Ryan Shandi as Bogs
PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
Alyas Pogi
AiTenshi
May 21, 2017
Part 4
Dumating ang araw ng Biyernes, katulad ng napag usapan ay gaganapin mamayang gabi ang aming double date. Alam ko naman na ang layon lang ng date na iyon ay pikunin ako at patunayan na imbento lang ang tungkol sa pag kakaroon ko ng gwapong manliligaw, bagamat ang totoo noon ay imbento nga lang naman at wala itong katotohanan. Sumang-ayon lang naman kami ni Yani sa hamon na iyon upang ipakita na hindi ako bitter at wala akong hinanakit sa pang aagaw ni Andy sa aking kasintahan na si Vince.
Noong araw na iyon ay mag hapon akong tulala at wala sa sarili. Madalas tuloy akong napapagalitan ng aming guro dahil ang aking isipan ay lumilipad sa kawalan. Paano ba naman kasi ay nangangamba ako na baka pumalpak ang plano at ang lahat ng effort namin ni Yani ay mauwi sa wala. At saka baka iscamin pa ako ni Bogs sayang lang ang pera ko pag nag kataon.
"Chillax ka lang frend. Naka usap ko na si Papa Bogs, ibinigay ko na rin yung polong gagamitin niya mamaya." ang wika ni Yani.
"Oh ano naman sabi niya?" tanong ko.
"Eh wala, tiningnan yung tag price ng damit at pag katapos ay isinampay ito sa kanyang balikat." ang kwento ni Yani.
"Tapos?"
"Yun lang, nang hingi pa nga sakin ng pambili ng softdrinks eh."
"Binigyan mo naman?"
"Oo, gwapo eh. Kahit hindi siya mang hingi ay mag bibigay ako noh. Yung titig niya ay nakaka lusaw talaga. Kahit nga katawan ko ay ibibigay ko kung kanyang hihilingin." wika ni Yani.
"Gago, malandi ka rin eh. Basta siguraduhin mo lang na pupunta siya ha. Baka maya maya ay hindi siya sumipot at mapahiya ako." ang paalala ko.
"Sisipot iyon, umorder na rin ako ng isang kumpol na red roses na ibibigay nya sa iyo. At syempre lahat ng iyon ay gastos mo, so eto ang bill. Need mong mag bayad bukas dahil pondo ng P.E club ang ginamit ko." wika niya sabay abot ng dalawang resibo para sa damit na gagamitin ni Bogs at sa bulalak.
"Yung damit na binili mo kay Bogs ay nag kakahalaga ng 1,200 pesos? At yung bulaklak ay 1,960 pesos? Tang ina, anong akala niyo sa akin nag tatae ng pera? Bawiin mo yung polo pag katapos niyang gamitin mamaya." galit kong salita.
"Ayy wititit na frend, ang sabi ko kasi ay sa kanya na iyon. Pinabibigay mo, oh diba naka credit pa rin talaga sa iyo. Saka sa gwapo ni Papa Bogs ay deserve na deserve niya iyon." kinikilig na wika nito.
BINABASA MO ANG
Alyas Pogi
RomanceAng kwento ito ay mag iiwan ng ngiti, luha at inspirasyon upang tayong lahat ay maging mas mabuting tao na hinubog ng pag kakamali at pag subok. Bumalik muli tayo sa Compound ng Bagong Buhay, Bagong Pag Asa Street at samahan si Alyas Pogi sa kanyang...