Full credits to Ryan Shandi as Bogs
Mula sa direskyon ng mga kwentong nag pakilig at nag bigay inspirasyon sa ating lahat. Ang Haring Angas, Ang Gwapong Gago at Alyas Kanto Boy.
PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
May 17, 2017
Alyas Pogi
AiTenshi
"May iba pa? Sagutin mo ako Vince, may iba ka ba?" ang tanong ko habang kinakatok ito sa pinto ng Cr.
"Ano ka ba babe, hindi ba ako pwedeng tumae ng hindi ka nag sspeech dyan?" sagot niya habang kinakalampag ang timba.
"Gusto ko lang malaman." tugon ko ulit
"Wala akong iba, masyado ka kasi praning eh. Dalawang taon na tayong mag karelasyon diba? Ngayon pa ba kita lolokohin? Wala ka bang tiwala sa akin ha?" tanong niya.
"Meron naman, kaso malakas talaga ang pakiramdam kong may itinatago ka sa akin. Sino ba si Andy?" ang tanong ko.
"Si Andy? Ah yun iyong alagang shih tzu ng kasamahan kong nag duduty sa ospital. Ang cute no?" ang tanong nito.
"Sigurado ka ba?" tanong ko ulit
"Oo naman, si Andy yung cute na aso ng kaibigan ko doon. Naku binibihisan pa iyon at pinagugupitan kada linggo. Huwag kana nga mag selos dyan babe, wala ka naman dapat ipag alala. Aso si Andy. Tapos." ang malambing na boses nito habang napapa iri pa
"Ah ganon ba? Bilisan mong tumae dyan at kanina pa tumatawag yung asong alaga ng kaibigan mo. Nag txt pa kung tuloy daw ba dinner date nyo!" ang sagot ko sabay sipa ng malakas sa pinto ng banyo dahilan para masira ito.
"Tang ina bakit sinira mong yung pinto? Magagalit yung landlord ko nito eh." ang reklamo ni Vince habang mabilis na nag susuot ng short. Samantalang ako naman mabilis na isinilid ang aking gamit sa bag at agad na umalis sa kanyang apartment.
"Eeeyy Coco Crunch please, ano ba? Saan ka pupunta. Bumalik ka nga dito. Jomar!!" ang pag tawag nito ngunit hindi ko na siya pinansin pa.
"Coco Crunch your face! Mag sama kayo ng kadate mong aso! Gago!!" ang sigaw pa sabay sakay sa taxi.
Part 1
Tawagin nyo na lang ako sa pangalang Jomar, 21 taong gulang at kasalukuyang nasa ikatlong taon sa kursong Accountancy. Ako ay may taas na 5'7, may tamang pangangatawan at saktong itsura, ang ibig kong sabihin ay hindi nahahanay sa gwapo at hindi rin naman panget, gitna lang kumbaga. Nag mula ako sa pamilya ng mga propesyonal bagamat hindi naman kami ganoon ka yaman. Si Papa ay isang abugado, si mama naman ay isang CPA kaya't kahit papaano ay nais kong masundan ang kanilang yapak lalo't nag iisa lamang akong anak.
BINABASA MO ANG
Alyas Pogi
RomanceAng kwento ito ay mag iiwan ng ngiti, luha at inspirasyon upang tayong lahat ay maging mas mabuting tao na hinubog ng pag kakamali at pag subok. Bumalik muli tayo sa Compound ng Bagong Buhay, Bagong Pag Asa Street at samahan si Alyas Pogi sa kanyang...