Ang Lalaki sa Rooftop

145 6 0
                                    

Psssssssssst!

Huh?! Ano 'yun?! Ako ba tinatawag nun?


Pssssst!


"Ano ba?! Natutulog 'yung tao 'e!" Inis kong iniangat ang ulo ko mula sa pagkakatuon sa armchair ko.

"Ms. Trinidad! Natutulog ka na nga sa klase ko, nanggugulo ka pa?! Aba'y anong problema mong bata ka?!" Gulat akong napatitig kay Mrs. Reyes. Oo nga pala! Ang shunga ko naman! Nasa klase nga pala ako!

"Kanina pa kasi kita ginigising Kisha, 'di ka matinag 'e!" Bulong ni Jazz.

"May narinig kasi akong tumatawag sa'kin 'e. Psst nang psst. Narinig mo ba?" Bulong ko rin sa kanya.

"H-ha? Wala naman 'e." Takang sagot pa niya.

"Oh?! Ms. Santos, baka gusto mo ring makatikim sa akin at bulungan pa kayo diyan na parang wala ako ah?!" Sigaw ni Miss.

"S-sorry po." Nakayukong paumanhin ni Jazz.

"Miss, sorry po talaga. Hind—"

"No! Get out of my class!" Pigil pa sa akin ni Miss at talagang galit na galit siya. 'Yung nanlilisik niyang mga mata ang nag-udyok sa aking tumayo at lumabas ng classroom.

Bagsak ang mga balikat kong tinungo ang hagdanan pababa ngunit may narinig akong boses na hindi ko malaman kung saan nanggagaling.

Pssssst!

Nilingon ko ang magkabilang dulo ng pasilyo pero walang tao. Air-conditioned din ang mga kwarto kaya kahit na may sumigaw mula roon ay hindi mo naman maririnig dito sa labas kaya imposibleng sa mga kwarto nanggaling 'yung boses.

Psssst! 


"Sino ka ba ha?! Kung hindi dahil sa'yo hindi sana ako napalabas sa klase! Kaya magpakita ka na!” Sigaw ko pa pero wala akong sagot na narinig. Katahimikan lamang ang nangibabaw sa mahabang pasilyong iyon.


Nag-umpisa na akong makaramdam ng kaba. Tinignan ko pa ang relo ko pero mag-aalas kuwarto pa lang. Maaga pa para magparamdam ang mga kakaibang nilalang.Hinayaan ko na lang ang pangyayaring iyon at akmang hahakbang na ako pababa nang maramdaman ko ang malamig na hanging umihip mula sa likuran ko. 


"S-sino 'yan?!" Sigaw ko pero wala akong natanggap na sagot. Dahan-dahan akong tumalikod at laking ginhawa ko nang wala naman akong nakita kung ano. Pero makalipas lang ng ilang segundo, muli kong naramdaman ang ihip ng hangin na ngayo'y mas malakas at nililipad pa ang buhok ko pakanan. Closed corridor ang bahaging ito ng building. Mula 1st flr hanggang sa 3rd flr ay closed area ang mga corridors dahil natatakpan ng wall ng gym ang pasamano ng tatlong floors. Kaya kahit anong gawin mo, imposibleng umihip ng ganoong kalakas na hangin dito. Kung ganoon, sa'n nanggaling ang hanging iyon? Hindi kaya?


InZagne's One-Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon