My One Night Fairytale

146 14 1
                                    

My One Night Fairytale

"Oh my! Malapit na ang prom! Excited na'ko sobra!" Tinutulak-kabig ko pa si Jewel sa sobrang excited ko!

"Ano ba? Kelangan pang guluhin ang uniform ko ganun?!" Inis niya pang inalis ang kamay ko.

"Sorry naman, excited lang. Ikaw ba, hindi?"

"Hindi! Para sa may mga boyfriend at girlfriend lang 'yun! Isama mo na rin 'yung mga may ka-MU o kaya'y 'yung mga mahilig lang talaga sa party!" Kunot-noong sagot pa niya.

"Sus! Napakabitter mo! Basta ako pupunta!" Sabi ko pa na hawak-hawak pa 'yung librong binabasa ko kanina.

"Bakit, alin ka ba dun sa mga sinabi ko?! Ikaw! 'Di ka na nadala. May napala ka ba last year nun sa prom? Wala 'di ba? May nagsayaw ba sa'yo? Meron, pero dadalawa lang 'di ba? 'Yun pang dalawang wirdong kabatch natin? O e anong inaasahan mo ngayong prom na 'to?" Bigla naman akong nanlumo sa sinabi niya. Last year kasi, si Xander at si Paolo lang ang nagsayaw sa'kin. Si Pao, 'yung bading na friend namin. Si Xander naman, 'yung classmate ko simula first year high school.

"O ano? Nananahimik ka ngayon?" Tanong niya nang mapansin niyang hindi na'ko nagsalita.

"'E gusto ko lang naman kasi, maisayaw ako ni Prince." Ngunguso-nguso ko pang sagot. Si Prince ay ang pinakasikat na lalaki sa'min. Campus heartthrob kung maituturing—gwapo, mayaman, tapos varsity player pa sa basketball! Long time crush ko na siya, simula pa nung first year highschool. Lahat na ginawa ko para mapansin niya'ko—magbigay ng love letter, magcheer sa t'wing may laban siya, magbigay ng mga regalo, at kung anu-ano pa. Oo, adik na talaga ako sa kanya. At oo, isa akong dakilang loser dahil alam ko namang wala akong pag-asa sa kanya. Alam ko naman 'yun e, ang akin lang, sana kahit isang beses lang..maisayaw niya'ko sa prom.

"Ayun! 'Yun ang problema sa'yo! Tigilan mo na kasi ang kakaasa, Ysay." Pangangaral pa ni Jewel. Mabuting kaibigan si Jewel. Simula elementary, siya na ang lagi kong nakakasama. Pranka nga lang kung minsan, hehe. Para ko na siyang ate na laging andiyan para alalayan at pagsabihan ako at kasama na nga dun ang tungkol kay Prince.

"Alam mo naman na gustong-gusto ko siya e, noon pa." Malungkot na sabi ko sa kanya.

"Alam ko. Pero hindi mo naman siya kilala personally. Hindi ko magets kung bakit ang laki ng paghanga mo sa kaniya gayong ni minsan, 'di ka naman nun pinansin." Tumungo na lamang ako sa sahig. Kahit ako, hindi ko malaman kung bakit gusto ko siya, kung bakit ganito kalaki ang paghanga ko sa kanya.

"Sa panget kong 'to, wala naman ng magkakagusto sa'kin. Kaya okay na rin 'to. Sa kanya ko na lang itinutuon 'yung atensiyon ko kesa naman magmukmok ako sa kapangitan ko 'di ba? Haha!" Pilit kong tinatakpan ng mga ngiti at tawa ang lungkot na nararamdaman ko.

"Ano ka ba?! Sino ang may sabi sa'yong panget ka?! Baliw! 'Di ba, sa'yo pa mismo nanggaling? Walang taong panget, pero taong walang tiwala sa sarili, meron! At ikaw 'yun!" Hindi na'ko nakasagot kay Jewel hanggang sa narinig na namin 'yung school bell at nagsimula na ang klase.

***

Ito na 'yung pinakahihintay na araw ko. Ang JS Promenade! Lumapit pa muna ako sa salamin at tinignan ang hitsura ko.

Okay naman. Ngumiti ako. Paalala nga ni Jewel, walang taong panget, pero merong taong walang tiwala sa sarili. Kelangan kong maniwala na may sariling ganda ako. Sa ganoong paraan, baka mapansin ako ni Prince.

Naiisip ko pa lang na isasayaw niya'ko, kinikilig na'ko! Pa'no pa kaya 'pag talagang sinayaw na niya'ko? Ay maloloka ang lola niyo ng bongga sigurado! Inayos ko lang ang gamit ko at dumiretso na sa school pagkatapos.

InZagne's One-Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon