Mahinahon talaga si Sean.

"Ano? Lalasunin mo utak ng tropa ko?" Tinuro ako ni Mac. "Nakikita mo ba yang tropa ko? Maawa ka jan! Kase alam ko lahat ng sinasabi mo puro kasinungalingan! Ang sama sama mong tao! Anong nangyari sayo?! At eto, sinama mo pa yung putang inang ahas na tropa mo! Ginagago mo ba talaga tong tropa ko?"

Nakita ko na yung tinutukoy ni Mac ay si Justin na saktong nadatnan kami sa ganitong eksena at kabababa lang sa kanyang pulang Innova.

"Mac, Tol, hayaan mo na." Pigil ko.

"Ano naniniwala ka dito? Kase ako hindi ako maniniwala! Kase wala siyang ibang alam na gawin ngayon kundi magsinungaling at harap harapan kang gagaguhin!"

Umiling ako.

"Ano, papatalo ka lang sa mga to? Halika, upakan na natin total magkakaharap harap na kayo ngayon nang magkaalamanan na!" Hamon ni Mac.

"Umalis nalang tayo, wag nalang natin sila patulan." Inaya ko na si Mac tinalikod ko na siya palayo.

"Pre, makinig ka sa sasabihin ng ex mo." Sabi ni Justin.

Doon ako nagpantig ng tenga. Hinarap ko si Justin at  sasapakin ko sana pero napigilan ako ni Mac.

"Tol, pwede tayong kasuhan niyan pag nagkataon, physical injury ang bagsak natin jan."

"Wala naman kami balak magsampa ng kaso." Sabi ni drama king.

"Makinig ka sa amin, Ron. Pakiusap." Sabi ni Justin.

"Tol, wag kang makinig jan sa ahas na yan! Tandaan mo, siya ang umagaw ng syota mo!"

"Hindi ako." Sabi ni Justin. "Nakabuntis si Sean."

"Ano kami gago? Mapapaniwala mo talaga kami jan?" Sabi ni Mac.

"Nagsasabi siya ng totoo." May binunot na xerox copy ng ultra sound si drama king mula sa kanyang wallet.

Hinarap niya iyon sa amin. Pero imbes na paniwalaan, umiling ako sa panibagong drama ni Sean.

"Tama na, Sean. Hindi mo na ako magagago." Sabi ko habang umiiling. Tumalikod ako sa kanila.

Hinawi ako paharap ni Sean nakawak siya sa braso ko.

"Please, makinig ka sa akin. Ikaw palang ang taong pangalawang pinagsabihan ko. Patawad kung naglihim ako. Totoo na nakabuntis ako. She's four months pregnant now."

Hindi ko alam kung maniniwala pa ako sa pinagsasabi ni Sean pero sa kanyang itsura ngayon, mukha siyang nagsasabi ng katotohanan. May halong takot ang mukha ni Sean. Gusto ko sana siyang paniwalaan pero may isang bagay ang gumuhit sa utak ko, matagal na pala ako niloloko ni Sean. Mas matagal pa sa inaakala ko.

Daddy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon