NOTE

22.1K 535 54
                                    

NOTE:

December 2014 noong ginawa ko ang "Ang Hari ng Angas" bilang pamaskong regalo sa mga kaibigan ko dito sa wattpad. Ito ay kwento ni Shan Dave at Julian na pinilit lumaban sa hamon ng buhay sa kabila ng kanilang malaking pag kakaiba. Ito ay mayroong 29 chapters na pumatok sa mga mambabasa at dahil nga dito ay sinundan ko ulit ito ng isa pang kwento na ang pamagat ay "Ang Gwapong Gago" na inilabas ko noong 2015, may habang 24 chapters ngunit sulit naman kung iyong babasahin. Ito ay kwento nina Johan at Aldrin na nag bigay inspirasyon at aral para sa lahat. At dahil matagumpay kong nagawa ang dalawang kwentong ito ay muli kong binigyan ng pag subok ang aking sarili na gumawa muli ng ikatlong kwento at iyon ang "Alyas Kanto Boy" na inilabas ko sa kaparehong taong 2015. Ito ay kwento naman nina Raul at Greg na may kompletong chapters na 50, isa sa pinaka mahabang kwentong nagawa ko dito sa wattpad. Hindi naman ako nabigo dahil tinanggap rin ito ng mambabasa at ang tatlong kwentong ito ang naging "front line", "benchmark" at pambawi ko noong ako tumigil sa pag susulat.

Matapos kong ilabas ang Alyas Kanto Boy ay lumikha pa ako ng maraming kwento, nag laro ako sa ibat ibang genre katulad ng fantasy (Ang alamat ni Prinsipe Malik, Ang Lihim ni Seth, My Super Kuya, Ang Sumpa ni Ibarra, Ang Tadhana ni Narding at Ace) Ang mga obrang ito ang patunay na si Ai Tenshi ay hindi lang sumasaklaw sa iisang genre dahil may kakayanan rin siyang lumabas at sumubok ng iba. Mas delikado, mas komplikado at mas masakit sa ulo (LOL)

Bukod sa mga fantasy ay nag labas rin ako ng mga Romance Comedy (sa tingin ko ay dito talaga ako tumatak) ang sabi nga nila ay "AiTenshi's Classic kung mayroong funny sidekick". Nilabas ko ang mga kwentong nag paiyak, nag pagalit at nag patawa sa inyo (The Soldier And I, Imbisibol at Limelight)

Marami rami na rin pala akong nagawa, siguro naman ay pwede ko na ulit ichallenge ang sarili ko at makita kung saan na ba ako nakarating sa pag susulat. Kaya naman ngayong 2017 ay hinarap ko ang hamon na sundan ang "Alyas Kanto Boy" at matapos ang ilang linggong pag hahanda ay nabuo ko ang konseptong "Alyas Pogi".

Ang Alyas Pogi ay kwento nina Bogs at Jomar na mayroong humigit sa 30 chapters. Ang bawat suliranin at pag subok na kanilang haharapin ay tiyak kong mag bibigay ng aral sa inyong lahat. Ang kwento ito ay mag iiwan ng ngiti, luha at inspirasyon upang tayong lahat ay maging mas mabuting tao na hinubog ng pag kakamali at pag subok. Bumalik muli tayo sa Compound ng Bagong Buhay, Bagong Pag Asa Street at samahan si Alyas Pogi sa kanyang naiibang kwento.

July 2017!!

P.S

Sana ay mapangiti kita sa mga kwento ko, huwag mo na akong ifollow, o huwag kana mag paramdam. Basta ang gusto ay ngumiti ka lang.. Iyon lang ay sapat na para mapawi ang pagod ko sa pag susulat. Maraming salamat sa iyo..

Alyas PogiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon