{Yvonne's POV}
"Kyaaaaah! Yvonne! May bagong labas na naman na album ang The Freaks!" Halos habulin na ni Cherry ang hininga niya nang makarating siya sa table ko. Si Cherry, isa sa mga pinakamalapit kong kaibigan dito sa office. At tulad ko, isa rin siyang avid fan ng isa sa pinakasikat na banda sa Pilipinas, ang 'The Freaks'.
"Talaga?!" Hindi ko makapaniwalang sabi. Kakarelease lang kasi ng album nila three months ago. Hindi ko inaasahan na magrerelease ulit sila ng panibago this month.
"Oo! At balita ko, maganda 'yung carrying single nila ngayon! Si Luke daw mismo ang nagrevive nung kanta!" Hindi magkaundagagang kwento pa ni Cherry.
"Si Luke?" Hindi ko makapaniwalang tanong. Si Luke ang bokalista ng bandang iyon. Lubos ko siyang hinahangaan sa galing niya sa pagkanta. Ramdam ko kasi ang bawat linya ng mga kanta niya, parang pakiramdam ko tumatagos hindi lang sa puso ko kundi hanggang sa kaluluwa ko. Hindi ko rin maitatangging napakagawapo at napakalakas ng dating niya. Mula sa maamo niyang mukha hanggang sa tayo niya. At dahil doon, maraming nahahalinang mga kababaihan sa kanya at kabilang na'ko doon.
"Friend?" Pinitik pa ni Cherry ang mga daliri niya sa harapan ng mukha ko, dahilan para mapakurap ako. "Natutulala ka na naman? Nagrereminisce ka na naman ba?" Nag-aalalang tanong niya sa'kin.
Lingid kasi sa kaalaman ng nakararami, kababata ko si Luke. Simula't sapul, kami na ang magkasama lagi. Mapa-eskwelahan pa 'yan, mapa-laro, at higit sa lahat, mapa-musika. Ang musika ang naging pinakamalaking koneksiyon namin sa isa't-isa. Pagkanta, pagtugtog at paggawa ng kanta ang lagi naming pinagkakaabalahan noon. Sa lahat ng pagkakataon, siya ang kasama ko—t'wing birthday ko, t'wing pasko at bagong taon, at sa kung anu-ano pang okasyon. Hanggang sa dumating ang araw ng highschool graduation. Hindi ko inaasahan na sa pagkakataon palang iyon, magbabago ang lahat, matatapos ang lahat.
"Hay friend! May gig sila bukas ng gabi sa bar kung sa'n tayo laging rumaraket. Birthday ata nung may-ari kaya special guest sila. Pagkakataon mo na, okay? Kausapin mo na siya." Tumango lang ako at bumalik na din siya sa table na. Handa na ba talaga akong kausapin siya? Kaya ko na ba siyang harapin?
Geez Yvonne! Walong taon na ang nakaraan. Marami nang nagbago. Marami na rin siyang nakalimutan. At maaaring isa ka na doon.
***
Ito na 'yun. Ito na 'yung gabing pinakahihintay ko—at ang gabing pinakatatakutan ko. Bumuntong-hininga na lang ako. Maaaring maraming pwedeng mangyari 'pag hinarap ko siya. Pero walang mangyayari sa'kin at sa nararamdaman ko kung hindi ko susubukan.
"Ready?" Tanong pa sa'kin ni Cherry. Tumango ako at tuluyan na kaming pumasok sa bar. Minsan, tumutugtog at kumakanta kami dito ni Cherry bilang sideline. Maliban sa perang kikitain ko, ginagawa ko 'yun kasi musika ang naging buhay ko. Pakiramdam ko, sa t'wing nakakakanta ako o nakakatugtog, nabubuhayan ako. Kasi pakiramdam ko, nasa tabi ko lang siya, na nasa tabi ko si Luke.
Umupo kami sa may harapan pero dulong kanan ng bar. Um-order pa kami ng drinks ni Cherry at naghintay. Ilang minuto lang ay lumabas na din ang 'The Freaks'. Hawak-hawak ko pa ang cd na binili ko kanina sa mall. Ito 'yung album nila, na hanggang ngayon ay nakabalot pa sa plastic. Hindi ko magawang buksan. Pakiramdam ko may kung anong laman 'yun. Natatawa na lang ako kasi nagiging wirdo na'ko.
"Hi guys! Good evening!" Bati pa ni Luke sa audience. Tila nagpanting naman ang mga tenga ko sa malamig niyang boses. Isang pamilyar na boses na matagal ko nang hinangad na marinig muli.
"We were invited here because of a very special occasion. Batiin naman natin si sir Fritz ng isang happy birthday!" Masaya pa niyang sabi. Sa mga ngiti niya, it looks like..he's doing well.
BINABASA MO ANG
InZagne's One-Shot Stories
Short StoryThis is the collection/compilation of my one-shot stories! Enjoy reading guys!