DADDY: 1

108K 1.1K 63
                                    

Naglalakad ako sa makipot na eskinita pauwi sa amin alas nuwebe ng gabi. Late na kami nagsara sa pinagtatrabahuan kong car wash shop. Sabado kase ngayon, kaya madaming nagpapacarwash samin. Dahil sa maraming kita ang shop, nagpaadvance si boss sa sweldo namin. Kaya heto, napabili ako ng litsong manok para pasalubong ko kela mama.

Ako si Ron. 17 years old. Pero hindi mo aakalaing 17 palang ako dahil malaking bulas ako. Maganda ang katawan ko dahil regular ako kung mag workout dito sa mini gym ng barangay namin. Importante sa akin na mapangalagaan ang panlabas na kaanyuan ko. 5'9" ang tangkad ko, moreno, makapal ang kilay ko at matangos ang ilong, may dimples, kaya madaming bakla at babae dito sa amin ang nagkakagusto sa akin. Mahilig din akong maglaro ng basketball tuwing libre ang oras ko, kaya talagang athletic build ang pangangatawan ko. Slim pero may masel. In short, masarap!

Maraming nagsasabi na malakas daw talaga ang appeal ko. Sa katunayan, kelan lang maraming kumukuha sa aking bakla para isabak ako sa pageants. Bukod kase sa magandang lalaki ako, may talent din ako sa pagkanta, forte ko ang drums at gitara. Minsan nga naitatanong ko sa sarili ko kung san ko namana ang pagiging magandang lalaki ko, kayumanggi naman mga magulang ko. Siguro namana ko ito kay papa noong bata bata pa siya. Tapos siguro, yung tangkad ko naman, kay mama ko namana.

Solong anak ako. Dahil nagkaroon ng karamdaman si papa, tumigil ako sa pag-aaral nung makagraduate ako ng high school, nagtrabaho na ako bilang service crew sa Mcdo. Nung maendo, nauwi ako bilang car wash boy. Isang taon na ako dito nagtatrabaho. Lima kaming tauhan ni boss pero ako ang pinaka paborito ni boss Jun kase masipag daw ako at makapagkakatiwalaan. Kaya ayaw niya din ako pakawalan at hayaang lumipat sa ibang shop.

May madadaanan ka na parlor bago ka lumiko sa isa pang makipot na eskinita papunta sa bahay. Nakita ko si Bebang na nakaupo sa monoblock chair sa tapat ng parlor niya. Binati niya ako. Ningitiaan ko naman siya. Malayo palang iba na ang titig niya sa akin. Alam ko naman sa loob loob ko na matagal na akong kursunada ng baklang ito eh.

"Oh Ron, ginabi ka na yata?" Puna ni Bebang sa akin habang nagyoyosi.

Tumigil ako saglit sa tapat niya bago sumagot.

"Madami kasing tao sa shop ngayon. Kaya late na talaga ako nakauwi." Sabi ko. Iba ang titig niya saken. Syempre, lalo ko siyang pinapatulan, Tinititigan ko rin siya.

Iniabot niya sa akin yung yosi para maki hits.

"Swerte naman ng mga magulang mo sayo. Gwapo ka na masipag pa! Bakit di ka nalang kasi mag syota para may mag-aalaga sayo." Dumikit siya akin at ngumiti ng pilyo.

Alam ko naman na kating kati na ito sa katawan ko. Kaya niyaya ko siyang mag inom.

"Painom ka na." Sabi ko.

"Lagi naman akong nagpapainom. Ikaw lang tong mahirap haligapin." Sabi niya kunwari nagtatampo. Hinimas himas niya yung braso ko.

Ngumiti ako. "Sige. Mamaya balik ako. Kakain lang ako tapos magiinuman tayo." Sabi ko.

Gusto ko din kase mag inom. Sakto nanjan tong baklang to. May sponsor na sa alak. Meron naman akong pambili ng alak, kaso kung yung ipapambili ko, ikakain nalang namin. May gamot pang maintenance yung tatay ko. Kaya hindi ko magastos gastos yung pera ko.

"Sigurado yan ha. Yan din kase sinabi mo sa akin nung isang linggo, inaantay kita. Di ka naman sumulpot." Sabi niya pa.

Tanginang bakla 'to. Pa obvious masyado!

"Di. Pramis! Babalik ako. Gusto ko din kase mag-inom."

Matapos naming mag usap, nagmadali ako sa paglalakad, kanina pa kasing tanghali hindi nakakakain ng maayos sila mama.

Daddy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon