10

31 0 0
                                    

Pasaway (#asst. Basketball Coach)

[ Iba talaga ang pakiramdam ko ngayon kasi absent ako kahapon. Ang sabi pa ng SAJ sa akin na nag long quiz sila kahapon at may assignment daw kami. Ayaw na ayaw ko pa namang may namimiss sa klase kasi I am such a competitive person kaya big deal talaga sa akin when it comes in academic]

Ms. Murallon bakit wala ka kahapon? ---TEACHER

Kasi Absent po ako Ma’am [mahina kong sabi na tama na marinig ni ma’am dahil nahihiya ako kasi naka-tingin ba naman silang lahat sa akin… ang awkward kasi sa pakiramdam]

Alam kong absent ka kahapon kaya nga tinatanong kita kung bakit wala ka kahapon.---TEACHER

Ahh, sorry po! Yun po pala ang tinatanong niyo kung bakit ako absent kahapon. May urgent matter lang po akong pinuntahan. [Ito na nga ba ang sinasabi ko ehhh…Tatanongin ako ni Ma’am kung bakit ako absent sa klase niya kahapon.]

Ahh, ganun ba? Okay! Class pass your assignment now. ---TEACHER

[Mabuti naman at hindi na niya tinanong kung anong urgent matter ang pinuntahan ko kasi wala pa naman akong sufficient answer. GOSH!!! Pass your assignment daw, LORD ano ang gagawin ko? Wala akong assignment. Kaya Faith Zane Monique mag-isip ka ng paraan. After 5sec. may naisip na ako kaya I raise my hand at tumingin naman si ma’am sa akin pati mga classmates ko din] Ma’am pagagalitan niyo po ba ako sa bagay na hindi ko naman ginawa?

Natural hindi…Bakit naman kita papagalitan kung hindi mo naman pala ginawa!!!---TEACHER

Talaga po? [ Pagkarinig ko nun tumayo ako at nagtatalon-talon sa tuwa kasi parang magiging effective ang plano ko] Yesss!!!!

Ang saya mo ata diyan Ms. Murallon? ---TEACHER

Wala na pong bawian ahh [I smile to her then inhale-exhale] Ma’am hindi ko po ginawa assignment ko!

Naisahan ako dun ahh! (Shaking her head) Ms. Murallon ikaw ang perfect example ng Student na ang sarap batukan.---TEACHER

I love you too Ma’am [nakahinga na ako ng maluwang dahil nagawan ko ng paraan ang kanina ko pang pinoproblema. I bow my head at umupo na sa chair ko. Lahat nga ng mga kaklase ko ang weird ng tingin sa akin] Don’t worry po babawi nalang ako sa susunod.

Siguradohin mo lang Ms. Murallon dahil tatandaan ko ang mga sinabi mong yan.---TEACHER

Ang daya naman niyan (linakasan talaga niya na marinig ng buong klase)---ANGEL

Oo nga po Ma’am (ang taray kasi tinaasan pa talaga ng kilay ang teacher)---SHAINA

Ano ba naman yan! (nag-cross arms at making face) May favoritism na nagaganap. ---JUDY

May reklamo kayo girls? (tanong niya sa tatlong nag-paparinig sa kanya) ---TEACHER

Innocent troublemaker (The Record Breaker)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon